Special Chapter ( Part 1)

2.7K 34 0
                                    

HARRY'S POV

Hi. Ako si Harry Bartolome. Isa akong guro. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit maayos naman akong namumuhay pero, naging magulo ang buhay at pagkatao ko.

Isa akong Guro, ngunit sa halip ako ang maging ehemplo sa mga estudyante ko, isa pa ako sa naging dahilan kung bakit may nasirang pangarap. At ako? Ako ang sumira ng mga pangarap niya, lalo na ang buhay niya...

   

" Rusty, Follow me at the faculty room. See you there?" tawag at tanong ko sa estudyante kong lalaki pagkatapos ng klase ko sakanila.

" Okay Sir." nakangiti namang sagot niya saka ako tumalikod para magtungo na sa faculty room.

Siya si Rusty De Leon. Ang isa sa pinakamatalino at matinong estudyanteng nakilala ko. Pero, madalas ay tinutukso siya ng mga kaklase niya sa kanyang tinatagong kasarian.

Ramdam ko siya. Kahit di niya sabihin ay alam kong tama ang binibintang sakanya ng mga kaeskwela niya dahil, tulad niya.., ay nagtatago din ako. Nararamdaman ko kung ano ang nararamdaman niya.

Habang kausap ko siya sa faculty room ay masaya ang pakiramdam ko. Kilala ako sa eskwelahan bilang isang masungit at supladong guro. Pero, hindi alam ni Rusty, na masaya ako kapag nakikita at nakakausap ko siya kahit na sinusungitan ko siya.

Alam kong bawal. Sobrang bawal ng mga naiisip ko dahil unang una ay guro ako at hindi ko pwedeng dungisan ang pagkatao ko lalo na kung ito ay magiging patungkol sa aking sekswalidad. Hindi ako pwedeng umibig sa kapwa ko lalaki kahit na iyon pa ang aking gustuhin. Kailangan kong isipin ang trabaho ko.

Oo, gusto ko si Rusty. Humahanga ako sakanya sa maraming aspeto ng kanyang pagkatao. Kahit alam kong mali. Kahit alam kong hindi pwede. Dahil bukod sa propesyon ko, alam kong tututulan kami ng mga tao sa paligid ko lalo na't parehas kaming lalaki at higit sa lahat mas matanda ako sakanya.

Alam ko at ramdam ko ang mga titig sakin ni Rusty. Alam kong may tinatago siyang pagtingin sakin. Alam kong pinagnanasaan niya ko at ganun din naman ako sakanya kahit alam kong bawal. Parehas kaming nagtatago sa isang larong parehas kaming taya.

Araw-araw at Gabi-gabi bago matulog at pagkagising ko sa umaga ay siya na ang pinagpapantasyahan ko. Siya na ang laman ng isipan ko.

Masaya ang pakiramdam ko sa twing papasok sa trabaho lalo na kung siya ay masisilayan ko. Pero, kailangan kong magpanggap na masungit para hindi ako mahalata ng mga tao sa paligid ko.

Mahirap. Sobrang hirap.

Gusto ko siyang kausapin at ligawan pero, hindi ko kaya. Alam kong hindi ako mapapahiya dahil ramdam na ramdam ko sakanya na may tinatago din siyang pagtingin sakin lalo na ng mahuli ko siya isang araw sa may canteen na tinitingnan ang mga larawan ko sa facebook account ko.

Mag-isa lang siya ng panahon na yun. Hindi ko pa siya estudyante noon pero, kilala ko na siya dahil matunog ang kanyang pangalan sa loob ng eskwelahan dahil na rin sa kanyang katalinuhan. Hindi niya alam na nasa kabilang table lang ako sa likod niya kaya kitang kita ko na ako ang pinagmamasdan niya.

Napangiti nalang ako dahil alam kong may pag-asa ako sakanya. Pero, bigla din akong nalungkot dahil kahit may pag-asa ako sakanya ay alam kong di kami makakatakas sa mundong ginagalawan namin.

Hindi ko na tinapos pa ang kinakain ko noon at tumayo ako sa kinauupuan ko. Sakto namang dating ng dalawa niyang kaibigan na sa pagkakatanda ko ay sina Wendell at Andy ang pangalan nila. Hindi ko pa sila estudyante ng mga panahon na ito. Pero, dahil interesado ako kay Rusty, at maalam din ako sa mga bagay na malapit sakanya ay natandaan at nakilala ko sila on my own.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon