28 : Explanation

3.3K 97 12
                                    

This chapter is Rated SPG
😂😂😂 Striktong Pagsasalsal ang Gabay
HAHAHAHAHA

RUSTY POV

Nagtungo ako sa bakanteng lote na pinupuntahan namin nina Andy at Wendell. Ang isa sa pinakapaborito naming tambayang magbabarkada.

Gusto kong mapag-isa. Gusto ko ng tahimik na lugar. Gusto kong makapag-isip ng malaya.
Ayaw ko sa bahay. Ayaw ko pang makita si Ate. Galit na galit pa din ako sa ginawa niya.

Mahal ko ang Ate at alam ko yun sa sarili ko. Pero, hindi ko pa din maintindihan kung bakit pinahirapan niya ko ng ganoon nang dahil lang sa isang lalaki.

Sana, hinayaan nalang niya kami kung alam na niya ang lahat tungkol sa relasyon namin. Kung alam niyang ako ang mahal ni Sir Harry--sana naintindihan nalang niya. O di kaya, ay mas maganda kung kinompronta nalang niya kami at saka niya kami pinaghiwalay--iyon mas matatanggap ko pa. Mas kakayanin ko pa kasi alam kong totoo ang nangyayari sakin araw-araw. Pero, ito? Itong ginawa niya sakin? Yung halos mabaliw ako araw-araw sa mga bagay na lagi nilang sinasabi na panaginip---panaginip ko lang pero, ang totoo--binabangungot na pala ako ng kasinungalingan. Hindi ko maintindihan kung bakit niya naisip ang bagay na yun.

Nagkamali ako, Oo. Nagkamali ako dahil minahal ko ang lalaking mahal mo. Pero, sana bago mo ko pinaghigantihan, sana inisip mo pa din kung ano ang magiging reaulta noon sakin. Kung ito yung parte at paraan mo ng paghihiganti sakin, nagtagumpay ka. Nagtagumpay ka dahil hindi mo lang kami napaghiwalay---hindi mo lang kami nasaktan at napahirapan. Binaliw mo ko, Ate. Binaliw mo din ako.

Aminado naman ako na may mali ako. Aminado ka din namang nagkamali ka. Pero, iba yung sakit at pakiramdam na naramdaman ko sa pakiramdam at sakit na naranasan mo.

Tinanaw ko ang langit at nagkikintaban ang mga bituin. Maski ang kalahating buwan ay nababalutan ng makakapal at maiitim na ulap.

Napangiwi ako. Naisip ko ang mga panahon ng kabataan ko kasama si Ate. Tanda ko noong bata pa ko tapos siya ay dalaga at nag-aaral ng kolehiyo, lagi naming pinupuntahan ang bubong ng bahay tuwing gabi para lang panuorin ang pagkislap ng mga tala. Ang pagtatago ng buwan sa likod ng mga nagkakapalang ulap--habang nakahiga ako at nakadantay ang ulo ko sa hita niya at siya naman ay nakaupo at nakasandal sa katawan ng chimney sa ibabaw ng bubong. Haplos-haplos ang buhok ko habang parehas kaming nangangarap ng gising.

" Balang Araw, magiging sikat na model ako. Rarampa ako sa entablado tapos magiging Miss Universe ako." Saad ni Ate kaya tiningnan ko siya.

" Ha?! Paano ka naman magiging Miss Universe, e di ba sabi ni Papa, kailangan daw Business Minded tayo parehas in the near future? So, hindi ka na magiging Miss Universe." utal pang sabi ko habang hawak hawak ang paborito kong laruan na si Goku.

" Wag mo munang isipin ang utos ni Papa pagdating sa ganyang bagay. Ako nga, 17 years old na hindi ko iniisip yang business--business na yan e. Ikaw pa kaya na 7 years old lang? Saka ayaw ko nga ng course ko na Business Ad e. Napipilitan lang ako kasi iyon ang gusto ni Papa. Wala naman akong magagawa. "

" E ano ba gusto mo? "

" Bukod sa pagiging Model, gusto ko maging Broadcaster. Yung nagbabalita parang si Mel Tiangco ganon! " Masayang kwento ni Ate pero bigla siyang lumungkot tapos ay hinimas niya ulit ang buhok ko.
" E kaso nga ayaw naman ni Papa kaya wag nalang. Ayaw ko namang ipilit kasi magagalit lang siya. Ikaw? Ano gusto mo paglaki mo?" tanong niya sakin tapos ay umalis ako sa pagkakahiga ko sa hita niya at umupo ako sa tabi niya.

" Ako? Gusto ko Ate maging Doctor. Para aalagaan kita--aalagaan ko si Papa--si Mama kayong lahat! Saka yung mga may sakit kasi naaawa ako sakanila e. Tapos di ko na sila pagbabayadin, di ba Goku? Gagamutin natin sila parang yung ginagawa nung mga nasa TV? " nakangiti pang sabi ko habang kausap din ang laruan ko.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon