RUSTY POV
Naidilat ko ang mata ko dahil ramdam ko ang pag-uga niya sakin at pagtawag niya sa pangalan ko.
Dahan-dahan kong idinilat ang mata ko at nang makita ko kung sino iyon ay bigla akong napabalikwas ng higa ko.
" Bakit ka nandito?! Anong ginagawa niyo dito?!--" gulantang na tanong ko sakanya pero, ako din ang napahinto ng tanong nang makita ko ang paligid ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa pagtataka.
" Bakit ako nandito? " mahinang tanong ko pa habang nakatingin sa paligid. Tiningnan ko sila at ang tingin nila sakin ay nagtataka din. Nagkatinginan pa silang dalawa habang bakas sa kanilang itsura ang lungkot at pangamba. Parang balisa din sila na hindi ko maintindihan. Pero, bakit ganoon? Paano akong bumalik dito e nasa bahay ako ni Sir Harry---saka nasaan si Sir Harry?
" Anong ginagawa ko dito? Nasaan si Sir Harry? Bakit kayo nandito?" pagpapatuloy na tanong ko pa kayla Andy at Wendell." Rusty---" umpisa ni Andy saka niya ko hinawakan sa balikat pero tinabig ko siya saka ako tumayo sa pagkakaupo ko.
Napahinga pa sila ng malalim saka nila ko tiningnan.
" Bakit niyo ko ibinalik dito?! Nasaan si Sir Harry?! Paghihiwalayin niyo na naman ba kami?! Ano na naman ang plano niyo?! " galit at inis na tanong ko habang humahakbang ako patalikod, palayo sakanila.
" Rusty---Rusty makinig ka. Makinig ka muna samin!" nag-aalalang utos ni Wendell sakin habang mangiyak ngiyak siya at bakas sa mukha niya ang kalungkutan. Umaabante din siya palapit sakin habang ang dalawang kamay ay nasa harap na wari ba'y pinipigilan ako sa ginagawa ko.
" Bakit ako makikinig sainyo? Magsisinungaling na naman kayo? Papahirapan niyo na naman ako!"
" Rusty, hindi! Wag kang umatras please---mahuhulog ka sa bangin---Rusty just please listen to us first! Hindi ka namin lolokohin this time, Rusty please---please." umiiyak na sabi ni Andy sakin kaya tiningnan ko ang likod ko at malapit na nga akong malaglag sa bangin. Muli ko silang tiningnan nasa ganoong pwesto pa rin sila. Wari ba'y may magagawa ang mga kamay nilang nakalutang sa ere na katapat ng katawan nila, kung sakaling malaglag man ako sa bangin.
" Kanina ka pa namin hinahanap. Pero--hindi ka namin matagpuan. We tried to contact you pero, hindi ka namin ma'contact. " dagdag pa ni Andy." Ayan na naman kayo. Sinisira niyo na naman ang kaligayahan ko. Wendell, akala ko ba naiintindihan niyo ko? Andy, akala ko ba nakokonsensya ka nang lokohin ako? Ano na naman 'to?! Mahal ko si Sir Harry at mahal ako ni Sir Harry--bakit ba pinipilit niyo kaming paghiwalaying dalawa? " nagtataka, natatakot at medyo naiinis na sabi ko sakanila.
" Alam namin! Alam namin, Rusty!---pero kasi..,"
" Anong pero, kasi?" tanong ko kay Wendell.
" Pwedeng huminahon ka muna. Pwede bang umalis ka muna diyan sa kinalalagyan mo? Nakikiusap ako---natatakot ako baka malaglag ka diyan." pakiusap niya sakin.
Tiningnan ko silang dalawa at pagkaraan ay dahan dahan kong iginalaw ang paa ko pakanan. Sila din ay gumalaw pakaliwa.
Nagkapalitan kami ng pwesto. Sila naman ang nasa malapit sa bangin.
" So, anong sasabihin niyo? " tanong ko.
" Pre, wag kang mabibigla ha---"
" Mabibigla---bakit ako mabibigla--manggugulat ba kayo? Ano bang pakulo niyo?!" inis na sabi ko dahil ang dami pa nilang pasakalye.
" Pare, wala na si Sir Harry. Naaksidente siya kanina. Hindi na siya umabot sa ospital---" mabilis at walang tinginang paliwanag ni Andy sakin habang nakatanaw siya sa sapatos niya pero, tinawanan ko lang siya kaya napahinto siya.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Diversos* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...