20 : Back to School

3.5K 82 17
                                    

RUSTY POV

Dumating ang lunes. Hindi pa sana ako papasok sa school pero, napilit ko si Ate na pumasok na ko dahil ayaw ko na kakong may ma'missed na lessons. Pero, ang totoo hindi lesson ang habol ko kaya gusto kong pumasok dahil, ang habol ko ay kasagutan sa magulong isip ko.

Nang ibigay nga sakin ni Ate ang phone ko ay may barag nga iyon. Kinalikot ko ang laman ng cellphone ko pero, nagtaka talaga ako dahil wala yung mga pictures na kasama ko si Sir Harry at lalo na ang pictures ko sa Bataan kung saan kasama ko si Kris.

Hinanap ko pa yun kung saan saang sulok ng cellphone ko pero, wala talaga.

Ano bang nangyari? Panaginip ko lang ba talaga ang lahat? Kung ganoon.., bakit parang makatotohanan yung mga nangyari. Bakit pakiramdam ko totoo yun lahat.

" Hoy! Tulala ka na naman. " gising ni Wendel sa natutulog kong diwa.
" Okay ka lang ba?" tanong pa niya pero kahit hindi ako okay ay tumango nalang ako.

" Wag mong isipin yun. Mahal ka nun." biro ni Andy saka tatawa-tawang ibinalik ang atensyon sa pagsusulat ng lecture namin.
Siniko naman ng palihim ni Wendel si Andy saka sila nagtinginang dalawa.

Nasa gitna kasi si Wendel at parehas kaming nasa gilid ni Andy.
Hindi pinansin ni Andy si Wendel. Umiling nalang ito na parang hindi nagustuhan ang biro ng kaibigan namin.

" Puro kalokohan. " bulong ni Wendel saka tumingin sakin.
" Mahal ka nun." sabi ni Wendel kaya binatukan siya ni Andy. Natawa naman ako kaya natawa din sila.

" Rusty, Wendel, Andy? Anong ingay niyo diyan?"

" Wala po, Ma'am. May tinanong lang po si Rusty about sa discussion natin last week." sabi ni Andy. Tumango lang samin si Ms. Gonzales teacher namin sa MAPEH.

Nang matapos ang klase namin sa MAPEH ay di na napakali ang sarili ko. Maya't maya akong tayo ng tayo tapos ay uupo muli.
Math na kasi ang next subject namin. At sabik na sabik na akong makita siya dahil kanina ng tingnan ko siya sa faculty ay walang tao doon.
Hindi ko naman siya mapuntahan sa klase niya dahil magtataka sakin ang kaibigan ko.

Tinanaw ko si Buddy at bully pa din sila ni Dindo hanggang ngayon. Pero, ang pinagtataka ko bakit hindi nila ko inaasar.

" Good Morning, Class." bigla akong nabuhayan at nagkaroon muli ng pag-asang mabuhay ng marinig ko ang boses na iyon. Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng mundo habang nililingon ko ang gawi ng pisara.

Ako ang huling tumayo sa upuan. Hindi ko din maibuka ang bibig ko dahil nakatitig lang ako sakanya.

" Mr. De Leon, it's nice to see you again. You may take your sit." sabi niya kaya nilingap ko ang paningin ko at ako nalang pala ang nakatayo. Kaya ang ginawa ko ay umupo ako.

Tingin ko ay napahiya ako pero, di ko yun inintindi dahil ang nasa isip ko ay ang awra ni Sir Harry. Bumalik siya sa dati. Hindi ko maramdaman yung sweetness niya sa boses niya. Hindi ko maipaliwanag pero, may nagbago. Hindi siya yung Sir Harry na nakakausap at nakakasama ko noon.

" Mr. De Leon kamusta ka naman? " tanong niya sakin tapos ay umupo siya sa may teacher's table habang may hawak na isang pirasong chalk.

" Ayos naman po, Sir." utal na sabi ko. Ramdam ko ang tinginan sakin ng mga kaklase ko. Alam kong nasa akin ang atensyon nila dahil ako lang ang kausap ni Sir.

" Mabuti naman kung ganoon. Hindi kita ipe'pressure humabol sa subject ko dahil baka kung mapano ang kalusugan mo. October palang naman, makakahabol ka pa. Just tell me kung kelan mo gustong mag take ng exam sakin at doon kita bibigyan. Yan lang ang consideration na maibibigay ko sayo. If you pass, great. If you fail it's okay. But I know you can pass. " saad pa niya. Hindi ako makasagot sakanya dahil pinagmamasdan ko lang talaga siya.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon