15 : Stuck

4.3K 87 11
                                    

RUSTY POV

" Hoy, saan ka ba pupunta?" naghahabol pa din sakanyang tawag ko.

" Bumalik ka na doon. Baka hanapin ka nila. Pamaya-maya lang ay uuwi na din kayo sa Maynila."

" Di ako babalik don ng di ka kasama. Baka mamaya ay kung mapaano ka dito! Tara na!"

" At bakit naman gusto mo kasama mo ko? " tanong niya sakin kaya natahimik ako. Nakita ko siyang ngumiti sakin kaya di na ko nakapagsalita pa.
" Wag kang mag-alala. Kabisado ko ang gubat. Saka, mas mabuti na din yung pagbalik ko sa bahay, wala na kayo. At least hindi na ko mapag-iinitan ni Boss Harry."

" Hindi ka naman niya pinag-iinitan."

" Pinagseselosan lang? Haha. Parehas lang yun. Sige na. Bumalik ka na doon. " sabi niya pa saka muling naglakad.

Pero, hindi ko alam sa mga paa ko kung bakit sumunod pa din ako sakanya.

" Ang kulit mo. Sige na, bumalik ka na doon."

" Maaga pa naman. Ma'stress lang ako kapag bumalik ako doon, namnamin ko muna yung sariwang hangin dito."

" Bahala ka nga." napahinga pa ng malalim na sabi niya saka lumakad ulit. Sumunod naman ako sakanya.

Hindi siya nagsasalita. Maging ako, tahimik lang din. Panay lingat ko sa paligid. Tinitingnan ko ang itsura ng loob ng kagubatan.

Gusto kong irelax ang isip ko. Ayaw ko munang isipin lahat ng problema ko kay Sir Harry, kay Ate at ang problema mo sa Maynila na babalikan ko na din mamaya.

Haays.
Buddy! Buddy! You're getting into my nerves!

Haays! Don't be too stress.
Malalampasan mo din 'to.

Fighting! Matatapos din ang lahat ng pangba'block mail niya sayo.

" Wala bang mababangis na hayop dito? Like, Tiger, Lion, Gorilla or Deer? Medyo malayo-layo na din yung nalalakad natin e." tanong ko saka ko pinulot ang isang maliit na sanga. Huminto siya saka tumingin sakin.

" Wala. Pero, marami dito mga baboy ramo. Pero, dun pa naman sila naninirahan sa gawi doon kung saan ako pupunta." saad niya saka muling nagpatuloy ng paglalakad.

" Ee! Buset ka! Babalik na ko!"

" Haha! Sige, bumalik ka na doon. Makakasalubong mo naman dyan yung alagang mga ahas ng gubat na ito." saka siya tumawa ng tumawa.

Siraulo. Kanina lang ay ayaw akong kasama at gustong umuwi na ko tapos ngayon tawa ng tawa at nang-iinis pa.

" Alam mo ikaw, buset ka! Ayaw mo lang akong pabalikin e!" pambubuyo ko pa sakanya saka ako naman ang natawa.

" Haha! At talagang sinisi mo pa sakin yang kaduwagan mo. Haha!"

" Samahan mo ko, babalik na ko." sabi ko.

" Haha! Bahala ka. Kalalaki mong tao, naduduwag ka?" sabi niya pa kaya napayuko ako dahil, parang napahiya ako sa sinabi niya.

Nang tingnan ko siyang muli ay biglang nanlaki ang mata niya at doon siya nakatingin sa likod ko kaya, mabilis ay napalingon ako para tingnan kung ano ang nakita niya. Wala naman akong nakita. Ano ba ang nakita niya?

Pero, ng tumingin ako sakanya ay hinagisan niya ko ng baging sabay sigaw ng...
"Ahas!!!"

" Aaahhh!" paulit ulit na sigaw ko dahil sa takot at taranta saka ko itinapon ang baging na yun na akala ko talaga ay ahas.

Tawa siya ng tawa. As in yung tawa niya parang wala ng bukas.

Kaya ng marealized kong nangbubuset lang siya ay sinamaan ko siya ng tingin. Tawa pa din siya ng tawa habang ako naman ay hahabol habol ang hininga dahil sa kakasigaw at dahil na din sa kabang idinulot ng pambibiro niya.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon