RUSTY POV
Pagkagising ko ay katabi ko pa din ang isa sa pinakagwapong nilalang na nakilala ko.
Ang lalaking nagpatibok ng puso ko at dahilan kung bakit ako nagkaganito ng husto.All my life, hindi ako sigurado sa pagkatao ko pero, nang dumating ka sa buhay ko yung kumplikado kong mundo ay biglang naging sigurado.
" Mahal na Mahal Kita. Kahit alam kong mali. Kahit alam kong hindi pwedeng itama. Mahal na mahal pa rin kita." sabi ko saka ko hinaplos ang mukha niyang maamo.
" Alam kong hindi tayo magkakatuluyan sa dulo dahil maraming hahadlang. Madaming hindi makakatanggap. Madaming magagalit at isa don si Ate. Sir, Mahal kita. Mahal na Mahal kita kahit alam kong bawal. Kaya ngayon, lulubusin ko na yung panahon na kasama kita. Na nahahawakan kita. Nahahalikan. Nakakausap at higit sa lahat.., kahit patago ang relasyon natin, minamahal natin ang isa't-isa. Dahil alam ko, darating ang panahon na magkakahiwalay din tayo. Naiiwan din natin ang isa't-isa. At yung nangyari satin kagabi? Malabo na ulit mangyari. Sir, sabihin mo sakin kapag ayaw mo na ha.., palalayain naman kita. Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko kung ayaw mo na. Ang mahalaga, minahal natin ang isa't-isa. Naranasan kong mahalin ako ng katulad mo at naranasan kong mahalin ang katulad mo."Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang mga katagang iyon. Pero iyon talaga ang laman ng utak ko. Natatakot akong mangyari at dumating ang araw na yun pero, kung darating man siya wala akong magagawa dahil yon ang dapat, iyon ang nakatadhana. Babae at Lalaki ang nakatadhanang magmahalan. Kaya, ang kailangan ko lang gawin, ay malayang pagtanggap at malalim na pang-unawa.
Pumatak ang luha ko kaya agad ko yung pinunasan. Hinagkan ko siya at ng gawin ko yun ay bahagya siyang kumilos at naghikab.
Gising na siya.
" Good Morning, M.S " sabi niya saka niya ko hinalikan sa ulo ko.
Hindi naman ako makatingin sakanya dahil baka makita niyang umiyak ako, magtanong pa siya." Good Morning." sabi ko pa ng hindi tumitingin sakanya. Sa katawan niya lang ako nakatingin.
Hinaplos niya ang mukha ko at hinayaan ko lang na gawin niya yun.
" Hindi ko gagawin na iwan ka. Wag kang mag-alala. Hindi darating ang panahon na yun. Hahadlangan ko ang tadhana para sating dalawa. Isusuko ko lahat para sayo. Kahit magalit pa ang mundo." sabi niya kaya napatingin ako sakanya. Kanina pa ba siya gising?
Ibig sabihin, narinig niya lahat ng sinabi ko? Ano ba mga sinabi ko?
Biglang nangilid ang luha ko sa mga narinig ko. Nakangiti siya sakin pero ako'y hindi makangiti sakanya dahil naiiyak talaga ako.
" Mahal kita. Mahal na Mahal kita, Rusty at sigurado ang puso ko doon. Wala ng iba. Hindi man kita maipakilala at maipagmalaki sakanila, hindi yun mahalaga. Wag mong isipin yun. Dahil para sakin, tama ng ako lang ang nakakaalam kung sino ang totoong mahal ko. Hindi ko kailangang ipagsigawan para malaman nila. Dahil sapat ng Ako at Ikaw ang nakakaalam at nakakaintindi ng pagmamahalan natin. Sa ganoon, Walang kokontra. Walang makikielam. Walang huhusga. Walang ibang hahadlang. Dahil alam mo? Sa mundong 'to, sa mundong hindi tanggap ang pagmamahalan ng katulad natin, walang makakaintindi satin kung hindi tayo lang din. Kaya hindi na nila kailangang malaman yun. Na, Ikaw at Ako. Ako at ikaw hanggang dulo. Tandaan mo yan. " dagdag pa niya kaya lalo akong naiyak. Tanging tango lang ang naisagot ko sakanya.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Ngayon ko lang naranasan ang mahalin ng ganito, masabihan nang ganito.
" Tahan na, M.S. Sige ka, pagnakita ng Ate mo na namamaga yang mata mo baka mamaya kung ano ang isipin nun." sabi niya saka hinawakan niya ang ari ko kaya natawa ko habang tinutulungan siyang punasan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Random* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...