PS : Mag-handa na po kayo ng tissue kung iyakin kayo. Kasi ako habang sinusulat ko 'to naghahalo ang Sipon, Laway at Luha ko. Hahahaha. Ang baboy 😂😂 pero, seryoso.
Yun lang naman. Para lang naman sa mga iyakin. Nakarelate lang ako sa pinagdadaanan ni Rusty and I know many of you ay makakarelate din sa mga lines niya.
RUSTY POV
Nanatili lang ako dito sa likod. Nakasalampak ako sa lupa habang ang likod ko ay nakasandal sa pader.
Tahimik akong umiiyak habang ang atensyon ko ay nasa pader na pinagsusuntok ko.
Buti ka pa. Kahit sinaktan na kita ng paulit ulit ngayong araw ay nakatayo at nakatindig ka pa din diyan. Nagasgasan man kita pero, nandyan ka pa din, parang hindi nasaktan. Parang wala kang naramdaman. Hindi mo na kailangan ng gamot para magpagaling. Hindi mo na kailangan magpahinga para lumakas muli---Habang ako? Kahit pilitin ko ang sarili ko na wag masaktan, nasasaktan pa rin ako---pero hindi e kasi---Hindi man ako masaktan pisikal pero, alam kong wasak na wasak na inside.
At alam ko, kahit anong gamot ang inumin ko at kahit anong pahinga ang gawin ko, hindi ako mapapagaling at lalakas doon. Dahil ang totoong magpapaayos ng buhay ko ay ang katotohanang hinahanap ko.
Sana ako nalang ikaw. Sana ako nalang ikaw na walang buhay at least walang pakiramdam. Walang problema. Nakatayo lang dyan para protektahan at maging isa sa gabay ng eskwelahang ito.
Di baleng mainitan, di baleng maulanan, di baleng marumihan, di baleng ihian ng kung sino sino at di baleng pagbalingan ng galit ng mga katulad ko, at least nandyan lang. Nananatiling matatag. Matapang.
Hindi naman ako duwag, di ba? Ang tapang ko nga e. Pero, bakit ganoon? Kahit anong tapang ko nanghihina pa rin ako? Ganoon ba talaga kapag pinilit mo ang sarili mong maging ikaw? Hahatakin ka ng mundo pababa para lang maging mahina? Yung akala mo sasaya ka pero hindi, kasi yung tao sa paligid mo hindi masaya para sayo.
Eto ko e. Ito na talaga ko. Tanggap man nila o hindi wala naman na akong magagawa. Di ko din naman ito ginusto. Pinigilan ko naman ang sarili ko. Pero, bakit kailangang paghirapan ko pa din? Nagpapakatotoo na nga ako e kahit alam kong mali. Pero bakit ganon? Gusto lang nilang makita yung tama?
May pag-asa pa bang makamtan ko ang saya na gusto ko habang hindi ko iniisip ang mga bagay na nagpapalungkot sakin? O hanggang dito nalang talaga ang takbo ng buhay ko? Paghihirap at Lungkot?
Pagod na ko. Pagod na pagod na ko pero, alam ko kapag sumuko ako mas lalo akong magiging talo. Kaya kahit mahirap lumalaban ako. Pero, madamot ka. Napakadamot mo. Ayaw mo kong palayain sa bilangguang kinalalagyan ko. Lalo mo kong kinukulong sa rehas na nakakandado at ang susi ay tinapon mo sa impyerno.
Paano kong kukunin yun? Paano ko makakawala dito kung ikaw mismo ang ayaw magpalaya sakin?
Nasa ganoong sitwasyon ako ng biglang may kumalabog sa loob ng room. Hindi ko iyon tiningnan o ikinagulat man lang.
Alam kong may nagbukas ng pinto dahil may reflection ng liwanag ang tumama sa bintana.
" Wala siya dito." sabi ng isang boses at sa pakuwari ko ay si Andy yun.
" Saan nagpunta yun? Nag-aalala ako sakanya, Pare. Baka kung ano ang gawin nun sa sarili niya. Depress na depress na yung tao at kitang kita ko yun kahit hindi niya sabihin!" nag-aalalang sabi ni Andy.Ngayon ko lang narinig sakanya ang tono ng pananalita niya na yun.
" Ramdam ko din naman. Katulad mo ay awang-awa na din ako sakanya. Pero, wala kasi tayo sa sitwasyon para makielam." sagot ni Wendell habang ang boses ay parang wasted na di ko maintindihan.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Random* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...