(with wings 😂😂😂😂 charot!)
RUSTY POV
" Ate bakit ganoon naman ang trato mo kay Alex? Nakakahiya doon sa tao sinungitan mo. Bagong kaibigan namin siya nila Wendel galing sa kabilang section." inis na tanong at paliwanag ko pa pagkauwi ko ng bahay pero, inis niya lang akong tiningnan.
Wala siyang kibo kanina sa kotse. Kinakausap ko siya about sa ginawa niya pero, tahimik lang siya at focus sa pagda'drive kaya ang ginawa ko ay di nalang ako nagsalita at hinintay nalang na makauwi ng bahay.
Para kung maiinis siya. Edi maiinis din ako. Magkainisan kaming dalawa. Mali ang ginawa niya.
" Kaibigan? Okay. Di ko siya kilala kaya wala akong dahilan para maging nice sakanya." sabi niya saka niya ko inirapan at nagtungo siya sa kusina.
" Manang, ikaw nalang ang mag'grocery bukas. Ililista ko yung mga kailangan---"
" So, kahit walang ginagawang masama yung tao babastusin mo nalang kasi hindi mo siya kilala? Ganoon ba ang tinuro ni Mommy at Daddy satin? O yun yung tinuturo mo sa sarili mo? Yung mambastos ng kapwa mo kahit walang ginagawa sayo." sarkastikong tanong ko kaya napatingin siya sakin.
" Tinuro man ni Mommy o ni Daddy it doesn't matter. Basta yung ginawa kong yun, tama. Tama siya sa paningin ko. Tama siya sa pananaw ko. "
" E paano kung ikaw ang binastos ni Alex ng katulad ng ginawa mo sakanya? Tapos ang dahilan niya kasi hindi ka niya kilala kaya wala siyang karapatang respetuhin at galangin ka. Ano sa tingin mo ang mararamdaman mo? Anong klaseng pananaw sa tingin mo ang tawag dun? Hindi ba't kabastusan? " sarkastikong tanong ko pa kaya tiningnan niya ko ng masama.
Alam kong nabubwiset na siya sakin pero, wala akong pakielam. Mas naiinis ako sakanya.
" Bastusin man niya ko o hindi.., wala akong pakielam sakanya. Kabastusan man yung ginawa ko kanina, wala pa din akong pakielam. Alam mo kung bakit? Kasi wala akong pakielam." sarkastikong sagot niya pa saka muling naglakad papalayo sakin.
Sinundan ko naman siya habang umiinit na din ang ulo ko sa inis.
" Bakit ba ang init ng ulo mo? " galit na tanong ko.
" Hindi ko alam. At ayaw ko nang alamin ang dahilan dahil baka lalo lang uminit ang ulo ko---pwede ba?! Tigilan mo ko ng kakatanong mo! " bugnot na bugnot na sabi pa niya sakin.
" Paanong hindi ako magtatanong e binastos mo yung kaibigan ko!"
" Rusty, Please pagod ako!" reklamo pa niya sakin.
" Pagod ka? Ano pa ko?! Ate, pagod na din ako! Pagod na pagod na ko sa mga bagay na hindi ko maintindihan sa paligid ko! Lalong lalo na sa putang inang buhay na 'to! Lalong lalo na sa punyetang pagkatao ko! " sigaw ko kaya natigil siya. Tiningnan niya lang ako. Kita ko sa reaksyon niya ang pagkagulat.
Napahinga ako ng malalim dahil napagtanto kong mali ang ginawa ko, ang pagtaasan siya ng boses. Di ko naman sinasadya yun, kaya ang ginawa ko ay tinalikuran ko nalang siya.
Nakonsensya din kasi ako.
" Rusty!" mahinahong tawag niya pero, di na ko tumugon at dumiretso ako sa kwarto ko.
Ibinagsak ko lang ang katawan ko sa kama ko at nagtakip ng unan sa mukha. Madami akong iniisip pero, di ko namalayang nakatulog na ako. At paggising ko ay umaga na. Linggo na.
Wala namang nangyaring maganda sakin ngayong araw. Nakatambay lang ako maghapon sa loob ng kwarto ko. Kung ano-ano ang iniisip ko. Pinatay ko ang cellphone ko para walang kahit na anong distractions ang maisip ko. Gusto kong magfocus sa laman ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
De Todo* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...
