RUSTY POV
Nagising ako kinabukasan at mabilis akong kumilos. Tinawagan ko pa si Wendell pero di siya sumasagot.
Sigurado akong busy siya sa pagpe'prepare para sa pageant. Alam ko lumabas sila ni Andy kagabi pero, di na ko sumama dahil wala naman akong gagawin. Remember the two ladies na nililigawan nila? Sina Mel at Cheryl? Iyon ang kasama nila kagabi, so kung sasama ako? Ano gagawin ko? Thirdwheel ako?
Saka, tinanggihan ko muna sila dahil baka mamaya ay pag-initan pa sila ni Ate kaya ako nalang din ang nag-adjust.
Nang nakarating ako sa school ay hinatak ako agad ni Gina.
" Ready ka na ba para mamaya, Bes?" tanong niya sakin. Medyo na'off pa ko sa sinabi niya dahil hindi ako sanay na tinatawag akong Bes.
Gusto ko siyang sitahin na wag akong tawagi ng ganoon pero, hinayaan ko nalang.
" Oo. Ready na ko para mamaya." sabi ko nalang despite sa words na narinig ko.
" Ito nga pala yung flashdrive---" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng maalala ko ang flashdrive sa ilalim ng lamesa.Bakit nawala sa isip ko yun kagabi. Bakit hindi ko siya naalalang kunin.
Tiningnan ko si Gina at nakatingin lang din siya sakin na nagtataka.
" Bakit? May problema ba?"
" Wala. May nakalimutan lang ako sa bahay." sabi ko saka ko ibinigay sakanya ang flashdrive na hawak ko.
" Ibabalik ko nalang sayo 'to mamaya after ng performance mo. Kunin mo nalang din sakin kasi baka makalimutan kong ibalik."
" Sige." sagot ko nalang tapos ay lumakad na siya palayo sakin.
Gusto ko tuloy umuwi para makuha yun. Hindi ako mapakali. Pero, kung uuwi ako male'late na ko. Malapit ng mag 6:40 na. At 7am ay mag uumpisa na ang pageant.
Si Wendell? Magpapahatid---no! Hindi pwede. Kasali siya sa Pageant so for sure hindi niya ko masasamahan. Busy yun.
Bahala na! Uuwi nalang ako ng maaga. Sana ay walang ibang nakakuha nun o nakakita.
" Pre! Kanina ka pa? Tara sa room para makita mo itsura ni Wendell. Mukhang bangkay sa puti ng make up niya!" saka tumawa ang lokong Andy kaya natawa na din ako.
" Siraulo! Haha"
" Loko! Seryoso ang puti ng mukha niya. At wag ka! For sure titilian siya ng kababaihan at sangkabaklaan! Baka pati tunay lalaki ay biglang bumigay! Haha"
Hindi ko alam pero, medyo na'off din ako sa sinabi niya lalo na nung narinig ko ang salitang bakla.
" Bakit naman?"
" E may pabukol ang Kuya mo. Sabi ko nga ibibili ko pa ba siya ng tissue para mas lalong bumukol e kaso binatukan lang ako. " tatawa-tawang kwento niya pa. Hindi ko siya agad na'gets kaya tiningnan ko pa siya ng nagtataka.
Hindi na ko kumibo nang mapagtanto ko ang sinabi niya, kaya hindi na din siya nagsalita.Naglakad kami papunta sa classroom namin pero, hindi pa rin talaga mawala sa isip ko ang flashdrive.
Ano kayang laman nun? Ano kayang ibig sabihin ng buradong salita sa flashdrive na yun?
Con? Saka Tial or tail?
Contail? O contact?
Hindi naman tact ang last letters na nakita ko e kaya hindi siya contact.Con....tail
Con....tialWhat? Ano daw?
Haays! Bakit kasi nakalimutan kong kunin yun kagabi! Nakakainis! Edi sana nakita ko na siya kagabi pa.
BINABASA MO ANG
Ang Syota Kong Guro (M2M)
Random* Ken Chan - Rusty * Katrina Halili - Lilet * Lharby Policarpio - Wendell * Kiko Estrada - Andy * Enzo Pineda - Buddy * Wilbert Ross - Kris * Anjo Damiles - Alex * Ahron Villena - Dindo * Luke Conde - Luke * Andrea Torres - Gina * Ronnie Lazaro - Ma...