5 : Punishment

10.7K 158 7
                                    

RUSTY POV

" I'm sorry to say Miss Cervantes. Pero tama si Mr. Bartolome. I don't want to tolerate your wrong attitude like that. You are having sex with your students and what do you think i'm going to do? Kakampihan ka? Sa halip ikaw ang maging magandang halimbawa sa mga bata ikaw pa ang gumagawa ng kalokohan? Nasaan ang utak mo, Miss Cervantes?!" dinig kong usapan sa loob ng office.

Sinadya ko talagang pumunta dito para makinig sa usapan nila.

Si Mr. Bartolome ang teacher namin ngayong time. Pero hindi siya nakapagturo dahil sa bagay na 'to.

" Pero Dean, ginusto din naman nila yun---"

" Ginusto o hindi, mali pa din ang ginawa mo! Ilang estudyante na ang nakasiping mo?! Sabihin mo at ipapatawag ko sila para isama sa expulsion!"

Hala! Baka ma'expel si Wendell.

" Sir, wag na nating idamay ang mga bata. Biktima lang sila dito. Ayon sa isang estudyanteng nakausap ko. Pinilit lang siya ni Miss Cervantes to do that thing. " depensa ni Sir Harry.

" At talagang ikaw pa ang nag-insist gawin yun sa mga bata, Ms. Cervantes!? What the hell are you thinking! Ano nalang ang sasabihin ng mga tao kapag nalaman nilang ang eskwelahang ito ay puro kababuyan! Na ang mga teachers dito ay puro kalaswaan!"

" Pasensya na ho. Nagkataon lang na sumabog yung baho ko kasi wala akong ginamit na pantakip para matakpan pa 'to. Hindi ako nag-ingat sa madaling salita. Pero, abangan niyo ho ang pagsingaw ng baho na nagtatago sa bango ng pabango. Baka ho mas mabahuan pa ho kayo sa maamoy niyo." 

" Ano ang ibig mong sabihin?"

" Hintayin niyo nalang ho. Di ba, Mr. Bartolome?"

" Ako pa talaga ang tinakot mo?"

" Oo nga pala. You're brave. I forgot." sarkastikong sabi pa nito.

" Ms. Cervantes. I'm sorry to say pero ipapatanggal na kita sa eskwelahang ito. At para naman sa mga estudyanteng sinamantala mo.., hindi ko na sila paparusahan. Para hindi na humaba pa ang usaping ito. Pasalamat nalang tayo at hindi nagsumbong ang mga bata sa magulang nila. " napahinga ako ng malalim sa narinig ko yun.

" Salamat naman po!" mahinang bulong ko, pero may humawak sa balikat ko kaya napabalikwas ako ng sobra.

" Bakit nandyan ka? Anong pinapakinggan mo diyan?" tanong ni Wendel.

" Wala."

" Kanina ka pa namin hinahanap nandyan ka lang pala. Di ka ba magla'lunch? Tara na? Nandoon na si Andy sa canteen. Siya na daw ang o'order ng foods para sa atin. Libre niya." nakangiti pero bakas ang lungkot sa mukha niyang sabi niya.

" Osige. Tara." sabi ko saka kami nag umpisang maglakad palayo sa office ng Dean.

Hindi ko na narinig pa ang pinag usapan nila. Pero sana, hindi na madamay si Wendel at yung iba pang mga kalalakihang estudyante sa expulsion. Sana hindi na niya bawiin ang sinabi niya kanina.

Sana makumbinsi ni Sir Harry si Dean.

Haay.

Paano kaya kung malaman ni Dean yung kay Buddy at kay Mr. Kitrono? Ano kaya ang gagawin niya?
Mas malala kasi ang bagay na yun dahil ang kapalit ay grades ng bata.

Haays.

Ayaw ko namang magsumbong dahil kung gagawin ko yun madadamay si Buddy. At baka idawit niya pa ko sa nangyari samin.

" Ahmm, tol?" nag-aalinlangang tawag sakin ni Wendell habang ang isip ko ay lumilipad.

Narinig ko naman yun kaya nilingon ko siya kahit malalim iniisip ko.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon