18 : The Accident

4K 89 22
                                    

RUSTY POV

" My God! Saan kayo galing na dalawa?!" mataas ang tono at halata ang pag-aalalang sabi ni Ate pagka-uwi naming dalawa ni Kris sa resthouse saka niya ko agad na nilapitan at niyakap.

Hindi ako sumagot sa tanong niya dahil, nahagip agad ng mga mata ko si Sir Harry. Masama ang tingin niya sakin at alam kong kahit hindi niya sabihin ay galit siya. Ramdam na ramdam ko yun. Kailangan kong magpaliwanag sakanya kahit hindi niya sabihin yun.

Pero, paano? Galit siya. Paano ko siya makakausap? Haays. Putakteng buhay 'to!

" Saan ba kayo nagsuot dalawa, Kris?!" tanong ni Ate kay Kris kaya natinag ako, napahiwalay ako sa pagkakayakap ko sakanya at napatingin kay Kris.

Nakayuko ito at tila ba parang nahihiyang sumagot.

" Naabutan po kasi kami ng malakas na ulan sa gitna ng gubat---" paliwanag niya pero agad ay pinutol yun ni Ate kaya di na niya ito natapos.

" My God! Kaya wala kang signal, Rusty?" baling naman niya sakin. Tumango ako saka ako sumagot sa tanong niya.

" Oo. Saka, sira yung phone ko. Nalaglag sa putikan. Nabasa din ng ulan." sabi ko saka ko ipinakita sakanya. May crack pa yung screen noon. May mga natuyong putik din sa paligid. Di ko alam kung bakit at paano nagkaroon ng ganoon pero, malakas ang pakiramdam kong nadaganan naming dalawa yun kagabi kaya may crack.

" My God! Buti hindi kayo napahamak doon! Alam niyo bang hindi kami nakatulog dahil sa pag-alala namin sainyo--kung nasaan na kayo o kung napano kayo! Ang lakas lakas ng ulan kagabi dahil signal number 3 dito sa bataan, kaya pala makulimlim na kahapon ng tanghali. Buti nalang at huminto-hinto ngayon kaya nakauwi kayo pero, mamaya ay lalakas na naman daw iyan ayon sa news." kwento pa niya.

Halata sa mukha at tono ni Ate ang pag-aalala. Bigla akong nalungkot dahil habang siya ay mahal na mahal ako, inaalagaan at iniintindi.., ako nama'y nang-aagaw sakanya. Sinusuklian ko siya ng hindi katanggap tanggap na bagay. Niloloko ko siya.

" Sorry, Ate. Sorry sa lahat. Sana mapatawad mo ko--" mangiyak ngiyak na sabi ko habang ang nasa isip ko ay ang affair namin ni Sir Harry at hindi ang nangyaring pagkawala ko kagabi. Bigla akong nakonsensya.

Oo, mahal ko si Sir Harry. Pero, mahal ko din pala ang Ate. Mas una kong minahal ang Ate kesa kay Sir Harry.

" Hay nako! Wag ka sakin mag'sorry. Dahil yang Kuya Harry mo ang di makatulog kagabi sa pag-aalala sainyong dalawa! Kahit mapanganib sa gubat kagabi ay nagpunta pa yan doon para lang hanapin kayo!" Nang sabihin ni Ate yun ay napalunok ako ng laway. Bigla akong natauhan ulit. Naging active ang utak ko bigla at lalo na ang dibdib ko. Kinabahan ako ng sobra kahit hindi naman ako sigurado sa iniisip ko. Hindi ko na naintindihan ang dinadaldal pa ni Ate dahil, naka'focus ang utak ko sa naglalaro sa isipan ko. Tiningnan ko si Sir Harry at nakatingin lang siya sakin ng diretso sakin. Walang emosyon. Blanko yun. Hindi kaya?-- Diyos ko! Hindi naman siguro. Wag naman sana.
" Pinagbabawalan ko nga siya dahil nga di ba lasing siya kahapon pero, nagpumilit siya. Hinanap niya kayo. Wala naman kaming magawa ni Mang Ding, kaya hinayaan na namin siya, kasi nag-aalala na din kami sayo pero, alam naming hindi din kami makakatulong kung sasama kami sa paghahanap sainyo. Haay! Isang oras at mahigit din siya nawala pero, hindi niya kayo nakita. Buti nalang talaga at walang nangyaring masama sainyo---" hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni Ate. Oo, naririnig ko yung kinukwento niya pero, parang hangin lang yun na dumaan sa tenga ko. May iba akong iniisip. At ang iniisip ko na yun ay alam kong galit dahil pinutol niya ang sasabihin ni Ate.

" Hayaan mo na yang kapatid mo, Lilet. Matanda na yan. Kaya na niya ang sarili niya. Saka kasama naman niya si Kris--mukhang safe na safe naman siya kay Kris dahil parang sanggang dikit na yang dalawa na yan oh. Bestfriend. " pabirong sabi niya pero, alam kong sarkastiko iyon dahil, kitang kita ko yun sa ekspresyon ng mukha niya at sa tono ng pananalita niya. " Tutal nandyan naman na silang dalawa, hindi rin naman tayo makakauwi agad dahil may bagyo---matutulog muna ko. Babawi ako ng tulog. At antok na antok ako!" pagdidiin pa niya. Tiningnan siya ni Ate pero, mabilis na tumalikod ito at sabay pasok sa kwarto ni Ate.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon