19 : Complicated Mind

3.9K 89 11
                                        

RUSTY POV

" Aaaaaaahhhhhh!" sigaw ko pagkagising ko habang hahabol-habol ako ng hininga.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Napansin ko agad ang paligid ko at maaliwalas ang kinalalagyan ko. Malamig ang pakiramdam ko. Tiningnan ko ang sarili ko at puting-puti ang kasuotan ko.

Nasaan ako? Bakit ako nandito?

" Rusty? Salamat sa Diyos at gising ka na!? Wait! Andy, please call the doctor!" natatarantang sabi pa ni Ate saka siya umupo sa tabi ko at hinaplos ang kamay ko.

" Sige, Ate." mabilis at taranta ding sagot ni Andy sakanya saka ito lumabas ng kwarto.

Nakita kong maluha-luha ang mga mata niya. Nandoon ang lungkot at ang pagsiwang ng pag-asa.

Tiningnan kong muli ang sarili ko. Naka'swero ako. Kinapa ko ang ulo ko dahil ang pakiramdam ko ay ang bigat-bigat noon, at nang makapa ko ay may benda na nakabalot dito. Nilibot ko ng tingin muli ang paligid ko at tingin ko'y nasa ospital ako.

Anong nangyari? Ano nga bang nangyari?
Inalala ko sa isip ko ang nangyari at mabilis na kumabog ang dibdib ko.

Naaksidente ako sa Bataan.

Pero? Nasaan si---

Hindi pa man tapos ang naiisip ko ay nakita ng mga mata ko si Wendel, nakatayo siya sa may gilid ko, nakangiti sakin at halata sa mukha nilang dalawa ni Ate ang pag-aalala sakin at ang tuwa na maayos ang lagay ko. Na nagising ako.

Pero dinedma ko yun dahil may hinahanap ang mata ko at ang puso ko na hindi ko matagpuan.

Nasaan siya? Umuwi lang ba siya tapos babalik muli? Bakit wala siya dito? Bakit hindi niya ko binabantayan?

Tiningnan kong muli si Ate. Halata ang lalim at ang pangingitim ng eyebugs niya habang nakangiti siya sakin. That smile is so priceless. Hindi ko alam pero nagi-guilty ako sa di ko malaman na dahilan.

" Mabuti naman at gising ka na. Awa ng Diyos." usal ni Ate saka niya ko niyakap pero, di ako tumugon. Bagkus ay tinitigan ko ang pintuan ng kwarto, umaasa akong pagbukas noon ay siya ang makikita ko. Minasdan kong muli ang kwarto pero, tatlo lang talaga kaming nandito sa loob.

Tiningnan ko si Wendel at nakangiti lang siya sakin. Nginitian ko din siya pero, alam kong may mali sa kinikilos ko.
Hindi ako kumportable.

" Ayos ka na, Pare? " tanong niya saka niya ko hinawakan sa balikat ko. Tumango ako sakanya saka ko siya tinitigan. Napansin ko pang na'weirdo'han siya sa pinakita ko pero, di ko yun pinansin.

" Nasaan si Sir Harry?" alinlangang tanong ko pa. Napatingin ako kay Ate at maging siya ay parang na-weirdo'han sa tanong ko.

" Sir Harry? Bakit mo hinahanap si Sir?" takang tanong ni Wendel kaya napatingin ako ulit sakanya.

Wala nga pala siyang alam. Hindi nga pala niya alam ang tungkol samin o ang kahit na ang tungkol kay Ate at kay Sir.
Napatingin ako kay Ate pero, ngumiti lang siya sakin.

" Ate? Nasaan si Sir Harry? Pupunta ba siya?" pag-uulit ko.

" Ha? Sinong Sir Harry ba? Di ko kilala ang tinutukoy mo." maang-maangan pang tanong at sagot ni Ate kaya nagtaka ako sakanya.

Alam kong kailangan niyang itago ang relasyon nila para maingatan ang pangalan ko sa school pero, sila Wendel lang naman ito. Hindi naman ako ilalaglag ng mga ito.

Saka bakit.., parang hindi niya talaga kilala si Sir Harry the way siyang magsalita.

" Ahh, yung prof po namin sa Math siguro yung tinutukoy ni Rusty, Ate Let. Yun ba pre yung tinutukoy mo? Si Sir Harry? Bakit mo naman siya hinahanap kung siya nga yung hinahanap mo??" segunda ni Wendel kaya napatingin ako sakanya. Hindi ako sumagot sa tanong niya bagkus ay binaling ko ang tingin ko kay Ate.

Ang Syota Kong Guro (M2M)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon