Chapter Six
The FearRowin
Venice might be the best hacker that I have ever known in my entire life. She was able to find where Lorenzo is. After some few trials natunton din namin kung nasaan siya. He was admitted in Hospital near Gilberts, may kalayuan doon sa
Guanzons kung saan namin siya unang nakita. That's why we made a plan. Kasama ko sila Luke. Hindi ko muna ipinagpaalam sa ibang Grupo dahil nadestino sila sa ibang lugar. Hindi lang naman si Lorenzo ang nasa listahan ng mga taong maaring konektado kay Magnus.
Napagisipan naming ikalat sila sa iba't ibang lokasyon. But for now Lorenzo is the closest one who might give us some lead about Magnus.
Nasa Emergency Exit ako. Naghiwahiwalay kami sa mga pwede niyang labasan. Jake is in the Waiting Area wearing a Disguise. Sakanya kami makakatanggap ng impormasyon kung lalabas na ba si Lorenzo."Nabisto ako! palabas siya sa Emergency Room Abangan nyo siya! Pababa na ako!" Narinig kong saad ni Jake mula sa wireless earphone na nakakabit sa tenga ko. Kaya tumakbo ako papunta sa Entrance. Pero wala akong nakita doon. Sinubukan ko ring pumunta sa may Mga Morgue wala rin.
Damn it! The Plan was so simple.
Pumasok na ako sa Main gate. Sa di kalayuan ay nakita ko ang mga kaibigan kong lahat sila ay hinahabol si lorenzo mula sa 2nd Floor.
Tumakbo ako sa may gitna sa tapat ng kabilang hagdan at pinatid ko siya. Agad ko siyang hinawakan ang dalawa niyang kamay at pinosasan"Putek ka Lorenzo! Nawork out ako ng wala sa oras!" Hinihingal na sabi ni Tyron
"Apat kayo na humabol ni hindi niyo nahuli?" tinignan ko sila
"Ang bilis tumakbo eh. Hooo. Tara na gugulpihin ko pa yan." Napauna na ng lakad si Luke.
Dinala namin si Lorenzo sa Bunker. Actually lumang branch ito ng boutique nila Tyron. It was abandoned years ago. Dahil mapera naman ang kaibigan naming ito, Nakapag set up siya ng temporary hideout sa ground floor. Mabuti na rin ito para hindi kami nag tiitipon lagi sa bar ni Jake.
"Wow! I was really right!" tuwang tuwang saad ni Venice nang makita niya kaming lumabas sa elevator na dala dala si Lorenzo.
"Dapat kang katakutan" Turo naman ni Luke sa kanya.
Binitawan ko si Lorenzo at ipinosas namin sa sa may poste malapit kulungang hinanda namin para sa kanya.
"Now, Time to talk. " ani naman ni Jake at hinawakan niya ang buhok ni Lorenzo upang mapaangat ang tingin niya sa amin
But he wasn't convinced of Jake's words at all. He just smiled. Hindi ko napansin ang paglapit ni Gab sa kanya. Gab grabbed his collar."If you don't talk then I am gonna have to slit your throat!" galit na saad ni Gab sa kanya.
"Lorenzo." Pumagitna ako at nilubayan naman ni Gab ito.
"Rowin Nieves?" Ngumisi ito. "Wala akong isasagot sa mga tatanongin mo. Kaya tigilan niyo na ako at pakawalan mo na ako"
Bigla akong nainis kaya naman sinuntok ko siya sa tiyan at mukha. I grab his collar "Kung sa tingin mo titigil ako dahil hindi ka magsasalita, I'd rather kill you and gain nothing"Susuntukin ko pa sana siya nang pigilan ako ni Gab
"Kanino ka humihingi ng mga utos? Sino ang Boss nyo!!" Napasigaw ako
Kinuha ko na ang baril ko at tinutok sa ulo nito.
"W-wala.... W-wala kaming alam. H-hindi ko alam. May nagbibigay samin ng pera pero alam kong hindi siya ang Boss namin. Mga kanang kamay niya ang mga nakakausap namin. " nanginig ang mga labi niyang nag salita
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...