Chapter Thirty Four

203K 4K 99
                                    

Chapter Thirty Four
The Slave's Promise

Lianne

Paano mo ba mababawasan ang sakit na nararamdaman ng isang tao? Iba't iba ang ipinapakitang reaksyon ng tao kapag nawawalan sila ng mahal sa buhay. May ngumingiti at nagpapanggap na masaya, Mayroon hindi umiiyak at meron ding walang tigil ang iyak.
I wish Rowin would cry more.

But I barely see him cry which scares me the most. Minsan iniisip ko kung ang lugar ba na inaasam ko sa puso ni Rowin ay karapat dapat kong punan o di kaya ay hindi pa talaga ito dapat na punan ng iba.

Simula nang nailibing si Chief ay madalang umuwi sa bahay si Rowin. But I always wait for him.

Pakiramdam ko unti unti na kaming bumabalik sa dati naming set up. Pero sana hindi makalimutan ni Rowin na nandito parin ako para sa kanya.

Nang makita ko ang kotse ni Rowin na nagpark sa baba ay agad akong lumabas ng kwarto ko at bumaba.

"Kumain ka na ba?" Nag aalalang tanong ko sa kanay nang makapasok siya. Seeing his face relieves my heart. Pero mukhang pagod na pagod ito at ngumiti lang siya sa akin.

"Bakit hindi ka pa natutulog? 2am na may pasok ka pa bukas" ani naman nito habang paakyat sa hagdanan.

Hindi ako umimik at pinagmasdan ko lang siya na parang walang buhay maglakad.

"Rowin" lumingon ito kaagad sa akin at tumigil sa pagakyat

"Naiintindihan kong kailangan mo nang ipagpatuloy ang imbestigasyon sa pagkamatay ni Mia." Huminga ako ng malalim para pigilan ang damdamin ko.

Dahan dahan siya bumaba habang naktitig lang sa akin. "But you have to promise me.." linakasan ko ang loob ko na tignan siya sa mata.

Nakababa na ito mula sa hagdanan at kasalukuyan siyang naglalakad papalapit sa akin.    
"Sa'kin ka parin uuwi" kasabay ng pagkurap ng mga mata ko ay ang pagtulo ng mga luha ko. Kanina ko pa ito pinipigilan. I didn't expect that I could only stop it from here.

"Uuwi ako sayo kahit mabigat ang pakiramdam ko. Uuwi ako sayo kahit gaano ako nahihirapan. Uuwi ako sayo kahit napakalungkot ko."

He cupped my cheeks and he caress it with his thumb "Why don't we sleep together in my room? I want to sleep in your arms.."

Nakatingin lang sa akin si Rowin habang inaayos ko ang higaan niya. Nakahiga na siya ngayon at ipinatong ko yung kumot sa kanya. Umupo ako sa kama at ipinatong ang kamay ko sa braso niya

"Ginaganito ako ni Papa noong bata pa ako. Para daw makatulog ako ng mahimbing"

"I see, you love your biological father that much. Hindi ka pa masyado nagkwento tungkol sa kanya. I know about Ruel"

Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi niya. Para siyang batang gustong magka pa kwento.

"My Father is the best. May puso siya kagaya ng puso ng mga nanay. Maunawain, sobrang mapagmahal. Napakahina pagdating sa pamilya niya. Pag tulog si Mama, kukunin niya yung gitara niya tapos kakanta kaming dalawa. Mamaya nakahiga na ako sa hita niya habang tinapik yung braso ko. "

Kung pwede lang balikan ang mga oras na iyon. Araw araw akong babalik. Pero walang ganong pagkakataon na ibinibigay ang buhay. Parang one shot lang ang lahat. Kapag wala na wala na. Hindi mo na mababalikan

"How are you okay with this?" he suddenly asked.
"About what?"

"Me, back on the field."

"I'm your slave right?" Mahina akong humalakhak. Napangiti naman ito bigla sa sagot ko.

"Yes. You are the slave of the mafiaboss. So you stick with me like a gum"

"Promise. I will stick with you like a gum.."
***

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon