Chapter Twenty Seven

274K 5.1K 101
                                    

Chapter Twenty Seven
The First night together

Lianne

Ang aga pa pero tirik na tirik na ng araw dito sa Norte. Kahit ala sais palang ang liwanag na. Nagbihis ako kaagad at lumabas sa kwarto. Wala dapat akong oras na sayangin habang nandito ako.

"Ang tagal mo nagising" Nang makababa ako sa hagdan ay nakita ko si Rowin na nakasandal sa isang puno malapit sa kinaroroonan ko.

"Bakit?"

"I told you that we will go to Paoay." Saad naman nito habang nakapamulsang palapit sa akin.
Napatingin ako sa kanya mula ulo hanggang paa. Naka black shorts lang ito at naka polo. Nakatupi hanggang siko ang dark blue na polo nito at nakasuot din ng shades.

"Okay lang. Kahit hindi" tipid kong sagot sa kanya at tumakbo sa beach

"Ayaw mo ba talaga?" Narinig kong sigaw nito. Hindi ko alam kung bakit medyo sumama ang loob ko sa ginawa kong pagtakbo sa kanya. Nilingon ko siya at nakatingin siya ngayon sa akin.

"I wanna visit the Church..." maalumanay ang boses na pinakawalan nito nang makalapit siya sa akin.

Mga mahigit dalawang oras rin ang itinagal namin sa daan. Nagparking si Rowin sa malapit sa Restaurant kung saan walking distance ang simbahan. Maraming mga turista at dinadayo talaga ang simbahan. Lumang luma na nga ito pero napreserve parin ang pagkaholy ng simbahan at ang ganda nito

"How is it?" Tanong nito sa akin at humarap habang paatras ang paglakad nito.

"Ang ganda. Kakaiba yung nararamdaman ko habang nakatingin sa simbahan" Namangha ako at inilibot ang mata ko sa buong paligid.

"Parang babae yung simbahan. Parang yinayakap ka niya" Nakangiti si Rowin habang pinag mamasdan ang simbahan

"Let's take a picture here together."
"Wait."

"Miss. Pwede mo ba kaming kunan? Dito kami sa harap ng simbahan." Lumapit ai Rowin sa babaeng kumukuha rin nang larawan sa may malapit lang sa amin. Ibinigay naman ni Rowin ang kanyang Cellphone at pumwesto ito sa harapan namin. Inayos ko ang sarili ko nang papalapit na si Rowin. Tumayo ako at nag V-sign pero tumawa ito

"Not that. I don't do Wacky." Sabi nito at umiling.

"Eh ano?"

Pinihit ako nito paharap sakanya. "I want a Romantic pose. Nasa harap tayo ng Simbahan." Mahinang sabi nito. Sa sobrang lapit ko na sakanya ay naramdaman ko na ang init ng hininga nito.

"Ready!" Sigaw nito. Inalis ni Rowin ang kamay at inilagay sa mga pisngi ko. Napakuyom ang mga daliri ko. Para akong nanlamig at inakyat ng hindi ko malaman kung ilang boltahe ng kuryente sa siatema ko. Hinuli niya ang titig ko. Nakatingin ako sa kanya. Pinagdikit niya ang mga noo naman at yumuko nito. Hindi ko mapigilan ang mapapikit. Hahalikan niya ba ako

"1,2,3 Smile!"

Nilubayan na ni Rowin ang mukha ko pero wala man lang akong naramdaman na pagdampi ng labi niya. Ganun lang yun? Matapos akong pumikit pikit? Para akong napahiya nang umalis lang ito sa harapan ko at kinuha ang cellphone niya. Pambitin ka Rowin! Paasa ka!

Nang makalpit na ito ay tinalikuran ko siya at napatiuna ako sa paglalakad. Pumasok ako sa garden na naaa side ng simbahan at umupo sa may Bench. Sumunod rin sa akin si Rowin at umupo sa tabi ko abalang tinitignan yung picture namin. Ewan lo sa kanya! Napaasa niya talaga akong hahalikan niya ako kanina

"Lianne tignan mo ang ganda oh."

"Adik ka ba sa selfie?"

Napatigil ito sa pagtingin sa Cellphone niya at gulat itong tumingin sakin. Ako rin ay mistulang nagulat sa inakto ko. Anong nangyari sakin? Nadala yata ako masyado sa nararamdaman ko.
Ano bang big deal sa halik ni Rowin? Dati naman na wala among paki kung gawin niya ito sakin dahil kilala ko siya si niya iyon gagawin sakin pero bakit parang inis na inis ako ngayon?

"Galit ka ba?" Nakatuon na ang titig nito sakin pero umiwas ako at tumingin sa malayo.

"Hey.. Bakit ka nagagalit?"

"Hindi ako galit bat mo nasabi yan?"

"Yes you are."

"No. Hindi nga tara na gutom lang siguro ako. " Dahil wala rin lang patutunguhan ang paguusap namin tumayo nalang ako at lumabas.
Tumuloy muna kami dito sa Hotel sa Paoay. Nang makarating kami ay dumeretso sa CR tong si Rowin. Inayos ko naman ang Bag namin na laman ng mga damit. Nilabas ko ang ibang mga damit ni Rowin para makuha ko rin ung susuotin ko ngayong gabi.

"Ay!" Nagulat ako nang may tumunog na nahulog sa sahig. Yumuko ako sa ilalim ng kama at inabot ko ang isang kwintas.

Kay Rowin pala ito. Nasa pantalon niya?
Pinaglaruan ko sa palad ko ang kwintas na hugis bilog na may nakapaloob na star. Kulay Ginto ito at itim ang lace.

Napangiti naman ako habang pinag mamasdan ko ito.

"What's that?" Napapitlag ako nang marinig ko ang boses ni Rowin na kakalabas lang mula sa shower. Naka bathrobe ito at nakatingin sa kamay ko

"Why are you holding that?"

"Ahh. Ano nahulog kase sa damitan mo ito oh." Agad niya ring kinuha iyon sakin. Hindi ko alam kung nagagalit ba ito o hindi pero hindi ko mabasa ang ekpresyon sa mukha niya

"Huwag na huwag mo na ulit itong hahawakan" Nakita kong itinago niya ito sa bag niya.

"Sayo yan?" Hindi ko napigilang nagtanong
"No. Sa kaibigan ko to. "

Tumunog ang cellphone niya at dali dali itong lumabas. Kanina pa siya tawag ng tawag. Natahimik ako nang iniwan niya ako sa loob.
Bakit nasa kanya ang kuwintas ko?

Nang makaligo ako ay inayos ko ang mga gamit. Naramdaman ko ang pagkirot ng katawan ko lalo na ang paa ko kaya naman hinilot ko ito. Narinig ko ang pag bukas ng pintoan. Pumasok si Rowin naka damit na ito at mukhang may kinatawag ulit.

"Tulog ka na?" Lumapit ito at umupo sa tabi ko.

"Oo. Ikaw?"

"Sige sabay na rin ako." Umatras ito sa likod ko at humiga sa likoran ko. Tumingin ako dito

"Dito ka matulog?"

"Yeah Wala na akong ibang tutulugan Lianne." Ngumisi siya. Para akong kinabahan sa ideya nito. Magtatabi ba kami sa iisang kama?

"Kung ayaw mong tumabi ako manigas ka sa sahig" Napaawang ang bibig ko nang humiga na lang ito at nagtalukbong ng kumot.

Wala man lang akong makitang pagka gentleman ng lalakeng ito. Napailing iling nalang ako habang nilalagyan ng unan sa pagitan naming dalawa.

**

"Kapag ililigtas ako ng Daddy ko isasama kita. Kaya huwag kang mag alala tulungan kitang bumalik sa inyo." Sabi ng binatang ito sa akin Kahit papaano sa kabila ng takot ko ay napapagaan nito ang loob ko. Siya ang sumasalo sa mga pamamalo sa akin dito.

"Paano kung... magkahiwalay tayo?" Hindi ko mapigilang hindi malungkot nang maisip ko iyon 
"Hahanapin kita. Pero mukhang mahihirapan akong hanapin ka. Pero gagawin ko ang lahat para hanapin ka."

"Hindi! ako hahanap sayo. Hindi ko man maalala ang mukha mo pero sa tingin ko ay malalaman ko kung ikaw na nga yung hinahanap ko." Sabi ko rito. Kumunot ang noo nito at humarap sa akin

"Paano mo naman yan masasabi ha bata?"

"Ito oh." Linagay ko ang palad ko sa dibdib nito " mararamdaman kong ikaw kase.. sayo ko naramdaman na ligtas ako at hindi mo ako papabayaan. Parang." napahigikhik ako. Alam ko ring namumula na ang mga pisngi ko.

"Ikaw bata ka ha! Humihipo ka na!"

"Hindi ah. At saka bukas na pala ang pangatlong araw." Natahimik kami pareho. Tatlong araw na kami rito. Hindi namin alam kung anong balak ng mga kidnappers gawin sa amin.
O ilang araw pa ang itatagal naming dito.

"Kuya. Ito tanggapin mo." Hinubad ko ang kwintas sa leeg ko at inabot sa kanya. Tinanggap  niya naman ito at mariing tignignan.

"Galing sa papa ko yan. Bata palang ako suot suot ko na yan."

"Bakit mo binibigay sa akin?"

"Ibig sabihin lang nyan.. magkikita pa tayo. Kung sakaling maghiwalay man tayo ano mang oras Isuot mo yan. Para malaman kong ikaw yan."

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon