Chapter Twenty Eight

264K 4.7K 193
                                    

Chapter Twenty Eight
The Romantic Words

Lianne

Nagising ako nang maramdaman kong iba ang pwesto kong nakatulog. Nakayakap ako sa medyo matigas na bagay at naramdaman ko na hindi na ako nakaunan sa Unan ko!
Dalidali akong nag mulat ng mata at nakita ko ngang...Nakita ko si Rowin na nakatitig sa akin at nakayakap na ako sa kanya! Naging unan ko rin ang braso niya! Paanong naging ganito ang posisyon namin?

"Goodmorning " Bungad nito sa akin.
Tamang pinagpantsyaan ko nga si Rowin ng hindi mabilang na beses pero hindi ako makapaniwalang nakahiga ako kasama siya at nakayakap sa kanya.

"Kanina ka pa ba gising? Bakit dimo ako ginising?"

"Because you were sleeping like a puppy. Umuungol ka pa---Ah!" Hinampas ko ang dibdib nito. Parang nasaktan pa ang mga palad ko sa dibdib nito.

"Hindi ako umuungol!"

"Umuungol ka kaya." Humalakhak ito matapos ko hinampas ulit. Inuumaga ako ng lokong ito. Baka nga namumula ang nga pisngi ko nung natutulog ako. Nakakahiya talaga.

Agad akong bumangon at tumayo. Napabangon din siya at nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin

Nagbreakfast kami ni Rowin dito sa baba ng hotel. Ngayon ko lang natikman ang famous Longganisa dito. Ang sarap pala ang linamnam. Ibang iba ang lasa kumpara sa frozen na natikman ko noon.

Kanina pa ako nakakahalata sa mga babae sa katabi naming table. Ang lakas kase ng kain ni Rowin nag kakamay pa. Halos pinapapak na niya ang kamatis.

Kaya siguro napaka kinis ng isang ito.

"Ang pogi niya friend! Picture mo pa dali" narinig kong sabi pa nong isa

"Pwede ba!" Binaba ko ang kutsara at tinidor ko ng padabog. Hindi ko inaasahang mapapatingin ang ibang tao sa akin. Napatigil din si Rowin sap ag nguya

"May isa pa oh tatlo palang na-uulam ko" ani naman nito

"Pwede bang umayos ka sa pagkain mo pinagtititinginan ka nila"

"Bakit nagkakamay naman yung iba ah"

"Pinagtitinginan ka nga nila" nainis na saad ko sa kanya. Hinawakan ko ang dalawang kamay nito at hinugasan nong tubig na nasa mesa.

"May kanin ka pa sa bibig! Parang bata!" inalis ko naman yung kanin na nasa gilid ng bibig niya

"Para kang Nanay" Inirapan pa ako nito.

Bumalik kami sa Paoay Church for the last time. Ngayon na din kase ang flight naming pauwi ng Maynila. Nagpicture ako sa labas dahil hindi ako makagetover sa kagandahan ng simbahan. Mula dito sa bungad ay nakita ko si Rowin na nakaupo sa loob. Walang mis ngayon may mag tao lang na nagdadasal sa loob.

Pumasok ako sa loob para makita sa malapitan si Rowin. Nakaupo lang ito at nakatingala, Ano kaya ang iniisip niya?

Napakapayapang pagmasdan si Rowin kapag ganito lang. Still I hope he wasn't in this crusade.
Sana normal ang buhay na tinatahak niya. Sana kagaya din siya ng ibang tao.

Pagkatapos ng byaheng ito, pakiramdam ko mas luminaw ang nararamdaman ko.
Gusto kong manatili sa tabi ni Rowin, Gusto kong mabawasan ang lungkot na nararamdaman niya. Pero hindi ganon kadali iyon.

Unang una sa lahat hindi ako ang taong makakaalis ng lahat ng iyon, Hindi rin ako iyong babae na gugustuhin niyang makasama.
He is still in love with her. Paano ko ba hihigitan ang pagmamahalan nilang ipinaglaban hanggang sa kamatayan ng isa.

Wala

Imposible

Napangiti ako nang makita ko si Rowin na lumingon dito at tumayo
Bakit.. ngayon lang kita nakita ulit?

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon