Chapter Nine

307K 6.1K 41
                                    

Chapter Nine
The Undeniable Worry

Lianne

Malapit na mag tanghali pero hindi parin bumababa si Rowin sa kwarto niya. Nakaligpit na ako at nakapg linis. Natatakot naman akong pumunta sa kwarto niya mamaya sigawan na naman niya ako.

Mother's Day kase ngayon, Kanina ko pa pinagiisipan kung papaano ako mag papaalam sakanya. Kahit walang kasiguraduhang papayagan niya ako. Minsan iniisip ko na talagang isa akong preso.

Napatayo ako nang marinig ko ang pagbukas ng pintoan. Nakita ko si Rowin na pababa ng hagdan. Mukhang may lalakadin ulit ito.

"Ah..Ano" Napatigil siya sa paglalakad nang magsalita ako. Pero ngayong nakatuon na ang atensyon niya sa akin ay hindi na ako makapg salita. Bakit kase dapat titignan niya pa ako?

"What?" Mukhang nainis na yata siya sa paghihintay ng sasabihin ko.

"Kase, Mother's Day ngayon. Baka pwede kong dalawin si Mama." Nagulat nalang ako nang bigla siyang humakbang papalapit sa akin.

"I hope this is not your way of running away" Tinitigan niya ako na parang bang may hinahanap siya sa mukha ko.

"Hindi ako tatakas. Magiisip ako ng paraan paano kita mababayaran habang nandito ako" sabi ko naman sa kanya.

"Then Go" tipid na sabi naman nito at naglakad na ito palabas ng bahay.

***

Hindi ko namalayan ang oras. Sana mas matagal pa ako sa puntod ni Mama. Pagkababa ko ng LRT ay naglakad ako sa overpass. Dapat pala maaga akong umalis dahil rush hour na ngayon marami ng tao sa mga pilahan ng sasakyan.

"Aray!" Muntik na akong madapa nang matabig ako ng isang bata. Lumingon ako sa kanya nang may nakita akong pumapatak na dugo sa sahig. Kaya naman agad kong hinabol ko ito

"Bata? Okay ka lang?" Naabutan ko siya kahit papaano dahil napansin ko ding paika ika ang isang paa nito.

"Opo." saad naman nito at saka tinabig ang kamay ko. Pero nag matigas ako at hinigit ang kamay niya paharap sa akin

Nagulat nalang ako nang makita ko ang kamay niyang duguan na nakahawak sa may braso niya

"Napano ka? Sino may gawa nito sayo?Hindi pwede dadalhin na kita sa hospital?"

Nagpumiglas naman ito pero hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya. Napalingon ito sa likod. Agad akong naalarma nang may nakita akong lalakeng may hawak na baril.

Tumakbo kaming dalawa palayo . Hindi ko alam bakit ako sumasama sa kanya. Hindi na ako nakapag isip at bilisan ang takbo. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kanya
Nang mapansin naming wala nang nakabuntot sa amin at tumigil kami sa isnag eskinita

"Dadalhin na kita sa hospital" Hinihingal kong saad sa kanya

"Huwag. Hindi ako pwede sa hospital." Nagulat ako sa sinabi niya. Pero pinagmasdan ako ng braso niya na patuloy paring dumudugo.

"Bakit may masama kang ginagawa ano?" Nanlaki ang mata nitong tumingin sa akin..

"Wala. Wag moko akong pakealaman."
Pinunit ko ang laylayan ng palda ko at ibinalot ang tela sa braso niya. Kahit nagmamatigas siya ay pinipilit kong tapatan ang lakas niya para hindi siya makawala sa akin.

"Naiintindihan ko. Hindi kita isusumbong. Pero kailangan nating gamutin yan. Sumama ka sakin."

Nagpunta kami sa bahay ng kaibigan kong si Tracy. Dahil ito lang ang medyo malapit na pwede naming puntahan. Pareho kaming Nursing ang kinuha pero hindi ako nakapag graduate. Nag abroad ito noon pero balita ko nakauwi na siya.

"Oh. Liana! Kumust---Ahh" medyo napasigaw si Tracy nang makita niyang may bata akong inaalalayang tumayo.

"Alam ko ang iniisip mo pero hindi at kailangan ko na ang tulong mo ngayon din" Ipinasok ko kaagad ang bata sa loob ng bahay ni Tracy.
Nagmadali si Tracy na inilabas lahat ng mga gamit niya. Buti nalang naisipan kong pumunta dito.

Nang ginunting ni Tracy ang tela na ibinalot ko kanina at napaawang ang bibig nito

"Nabaril ka ano? Pero daplis lang." ani naman nito

Pero walang imik ang bata ay napansin ko ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.

"Wala ka na bang mga magulang?" tanong ko naman dito.

"W-wala na po.." sagot naman niya.

Nang matahi ni Tracy ang sugat niya ihinatid ko na siya dito sa labas. Ang sabi ni Tracy ay pwedeng magpahinga muna siya dito ngayong gabi pero ayaw ng bata.

"Anong pangalan mo?"

Hindi ito umimik at nag iwas lamang tingin. Para siyang may kinakatakutan. Parang may humahabol pa sa kanya kanina.

"Tingnan mo ako Bata" Pero hindi ito kumibo at nakatingin parin sa ibang direksyon. Hinawakan ko ang mukha nito at ibinaling sa akin

"Tumingin ka sa mga mata ko. May tiwala ka sakin diba?" Napupuno ang galit ang mga mata nito na parang ayaw akong sagutin.

"May tiwala ka sakin kase sumama ka sakin hanggang dito diba? Ngayon sabihin mo sakin bakit ganito ang nangyayari sayo? Asan ang mga magulang mo?"

Tuluyan na ang pagbagsak ng mga luha niya. Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya at hinagod ang kanyang likuran

"Natatakot po ako sakanila..."
I had the same fearful eyes the first time Rowin took me. I wished someone out there would find and save me.

But I always end up being save by the man I fear the most.

"Bibigyan kita ng number. Wala akong cellphone ngayon pero pag tumawag sa numero na ito. Pupuntahan kaagad kita" Ngumiti ako sa kanya

"Jano po. Jano ang pangalan ko. Salamat po..."

***
Hindi ko namalayan ang oras. Malapit na palang mag 12pm. Hindi na nga ako nakapag paalam kay Tracy ng maayos dahil nagmamadali na akong umalis.

Sana lang hindi uuwi si Rowin ngayon dahil makakarinig ulit akong sigaw pag uwi ko. Sana wala siya sa bahay ngayon.
Napatigil ako sa paglalakad nang makarating ako sa tapat ng bahay. Nakita ko ang kotse ni Rowin sa loob.

Naisip ko din na pumasok mula sa bintana pero masyadong mataas baka hindi ko kayang akyatin.

Grabe! Hindi ko alam papaano ako papasok!
Bigla kong narinig ang pagbukas ng pintoan. Hindi ko alam saan ako mag tatago. Hala! Makikita niya ako! Isip Lianne san ba ako dapat magtago.

Tatakbo na sana ako palayo nang biglang bumukas ang gate at nagtama ang mga paningin naming ni Rowin.

Napansin ko na nanlilisik ang mga mata nito. Mukhang naiinis yata ito. Pero hindi ko alam kung saan ito naiinis.

"You look like a murderer" Napatingin kaagad ako sasarili ko nang magsalita ito.
May bakas pa ng dugo ang damit ko at punit pala ang laylayan ng palda ko. Napatingin ako sa mga kamay ko na may dugo ding tumigas na.

"Ah-"

"Who did this" Nagulat ako nang bigla niya akong hinawakan sa braso. Ang sakit ng pagkakahawak niya.

"Wala. May nakita lang akong bata sa kalye kaya sinugod ko sa hospital." Sabi ko naman sa kanya.

Napaatras ako nang binitawan niya ang pagkakahawak sa akin. Pagkatapos ay hindi na ito nagsalita. Pumasok lang ito sa loob at padabog niyang isinarado ang pinto.

Mas mabuti na siguro ito kaysa naman awayin niya ako.

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon