Chapter Twenty Three
The Jealousy should start hereRowin
Bigla akong nagulat nang tumingin ako sa baba at hindi ko makita si Lianne. Kakatapos ko lang kaseng kausapin si Gab mula sa Telepono. Pinagusapan naming ang tungkol sa kaso ni Romulo.
Nang tumunog ang doorbell ay dali dali akong bumaba para buksan ito. It was Jake.
"Oh nandito ka" bungad ko naman sa kanya nang biglang pumasok ito sa loob ng bahay ko.
"Si Lianne? Wala?" napatitig ako dito habang pa linga linga ang tingin niya sa buong bahay.
"Are you here for her? Or for me?" pinagtaasan ko naman siya ng kilay.
"I'm here for you. Ikaw client ko" he smirked.
"What do you have for me" I crossed my hands in front of my chest. Umupo naman ito at binuksan ang brown folder na hawak niya.
"I've got the identities of the kidnappers during the Arson Case 10 years ago" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi niya.
10 Years ago, when I was kidnapped, I luckily escaped. Nope, I was coward. That is why I was alive."Lahat ng nakidnap, maske kaedad ko at mga bata.. They all died." I gasped
"Nope. I found a survivor. Just like you.." May iniurong siyang isang larawan sa mesa.
"He is alive and well" nagpakita pa siya ng ibang litrato nong lalake habang nag lilinis ng kotse.
"What about the kidnappers?" I asked"4 Kidnappers. All dead" inilapag naman nito ang apat na litrato ng mga lalakeng halos hindi ko na mamukhaan.
"Do you think there are still other survivors aside from me?"
"Who knows? Maybe your girl is still alive" Inirapan ko naman kaagad si Jake.
"She's not my girl. She is my sin. The gravest sin I made.."
Matagal ko nang tinatakbuhan ang mga nangyari sa akin 10 years ago. It was my nightmare. But I think I am being punished now. Ngayon ako naman ang nawalan.
Wala namana akong makukuha sa kasong ito. It has been 10 years. It was closed because all of the kidnappers died.
**
Nagpunta kami ni Jake sa Car Wash kung saan nag tratrabaho ang survivor na nahanap niya.
"Paano mo nalaman na nakaligtas siya?" Pinatigil ko siya sa pag lalakad nang papasok na kami sa Car Wash"Nagpapalinis ako ng Kotse ko dito last week I had this pictures. Nakakalat yata sa loob ng kotse ko. He came to me. Galit na galit siya" Napatingin ako sa direksyon kung saan lumipat ang titig nito. Nakita ko ang isang binatilyong nakikipag usap sa dalawang matanda.
"Namukhaan niya ang dalawa sa mga kidnappers. It was also a nightmare to him"
Lumapit ito sa amin nang tinawag ni Jake, Sandaling napalipat sa akin ang titig niya"Bakit po kayo nandito? " tanong naman nito sa amin
"This is my friend. He was also a survivor"
"Oo namumukhaan kita" sabi nito habang nakatitig ng maigi sa mukha ko
"Talaga?" hindi makapaniwala si Jake.
"Panong hindi. Siya yung tinulungan nong batang babaeng gumamot sa mga sugat ko noon. Iniwan mo siya!"
"I'm Sorry." Napayuko ako. If he wants to hurt me this time I will gladly accept it. I deserve it.
"Kung hindi dahil sa lalakeng iyon, lahat ng bata kahit ako namatay na din. "
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...