Chapter Fifty

234K 4.2K 223
                                    

Chapter Fifty
The Hope for a new begining

Lianne

Kasama ko si Rohan na nagtungo sa Hospital. Pero nakita na yata namin lahat ng mga Hospital Bed pero wala si Rowin.

Naraid ang bodega kung saan ikinulong ang mga nadakip na agents. Pero wala na raw tao sa bodega bukod sa mga bihag.

Nang dumaan kami sa Entrance ay nakasalubong namin sila Jake at Gab

"Nasan ang Kapatid ko?" Galit na kwinelyuhan ni Rohan si Gab. Sinubukan kong pumagitna sa dalawa at pigilan sana sila pero hinarang ni Rohan ang kamay niya sa harapan ko.

"May mga paparating pang Ambulansya. Hindi din namin siya nakita sa Loob " Dismayadong saad ni Jake kay Rohan.

Marahan na binitawan ni Rohan si Gab habang nakayuko lang si Gab.

Nakita ko si Rian kasama ang ibang mga Doctor na tumakbo papuntang Entrance para salubungin ang mga paparating na Ambulansya.

May mga pasyente silang itinakbo papasok siguro ay ang mga bihag o mga sundalo parin itong mga sugatan.

"Ro-Rowin..." Napabalikwas ako nang takbo nang mamukhaan ko ang Pasyenteng papasok sa loob. Naramdaman ko ang pagsunod nila Gab sa akin.

Nang malapitan ko siya ay napatakip ako sa bibig ko. It was him. Duguan at may oxygen mask na silang sinaksak sa kanya. Napaluha ako habang pinagmasdan ko siya. I held his hands. Ang lamig na ng kamay niya.

"Rowin!!" Napasigaw ako.

"Lianne, He is fine. We just have to stitch his wounds. Hindi pwedeng sumama ka pa sa loob" Hinarangan ako ni Rian pero nakatingin parin ako sa stretcher sa papalayo mula dito.

"Sasama ako. Gusto ko siyang makita!" Napahagulgol ako sa iyak pero pinigilan parin ako ni Rohan.

"Gab..." Nagmakaawa ako sa kanila pero napailing iling silang dalawa ni Jake.

"I'll take her away but.." hindi pa man din naitutuloy ni Rohan ang sasabihin niya ay tingauan siya kaagad ni Gab.

Hinawakan ako sa braso ni Rohan at sapilitang inilayo sa Emergency Room.

"I heard you like Banana Milk" Napatingin ako kay Rohan na may dalawnag dalawang pack ng Banana Milk.

Kasalukuyan kaming narito sa labas ng hospital. Hindi talaga ako pinapasok sa loob ng Emergency Room

"Rian was lying right?" Napaluha ako nang tinignan ako ni Rohan. "Kritikal si Rowin. Ang lamig ng kamay niya. "

"Kinamusta mo ba ang puso niya? I bet it is still beating for you" Bigla akong napangiti sa sinabi ni Rohan habang pinupunasan niya ang mga luha ko.

"You're a brave adorable girl." ani pa ni Rohan sa akin at ginulo ang buhok ko.

It's been almost two weeks since I came in here. Dalawang linggo din kaming naghintay at naghanap ng impormasyon tungkol kay Rowin.

"At hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa mo para sa kanya."

Bigla kong naalala ang isang bagay na ginawa ko. That is probably one of the most scariest things I have ever done in my life

**

The operation yesterday was successful. Rowin is now stable. Nakatanggap din ako ng tawag mula kay Gab na gising na raw si Rowin. Umuwi ako saglit kanina sa bahay para kumuha ng gamit.
Kasalukuyan akong naglalakad dito sa lobby papunta sa room ni Rowin.

Nang binuksan ko ang pintoan sa room ni Rowin ay bumungad sa akin si Rohan na nakangiti at may kausap. Nang maglakad ako papasok at nakita ko paunti unti ang mukha ni Rowin na nakangiti habang kausap sil Gab at Rian

Bigla akong kinabahan nang unti unti ring napawi ang ngiti ni Rowin nang makita niya ako.
Hindi ko alam kung bakit napatikom ang bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ang bilis bilis parin ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya.

It was always been like this. He always overwhelm my heart no matter how long I didn't see him.

"So Yeah, Lianne is here to see you." Tumikhim si Rohan at linapitan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at inalalayang lumapit sa bed ni Rowin.

"It's.. been a long time and..." saglit na napadungaw ang mga mata ni Rowin sa tyan ko.

"I see you are happily married." Magsasalita sana ako pero bigla siyang lumingon sa ibang direksyon.

Nagtinginan kaming dalawa ni Rian. Para bang sinesenyasan niya akong sabihin ko sa kanya ang totoo

"Rowin-"

"I'm sure you had a happy life. Hindi mo na kinailangan magpunta dito. Delikado pa sa'yo. You can leave for now" Rowin just smiled at me.

"Ahhh!" Nagulat kaming lahat nang binatukan siya ni Rian.

Nag angat ng titig si Rowin. Nainis yata siya ng tuluyan sa ginawa ni Rian sa kanya.

"What the hell" Nanlaki ang mga mata ni Rowin
Napansin ko si Gab at Jake na nakatingin sa ibang direksyon. Napaawang ang bibig naming dalawa ni Rohan habang natingin kay Rian

"Doc. Kakagaling lang po ng kapatid ko sa operasyon. He almost died" mahinahong saad ni Rohan sa kanya

"Umayos ka baka ibalik ko sayo yung balang tinanggal ko" pagbabanta ni Rian kay Rowin bago siya umalis ng silid.

Rowin glared at Jake but he just looked away. Mukhang under nga talaga siya kay Rian

"Sa'yo ito. Manganganak na ako sa susunod na buwan."

"Tara Tara Tara!" napatingin ako kay Jake na hinatak si Gab at Rohan palabas ng Room. Napansin ko ang inis sa mukha ni Rohan habang papaalis silang tatlo.

"What!?" He looked at me again and I smiled to him.

Napansin kong napatahimik si Rowin at nakayuko lamang. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niyang nakapatong sa hita niya.

"Is this enough reason for me to stay forever?" Napasinghap ako. My eyes were already filled with tears.

"Please don't say that" He said. He wiped my tears using his thumb when he stared at me. "You were more than enough.."

"Sapat na rason ka para mabuhay ulit ako ng masaya. I was unworthy enough not to see it earlier."

Hinawakan ko ang mga pisngi ni Rowin. He hasn't shaved for a long time. Medyo humaba rin ang buhok nito. But he is still handsome to me.
Lumawak ang ngiti ko habang nakatitig sa kanya. I thought I would never see his face again.. Akala ko hindi ko na mahahawakan ang mga pisngi niya.

"All I think about is you. Gusto ko nang umuwi. Yan' lang ang iniisip ko. Gusto kitang makita. Somehow it made me survive each day that I was trapped in there. "

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon