Chapter Five
The TearsLianne
Hindi ko alam kung nakailang ikot na ako dito sa kama. Kanina ko pa pinaglalaruan ang ilaw. Pag pinindot mo kase ng dalawang beses o tatlong beses tataas ng brightness ng lamp. Tumayo ulit ako nilibot ang kwarto ko. Hindi ko din alam kung nakailang libot na ako sa buong bahay. Kaninang umaga pag gising ko wala si Rowin. Nauna pa ako dito kaysa sa may ari ng bahay.
Napatingin ako sa Balcony nang may bigla akong narinig na tunog ng sasakyan. Nakita kong bumaba si Rowin sa kotse niya para buksan ang gate. Pwede naman kaseng tawagin niya ako diba?Hindi ko alam bakit ako tumakbo palabas ng kwarto ko. Sisigawan lang naman ako non' kapag makikita niya ako. Babalik na sana ako sa loob kwarto ko nang bigla siyang pumasok at napatingala siya kaagd sa direksyon kung nasaan ako.
"Anong ginagawa mo ba't dikapa natutulog!" Nagulat ako nang bigla siyang sumigaw. Ano ba yan' nagising na lalo ako.
"I-I mean matulog ka na dahil marami tayong ilalakad bukas." Pero para akong walang narinig at pinanuod ko lang siyang umakyat dito sa taas.
"Bakit bukas?" Mahinang bigkas ko.
Tumigil ito sa harapan ng pintoan ng kwarto niya at nilingon niya ako."Your life will be harder starting tomorrow" Hindi ko alam kung sagot ba talaga yung binigay niya o pagbabanta.
**
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. Hindi ako sigurado kung pwede akong gumalaw galaw dito sa bahay ng mga gamit niya pero hindi ba iyon nga ang rason bakit niya ako dinala dito? Para maging kasambahay niya?
Nagluto ako ng breakfast.Actually kakain na sana ako nang bigla kong marinig ang pagbukas ng pintoan niya sa taas. Nakita ko siyang bumba sa hagdan habang inaayos ang Necktie niya. May lalakarin na naman yata ito.
"Kumain ka muna"
BALIW!
Hindi ko alam bakit ko pa iyon sinabi. Pero tumigil siya sa harapan ng dining table at naglakad palapit sa akin. Dapat hindi ko na lang siya kinausap!
"We'll leave in 15 mins. Bilisan mong' kumain" sabi lang naman nito at hinatak ang isang upuan at doon siya umupo. Hindi ko naman inaasahang gagalawin niya ang pagkain na niluto ko.
"Pupunta tayo sa bahay" Gusto ko sana ng follow up questions pero hindi yata siya yung tipo na mag eentertain pa ng ibang tanong. Baka masigawan lang ako dito.
Hindi ko naisip na puro pambahay lang pala ang mga dala kong damit. Kanina pa yata tapos ang 15 mins at baka inip na inip na siya sa akin. Binuksan ko ang Closet, diko inaasahang may mga damit na pambabae pala dito. Ginagamit ba niya ito?
Kinuha ko ang isang floral pink dress. Siguro hihiramin ko muna ito kaysa naman pambahay ang isuot ko lang diba?
Nang makapagbihis ako ay agad akong nagmadaling bumaba. Kanina pa yata siya naiinip at naiinis sa akin. Nang makalapit ako sa kanya ay tinitigan niya ang suot ko..
"Why are you wearing that dress?"
"Ha?"
"I said, Why are you wearing that dress!!"
Napaatras ako ng kaunti nang sumigaw siya sa akin.
"W-Wala akong ibang damit." Hindi na siya sumagot at naglakad na siya palabas.
Hindi ako kinausap ni Rowin buong byahe. Medyo may kalayuan din pala ang bahay nila. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis magalit ng isang to.Lord, hindi ko alam kung kakayaning kong kasama ito sa bahay. Sana bagsakan mo naman akong sampung milyon para matapos na ang pag hihirap ko sa kanya.
Napatingin ako sa bintana habang papasok kami sa isang malaking Gate. Grabe parang palasyo. Mas Malaki yata ang bahay na ito kaysa sa Mansion na unang tinirahan ko. Gaano ba kayaman itong lalakeng to?
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
Ficción GeneralKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...