Chapter Fourty Four

202K 4K 193
                                    

Chapter Fourty Four
The Place where I don't belong

Lianne

Mistula akong napako sa kinatatayuan ko nang makita ko sila Rowin. Rinig na rinig ko ang lahat. It was all clear into my mind what I heard.
I ran away. Hindi ko siya kayang harapin.

Tumakbo ako palayo sa parking Lot hanggang sa labas. Nakita ko parin sa likoran kong sinundan ako ni Rowin. Pero nanghina ako at sumikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos at napatigil sa pagtakbo.

Lumingon ako sa likoran ko at nakita ko si Rowin na papalakad palapit sa akin.

"Lianne.."

"How could you even call my name?"

Huminga ako nang malalim. Hindi ko nagawnag lumingon kaagad sa kanya

"But It's true right?" Hindi ako nakarinig ng kahit na anong sagot kay Rowin. Napilitan akong lumingon sa kanya. He was just staring at me.

"This case took my life away from me. Ang nagsakripisyo. Para lang mapagtakpan ang krimeng ginawa ni Magnus. If I will not stop him, lalo pang dadami ang buhay na pwedeng mawala nang dahil sa kanya."

Tuluyang tumulo ang mga luha ko sa sinabi niya. I heard the truth. But somehow deep inside my heart I wanted to believe Rowin will still choose not to do the case.

"Pero kung totoo ngang Papa ko ang may gawa nito, Papatayin mo parin siya?"

"I have to do this.." Napapapikit ang mga mata ko sa sagot niya. Umaasa parin akong hindi siya sasagot ng ganito.

But Rowin has made up his mind.. I know it. He made his choice already

"Dahil parin sa kanya?"

"Alam mong hindi lang si Mia ang nawala sa akin." Napailing iling naman ito.

"On top of all of these, It was still all for Mia.."
Pahina ng pahina ang boses ko dahil sa bigat na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Gusto kong suntukin ang puso ko, Baka mabawasan ng kaunti ang sakit. But I know the only person who can ease the pain is the one who is infront of me.

"Lianne! Totoo ang nararamdaman ko sayo!" Napalakas ang boses ni Rowin habang papalapit ito sa akin

"But Mia's death is just so unfair. She was my woman.."

"Eh ano ako!? Sino ba ako sayo, Rowin?" Hindi ko napigilan ang damdamin ko at napasigaw ako

Lalo akong napahagulgol sa pag iyak nang tumahimik siya. "Alam mo ba kung ano ang masakit?"

" 'Yong wala na siya pero sa kanya parin umiikot ang mundo mo.." Nasuntok ko ang dibdib ni Rowin. Hindi niya ako pinipigilan kahit sunod sunod ko siya sinasaktan.

"Bakit hindi ka makasagot? Bakit! Sumagot ka.."

"I want your father dead. He is your father Lianne.. Kahit kailan hindi mo ako mapapatawad kapag nangyari iyon.." He almost whispered. He stared at me. Nagtinginan kami. pareho kaming naluluha. Alam ko naman kung gaano kasakit para kay Rowin ang lahat. Pero masakit rin sa akin. May pinanghahawakan ako at ang pagmamahal ni Rowin iyon. Paano na lang kung pati iyon mawala ng isang iglap?

"I need to do what I should do. Your father took many people from me already. Ultimo sinira niya ang buhay ko Lianne. I lost Mia. My friends my life. ang iniwan niyang sakit sa akin au buhay na buhay hanggang ngayon. I never get to lived in peace while he's alive and kicking."

Nilubayan ko si Rowin at pinunasan ang luha ko.

"Akala ko talaga ako na. Akala ko may lugar na ako sa puso mo. Hanggang ngayon pala wala."

"I loved you.." he said in very soft voice. Nakita ko ang luhang pumatak mula sa mata ni Rowin. Parang napakasakit sabihin ang mga katagang iyon sa kanya

"But you love her more. "

Napatakip ako sa bibig ko. Hindi ko mapigilan ang mapaiyak. Lahat lahat... Ang sakit sakit sa akin.

Bakit napakadaling bitawan ni Rowin ang lahat pagdating kay Mia? Ano nga ba ang naging papel ko sa kanya? Sa buhay niya? Minahal ba niya talaga ako? Ano ba ang kulang?Ako ba?

*Peeeeppppp*

Nagulat ako nang may biglang humablot sa akin. Kamuntikan na akong nawalan ng balanse at mabagsak sa sahig pero may mga kamay na maagap na nakasalo sa akin.

"Lianne Ano ba!" Galit na sabi ni Rowin sa akin. Nagulat ako dahil wala akong kaalam alam na kamuntikan na pala akong masagasahan ng Kotse. Nawawala ako sa pag iisip at wala akong ibang marinig kundi ang pagiyak ko kanina

"Hindi ko--"

"Kamuntikan ka nang masagasahan!" Nanlilisik ang mga mata ni Rowin. Pansin ko ang pagkuyom nito ng kanyang mga kamay at pagpipigil sa galit nito

"Rowin.. Bitawan mo na ako" I tried to smile a bit. Napatingin si Rowin sa kamay kong hawak hawak niya

Hindi ako umuwi sa bahay ni Rowin ngayon. Naisipan kong tumuloy muna kay Tracy. Sumakay ako ng Bus dahil gusto kong magtagal sa sasakyan.
Hindi ko inaasahang makikita ko si Tracy doon na para banag nakaabang sa akin.

**
"Kanina pa kita hinihintay. May Banana Milk akong dala. Yung favorite natin dati" Tumakbo pa ito para salubungin ako.

"Bat' alam mong paparating ako?"

"Hmm. Isa akong manghuhula diba? Nahuhulaan ko nga ang break up dates ng mga kakaklase natin noon." Mahinang napatawa naman ito.

"Pwede bang tumuloy muna ako sa'yo? Masagana ka yata ngayon may sariling bahay ka"

"Ano kaba, hinuhulughulugan ko pa yon'. Pero Syempre welcome na welcome ka sa bahay ko. Kahit doon kana tumira habang buhay"

"Naalala mo ba nong araw na namatay ang mama mo. Sumigaw tayo sa ilog noon. Sabi mo hinding hindi ka na iiyak. Dahil ngingiti ka na araw araw kahit anong mangyari." Napatingin naman ako kay Tracy habang nilalagyan niya ng stray ang banana milk at ibinigay ito sa akin.

"Dapat ganon' ka parin hanggang ngayon. Okay lang umiyak. Pero wag mong araw arawin. Baka maubos ka, at makalimutan mo nang ngumiti ulit."

Hindi ko namalayang ang luhang tumulo sa mga mata ko. Agad naman itong pinunasan ni Tracy.

"Masayang mahalin ka ng isang tao. Masakit na may mas nakahigit sayo. Pero lagi mong tatandaan. Nandito parin ako para uuwian mo sa tuwing sasaktan ka ng ibang lalake. Dahil number 1 ka sakin"

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon