Lianne's POV
Bagsak ang balikat ni Rowin na sumakay ng kotse. Ngayong araw ay magpapaturo ako sa kanya ng Driving Lessons. Para magamit ko na rin ang Kotse ni Rowin. Kung iisipin mo ilang taon ko na ding pinagmamasdan si Rowin na mag-drive. isa pa ang ganda ganda ng kotse niya. Black na BMW. Maaring pang Action Movie.
'Yong tipong naghahabulan kami sa daan with matching guns. Grabe! I can't wait to try it!
Ngayon ko lang narerealize kung gaano ka-astig ang trabaho ni Rowin dati.
"Tara na" napansin ko ang inis sa boses ni Rowin.
Kahapon kase ay nasipa ko ang jun-jun niya. Pagkatapos niyan ay hindi na niya ako pinansin. Natulog nga lang siya sa sala kagabi. Kaya ang ginawa ko ay sinuyo ko siya sa umaga.
"Yung susi?" ang tanong ko naman sa kanya.
"Pindotin mo na lang 'yang start engine diyan." parang nagulat ako nang biglang lumakas ang boses niya.
"Gusto mo ba talaga akong turuan? Bat' parang napipilitan ka?"
"Nandito na nga ako diba? Ano pa bang problema?" Lalo akong napahiya at parang nakakatampo ang aura ni Rowin ngayon.
Lumabas ako mula sa Driver's Seat.
Kung ganito lang din ang mood ng kasama ko. Sosolohin ko nalang ang mag drive.
"Oh Ano? Saan ka pupunta?" Nakita ko naman na lumabas si Rowin.
"Mag-rerenta nalang ako ng sasakyan at Driver. Napakasungit mo!"
"Ayan na naman ba Lianne. magtatampo ka na naman ba." Nagulat ako nang bigla niyang hinampas pasarado ang pintoan ng kotse. I think he is mad for real. Nakakatakot pa naman kapag galit siya.
"Ikaw ano bang problema mo, Rowin?" Hindi ko napigilan ang sarili ko at lumapit ako sa kanya
"Wala akong problema"
"Wala? Kahapon ka pa ganyan. Wala? So huhulaan ko ba dapat kung may problema?" Nakapamaywang kong saad
"I'm doing everything you want me to do. " Nakaigting ang mga panga nito ngayon.
"If you're against it. Then Don't."
I tried to walk away but Rowin is just so fast. He pulled my hands to stop me. Pero hindi ko siya nilingon at pilit kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Lianne ano ba!"
"Ano!" Napasigaw ako. Hindi ko namalayan ang mga luhang tumulo mula sa mga mata ko.
"It's not like I am asking so much. I just wanna do these things with you. Mahirap ba?"
Sunod sunod ang pagbuntong hininga ni Rowin.
"Dalawa ang anak natin. Dalawa ang batang inaalagaan ko. Isabay mo pa ang trabaho ko. Hindi ako nag rereklamo dahil mahal ko kayo.. But sometimes I wanna feel that I am free and I can rest.."
Nagpakasal ako sa murang edad. I was only 24. Pinagbuntis ko din si Riley at nasundan si Reya ilang taon nakalipas nang i-kasal kami ni Rowin.
"Are you saying that you are not free? Binibigay ko naman ang lahat ng gusto mo. Nagtratrabaho ako para sainyo. I told you to stay at home and wait for me with the kids. Pero sinabi mo sa akin na gusto mong mag-trabaho. Pinayagan kita. Kahit nahihirapan na tayong maghanap ng mag-aalalaga sa mga anak natin"
I scoffed "Grabe, akala ko sudden change of mood ka lang pero totoo ngang frustrated ka sa akin?" Napailing iling ako sa kanya.
But as I was asessing Rowin, parang ang dami niyang gustong sabihin. I don't know what's holding him back.
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...