Chapter Thirty Six
The Lost TimeLianne
Nang makita ko sa balita na namatay ang isang sindikatong si Abian ay naalarma kaagad ako. Namatay ito dahil sa suicide. It was the man that Rowin is chasing. I tried to call Rowin several times but he is not answering.
"Tita.." Tinawag ko siya bago pa man siya makapasok sa kusina.
"Pwede po bang mag undertime muna ako? Pupuntahan ko lang si Rowin sa Agency."
"Bakit? May problema ba siya? Anong nangyari sa kanya?" Biglang nag alala si Tita Mira at lumapit ito kaagad sa akin
"Hindi po. May pinapakuha po kase siya sa bahay kailangan na niya daw ngayon" Nagsinungaling ako, Dahil alam kong hindi ipinapaalam ni Rowin ang trabaho niya sa mga magulang niya.
"Oh sige, kumilos ka na at baka nga importante iyan" ani naman nito. Inalis ko na kaagad ang apron ko at tumakbo palabas ng restaurant.
Pumara ako ng Taxi para mas mabilis. May kalayuan din mula dito ang Agency nila Rowin.
Hindi ko alam kung may magagawa ba ako kapag pupuntahan ko siya. But I have to make sure that he is fine. Though he might be angry right now.. or maybe he is crying.Bakit ba nagkaganito ang buhay mo Rowin? I thought all these years you are living a good life..
If only I could do something.. Pero wala. Wala akong magawa.Nang makarating ako sa Agency ay napatingala ako sa building. Napakatayog ng Agency nila. Nang pumasok ako ay hinarang ako ng dalawang lalakeng nakauniform ng pang sundalo
"Civilians are not allowed in here, unless you have an appointment" sabi naman nong isang mas matangkad sa akin habang nakaharang ang kamay niya sa harapan ko.
"May titignan lang po ako. Saglit lang po" Nag makaawa ako sa kanila at akmang maglalakad ako papasok pero hinila nila akong dalawa at itinulak sa gate
"Saglit lang po. Please lang po."
"Bawal nga miss sabi eh! Ang kulit mo!" Sigaw naman nong isang lalake.
"Sige, Pero pakitanong naman po kung nandyan si Rowin"
"Hindi pwede. Umalis ka na!"
Hindi ako nagtagumpay na nakapasok. Nandito lang ako sa gate at kahit anong pilit ko ay hindi nila ako pinapapasok. Mga Agents lang dina ng nakikita kong nakakapasok sa guardhouse
Nagsimula nang pumatak ang ulan. Wala pa naman akong payong na nadala dahil sa pagmamadali ko kanina.Nilalamig na din ako. Nagsama pa ng malakas na hangin ang ulan na ito.
Hindi na rin maopen ang cellphone ko. Bakit ba sa mga oras na ito umiiral pa ang pagiging tanga ko.
Napatingin ako nang bumukas iyong malaking gate. May ilang sasakyan ang lumabas.
Napatayo ako nang biglang may isang sasakyan na tumigil. Hindi ko na makita masyadoa ng tao na nasa loob dahil sa ilaw ng sasakyan na nakatutok sa akin"Lianne!?"
Gusto kong maiyak nang makita ko si Rowin na lumabas mula sa kotse. Tumakbo siya palapit sa akin.
"Nababasa ka na. Italukbong mo yung jacket mo!" galit kong saad sa kanya nang makalapit siya sa akin
"What the- Bakit ka nandito? Basang basa ka na!" napansin ko ang inis sa boses nito
"Gusto lang kitang makita. Hindi na kita nakikita ng dalawang araw. Hindi na kita naabutan sa umaga. Hindi mo rin nasasagot ang mga tawag ko. Hindi ko alam kung anong iisipin ko."
I started to breathe heavily and felt the massive pain in my heart. Gusto kong yakapin ng mahigpit si Rowin. But I don't know if that is what he needs. Or I am the one that he needs.
"Sorry. I'm sorry. Umuwi ka na muna at magpalit. I need to go somewhere tonight. Uuwi ako bukas ng gabi. Tataposin ko muna ito. "
Tumango tango ako at ngumiti. That way he would worry less. I have to look fine para mas magawa niya ang trabaho niyo. But deep inside it kills me. Sana walang ganito. I hope he won't handle dangerous cases. I hope I will not fear that one day, I won't see him home in the morning.
Pero kaakibat ng pagmamahal ko kay Rowin ang pag aalala nab aka isang umaga, hindi siya makauwi sa akin."Okay.. Mag iingat ka" Hinaplos ko ang pisngi niya at lumapit ako sa kanya. Tumiklay ako at hinalikan ko ang pisngi nito.
I watched Rowin's back as he headed to his car. Sasabihin ko nalang siguro sa tamang panahon. Hindi pa ito ang tamang panahon para ipaalala ang nangyari 10 years ago. After all it wasn't all that good. Siguro nga ay kinalimutan na niay rin ang nangyari noon. He might have forgotten about me too.
Sa dami ng taon na nawala sa aming dalawa. Nakalimutan na niya nga talaga ako..
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...