Chapter Thirteen
The Time to TrustLianne
Agad na kumilos sila Rowin nang matapos ang tawag at nang malaman namin kung nasaan ang lugar na kinaroroonan nila Jano. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa kanya na humingi ng tulong sa akin pero nagpapasalamat ako dahil tinawagan parin niya ako gaya ng sinabi ko sa kanya."Lock the doors. Huwag kang magpapapasok ng ibang tao" Bilin naman ni Rowin at nagtungo sa sasakyan niya pero hinabol ko siya
"Why?" he asked
"Sasama ako."
"What? No. No way. This is an operation of the Agency. Hindi ka pwede. "
Akmang bubuksan na niya sana ang pintoan ng kotse pero pinigilan ko siya.
"Hindi siya sasama sayo. Gusto kong masiguradong maililigtas mo nga siya"
"Are you doubting me now?" Hindi makapaniwalang sabi naman nito.
Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para makipagsagutan sa kanya"Mamaya na yan. Kailangan na nating kumilos." Lumabas si Tyron mula sa sasakyan niya para lang awatin niya kaming dalawa.
I ended up going with Rowin. Kanina ko pa naririnig ang sunod sunod na pagbuntong ng hininga niya habang nag dridrive. Siguro naiinis parin ito dahil sumama parin ako kahit ayaw niya.
Nang mrating kami ay nagmadali akong sumunod kila Gab na napatiuna sa paglalakad nang bigla akong hinila ni Rowin
Nabigla ako nang pinalakas niya ang pagkakahila sa akin kaya napaabante ko sa harapan niya at Hinawakan niya ako sa balikat ko"Maglakad ka lang. Nasa harap mo si Tyron, Nasa likod mo lang ako"
Para akong nakaramdam ng assurance na ligtas ako sa sinabi niya. Napayuko ako nang maramdaman kong nag-init ang mga pisngi ko.
Nang makalabas kami sa isang Gate ay nakarating kami sa isang lugar puno ng abandonadong sasakyan."Doon tara." Sabi ni Gab at binilisan na namin ang paglakad.
Bukas ang warehouse kaya pumasok kami doon.
Napatakip ako ng bibig nang makita ko ang mga batang naroon. Halos punit punit na ang mga karton na hinihigaan nila. May mga bata pang naka karga ng mas maliliit pang bata. Hindi ko napigilan ang luhang lumandas sa mga pisngi ko.
Naglibot libot sila Rowin at binilang ang mga bata.Nasa kukulanging Bente ang mga bata sa loob. Kasalukuyang kinakausap nila Jake ang ibang bata. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nila pero mukhang kinukumbinsi nila ang mga bata na umalis na roon. May mga nakita akong bata na sumunod sa kanya nang lumabas siya.
Nagtinginan kami ni Rowin at nagpunta siya sa kinaroroonan ko
"Sila Jake at Luke ang mag dridrive sa mga bata papunta muna sa Agency. I suggest sumama ka na sa kanila and let me handle the rest"
"Pero hindi ko pa nakikita si Jano." Sabi ko naman sakanya
"I think he is not here"
"Ano? Anong ibig mong sabihin?" Napatingala ako kay Rowin
"I think he called you because he wanted to save these kids. Hindi siya magpapakita dito kung iyon ang motibo niya. For now we save what we can then I will find him"
Huminga ako ng malalim at napayuko. I was so confident about saving him.
Unti unti naming nakumbinsi ang ibang mga batang sumama. Isinakay ni Gab at Tyron ang mga batang natitira dito sa warehouse.
Hindi pa rin ako sumama sa kanila dahil inaasahan kong darating pa si Jano. Nakita ko naman si Rowin na pumasok sa mga silid na para pang may hinahanap.
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...