Chapter Twenty One
The bloody hands that saved meLianne
Sabi ng Doctor na kahit dito na muna ako ng mga tatlong araw bago ako umuwi. Sabi niya bigla daw bumaba ang immune system ko dahil sa puyat kaya kinapitan na ako ng sakit. Nagpaalam naman sa akin ng maaga si Rowin dahil ipinatawag sila sa Agency dahil sa bagong kaso. E-enjoyin ko na muna siguro ang araw ko dito at makakapagpahinga din ako.Napatigil ako sa Nurse's Station nang makita ko ang ilang pasiyenteng naka focus sa palabas sa TV.
Breaking News ang kasalukuyang nasa TV. Isang Matandang lalake na kakalabas lamang sa kulungan at pinag hihinalaang pumatay ng dalawang dalaga sa kaalgitnaan ng gabi sa mga eskinita.
Nagulat ako nang bigla kong makita ang Chief nila Rowin na nagsasalita sa TV habang kapanayam siya ng isnag Reporter. Mukhang ito yung dahilan bakit pinatawag sila Rowin.
"This Man is dangerous, he targets girls, mga edad 18 hanggang 30. Ayon sa mga nakaraang kaso niya nakapatay na din siya ng tatlo pang highschool girls with the same method he used to our 2 victims. Sinasaksak niya ang mga biktima hanggang sa mawalan sila ng buhay"
Halos hindi ipinakita ang lagay ng mga bangkay ng biktima dahil yung iba hindi na recognizable.
"Sa ngayon ay naghahanap pa kami ng mga witness upang matukoy ang katauhan ng lalakeng ito. "
"Diyos ko po, Ano ba ang ginagawa ng kapulisan at bakit may nakatakas pang ganitong tao" narinig ko sabi naman ng isang babaeng nasa tabi ko.
Tama nga ang sinabi ni Rowin sa akin dati. Nagiging masama na ang mundo. Sana mahuli na nag lalakeng iyon bago pa siya makahanap ulit ng susunod na biktima.
Hinintay ko si Rowin buong hapon. Pero siguro busy sila sa paghahanap sa killer.
Naisip kong lumabas muna ng room ko. Nakakabagot din kase maghapon akong nakahilata at nanonood ng TV. Tamang tama rin dahil medyo malamig sa labas, Masarap mag pahangin.
"Magpapahangin ka din ba?" Napatigil ako sa paglalakad sa lobby nang makasalubong ko ang isang babae na nakita ko kanina sa Nurse Station
"Oo eh, Lalo akong magkaaksakit sa loob. Galing ka ba sa labas?" tanong ko naman sa kanya
"Hmm. Medyo inaantok na ako kaya mauna na ako" Ngumiti naman ito sa akin at napatiuna sa pag lalakad.
Umupo ako sa may Fountain at pinanood ang ilang mga batang pasyente na naglalaro. Gabi na pero enjoy na enjoy parin sila mag laro.
Nagulat ako nang bigla kong makita si Gab sa di kalayuan. Tinaas ko yung kamay ko para tawagin siya dito pero parang nagmamadali naman ito at hindi na niya ako nakita. Kasama niya kaya si Rowin?Tumayo ako at sumunod sa direksyong dinaanan niya. Nang makalabas ako sa entrance ng hospital ay hindi ko na siya nakita doon. Ang bilis naman yata niya naglakad. Naglakad nalang ako sa kung saan maari siyang nagtungo. Baka mahabol ko pa siya.
Baka nga hinahanap niya din ako dahil wala ako sa Room ko. Lagot na naman ako kay Rowin kapag nagkataon madatnan niya akong wala. Sigur iisipin na naman niyang tinatakbuhan ko ang utang naming sa kanya.
Hindi ko na alam kung san ako napadpad. Pero wala nang tao sa lugar ng hospital kung san ako nakarating. Di kaya morgue na dito?
May bigla akong narinig na parang boses ng babaeng naiiyak. Pahina ito ng pahina. Naglakad ako papasok sa isang lobby, parang abandonadong building na ito ng hospital.
Nanlaki ang mata ko nang may makita akong anino ng isang lalakeng may hawak na kutsilyo.Lumapit ako kaunti at sumilip. May nakita akong isang lalakeng sinasaksak ng paulit ulit ang isang babae.
Teka,
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...