Chapter Twenty Four
The First Ever TripLianne
Tatlong araw lang naman daw ang itatagal naming sa Ilocos. Actually hindi ako aware sa province na iyon. Dahil ngayon lang yata ako papasyal sa ibang lugar.
Mga ilang minuto rin ang nakalipas bago kami nakarating sa Airport. Napatiuna sa paglalakad si Rowin papasok. Hawak ni Rowin ang mga bagahe namin. Nandun narin lahat sila. Napansin ko si Rowin sa tabi ng isang magandang babae. Kahit nakatalikod palang ito ay makikita mong may hitsura at katawan.
Napatigil ako sa paglapit nang inakbayan ni Rowin ang babeng iyon. Tumagilid ang tingin ng babae habang nagsisitawanan sila. Ganun din si Rowin.
Parang nakaramdam ako ng selos. Hindi nagseselos nga ako. Siya itong pabanta banta sakin na huwag lalapitan ang kapatid pero andito siya! May kalandian na naman. Akala ko pa naman ay maeenjoy ko ang pasyal na ito pero parang masisira ang tatlong araw ko dun.
Bagsak ang balikat kong lumapit sakanila. Nang medyo malapit na ako ay nabaling ang tingin sakin ni Gab na sanhi ng paglingon ni Rowin sa kaakbayan nitong babae.Nang makalapit ako nang husto ay mas nakita ko ang mukha ng babae. Hindi ito karaniwang ganda lang. Makinis ang balat may pagkakulot ang buhok at ang ganda ng mata at ngiti nito. Walang wala ako sa hitsuta niya. Lalo pa akong nainis nang hindi parin tanggalin ni Rowin ang akbay sa babae.
"Lianne ito nga pala si---"
"Mauuna na ako dun" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni Rowin at nauna na akong maglakad.
I've seen how girls liked Rowin. Sino ba naman hindi didikit dito?Naramdaman ko ang pagsunod sakin ni Rowin sa likoran ko. Pero binilisan ko ang paglakad para hindi siya makahabol sa akin.
Para akong bata na nagmamaktol. Eh wala naman akong gastos dito sa pasyal na ito. Minsan walang hiya din talaga ako.
Hindi ko siya kinibo hanggang sumakay kami sa eroplano.
Nauna siyang pumasok at nakasunod ako kila Luke. Dinaanan ko lang ang inupuan niya at nagtungo sa likod. Hindi nalang ako tatabi. Siguro babae niya nag talaga yung inakbayan niya kanina. Like what he said, A travel is not complete without girls.
"Hey." Nakapikit ang mata ko nang narinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Si Rowin.Umupo sa tabi ko. Magpapanggap nalang akong tulog. Mariing pinikit ko parin ang nata ko at hindi ibinukas iyon.
"Get Up. You're not sleeping."
Minulat ko ang mata ko pero hindi ko siya tinignan.
"Naantok nako. Dun ka nalang." Malamig ang boses na pinakawalan ko. Hindi ito umalis at kahit naka shades ito, kitang kita ko ang titig nito sakin.
Napatayo ako nang sapilitan niya akong hinila. Dahil mas malakas si Rowin nagtagumpay siya sa pagpapaupo sakin kung saan ko siya nakitang umupo kanina. Tumabi rin ito sakin
"Dito ka Umupo dahil dito ako uupo."
"Bawal bang ako ang pumili kung saan ko gusto umupo? Ayoko dito"
"Then tell me why or else ihuhulog kita sa bintana pag lumipad to. Baka sakaling tumino isip mo. You're acting weird" Nagkatinginan na kaming dalawa. Para akong guilty sa harapan ng isang pulis. Wala naman yata akong kasalanan pero parang totoo ang sinasabi niya.
Hindi ko rin alam nangyayari sa sarili ko."Wala." Napahina ang boses ko.
Buti nga mahaba haba ang pasensya ni Rowin nitong mga araw.Pakiramdam ko parang umikli yung distansya naming ni Rowin sa isa't isa kaya siguro nagkakaganito na ako. Hindi ko na rin masyado nararamdaman yung takot ko sa kanya noong unang beses kami magkita.
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...