VALENTINES SPECIAL: PROMISES

206K 3.4K 208
                                    

Napasapo ako sa Noo ko at minasahe ang ulo ko. Ang sakit na ng Batok ko at Balikat. Kanina pa ang meeting namin. Nasa limang Oras na yata akong Nakaupo dito. Si Rohan hindi mo makausap ng Maayos dahil masamang masama ang mood.

Hindi kasi namin inaakala ang Biglang Pagbagsak ng Sales report ngayong Buwan. Nagback out din ang ibang Investors namin. Paniguradong Walang tulog si Rohan.

"What about you Mr. Rowin what do you think we shall do?" Nagulat ako nang bigla akong tinawag ng isang ShareHolder. Kilala ko siya pero hindi kami close. Pero alam kong hindi magandang ang ugali ng isang ito.

Napatingin si Rohan sa akin at hinintay ang isasagot ko. Pero alam ba niyang wala akong balak na sabihin?

Dahil wala naman akong alam sa Negosyo. I just sit here and listen. Pakiramdam ko wala na nga akong naitutulong. Si Rohan ang may pasan ng Negosyo. Hindi pa ako ganun kagaling sa pagpapatakbo. Pero hindi ko sinusukuan ang Trabaho ko at ipinagpapatuloy ko ang pagpunta dito sa kompanya

"Bakit mo ba siya tinatanong? Walang alam si Mr. Nieves sa Negosyo. Uupo lang yan ang magbibigay ng Command." Sabi naman nung katabi niyang Matandang Lalake na masamang masama ang Tingin

Isa sila sa mga nais magpatalsik sa akin sa pwesto. Next to Rohan, I have the greatest number of shares. Kapag napatalsik nila ako sa pwesto ko, Mas madali nilang maagaw kay Rohan ang posisyon na CEO.

Natapos ang Meeting hindi naglaon. Pero hindi ko alam kung bakit ako pinaiwan ni Rohan. Hindi ko alam pero parang ngayon lang ako natakot kay Rohan.

Madalas akong pagalitan ni Rohan. Aminado naman akong madalas akong pumalpak sa Trabaho. Pero ginagawa ko naman lahat ng Makakaya ko.

Rohan seems not to see my effort.

"Kailan ka ba matututo Rowin? Huwag mo namang Ipahiya si Dad. Ipinagmamalaki ka ni-"

"Ipinagmamalaki ka ni Dad kaya sana hindi ka maging disappointment sa kanya" Ako ang nagtuloy ng sasabihin niya

"Wala akong silbi at wala akong naiaambag kaya mas mabuting hindi nalang ako Umattend sa Meetings at mag Babysit nalang sa mga Anak kong nababayaan ko na at sa Asawa kong Halos bihira ko nang makita dahil sa Trabaho ko. "

Napatigil si Rohan at nag Iwas ng Titig sa akin

"Don't Put the Blame on me. Rowin you should know, Sitting there as if you are relaxing is not your Work. You will soon have this position. I hope you can help me to protect Dad's Company."

"No." Sabi ko sa kanya at tumayo

"I am such a big disappointment. Tama ka, Iba ako sayo eh. Magaling ka sa Business ako Magaling ako sa Baril Hindi ko alam ang mga kaya mong Gawin. You are different to me Brother, So as I am."

******************************

Ilang araw yata akong hindi pumasok. Naiwan ako sa Bahay kasama ni Reya. Si Riley ay pumapasok na sa School. DayCare na siya ngayon. Si Lianne naman ay Nagtratrabaho sa Hospital kung saan Investor din si Dad. Hinayaan ko siyang Magtrabaho dahil alam kong Pangarap ni Lianne na Makapasok sa Isang Hospital at magamit ang pinagaralan niya noong Kolehiyo

Kaya bihira ko talaga siya makita.

Hindi na gaya ng Dati na Nagkwekwentohan kami. Halos hindi na nga kami magpaalam sa isa't isa kung aalis kami papuntang trabaho.

Sa ngayon kasi ay Gabi ang Duty niya at wala naman ako sa Umaga.

Aminado akong, Napakaraming Nagbago simula nang Magkaroon kami ng Anak. Hindi lang naman iisa ang anak namin kundi Dalawa. Kaya mas kailangan naming Mag Ipon ni Lianne.

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon