Chapter Thirty

238K 4.9K 155
                                    

Chapter Thirty
The Punishment For that Bad Lips

Lianne

"Oh? Hindi ito ang inorder ko" nagulat si Nyda nang magtanggal ito ng shades at nakita niya na ako ang naglagay ng order niya

"Nakailang baso ka na ng kape. Hindi maganda kapag nasobrahan mo" Nagbuntong hininga ako at umupo sa harapan niya.

Naisip kong bigyan siya ng smoothies. Kanina pa kase ito nakaupo diyan at wala siyang ibang inorder kundi kape.

Alam ko naman na nandito ito para bantayan si Luke. Aware din ako sa banda na tutugtog dito ngayong gabi. Nakita ko na ang bandang

Mystique sa isang restaurant kung saan ako nagtrabaho dati.

Kung pasexyhan ang usapan hindi sila magpapatalo.

Hindi ko inalis ang titig ko sa kanila habang patungo sila sa table nila Rowin. Tignan mo nga naman ang hapit na hapit ang mag suot nila. Paano bang hindi ito makakaatract ng customer

"Nakakainis si Kuya. Siya pa talaga ang nagpasimuno nito!" Napakuyom ang palad ni Nyda habang tinitignan si Luke na kausap ang isang myembro

"What the f-" Galit na galit si Nyda na hinampas ang lamesa. Bago pa man siya mag lalakad ay pinigilan ko ang kamay niya

"Kumalma ka na muna. Mamaya mo na siya kausapin"

"Kalma? Kanina pa ako nagtitimpi"

Kumalas siya sa pag kakahawak sa akin at dali daling sumingit sa gitna ni Luke at nong babae. Napapikit nalang ako napailing iling. Sana lang walang eskandalo dito. Kapag si Nyda talaga napikon, Wala nang nakakapigil sa kanya
Hindi ko sinasadyang mapatingin sa lalake sa tapat ni Luke.

Nakita kong nagbubulungan pa silang dalawa at nakaakbay ang babaeng iyon kay Rowin. Yung dibdib niya dikit na dikit sa braso ni Rowin

"Sino naman kase ang hindi ma hihighblood" bulong ko sa sarili ko at napatayo

Now I feel how Nyda is frustrated, Kumulo kaagad ang dugo ko sa nakita ko. Walang kaso sa akin ang panonood ni Rowin kanina, Pero hindi ko inaasahan na pati siya ay lalandi din!
Napatigil ako sa gitna habang nakatingin kay Luke na hinila si Nyda palabas.

Ganon ba ang nangyayari sa mga walang karapatang magselos?

Pero lagi nalang din akong nagtitimpi. Lagi akong nagmumukhang kawawa at parang walang ilalaban.

Kung gusto ko talaga si Rowin, bakit napaka duwag ko?

How can I stay beside him if I am this weak?

"Excuse me po! Kumanta na daw po ulit kayo" Mukhang nagulat si Rowin sa paglapit ko dito sa table nila

"Can't you see? I am busy?" Pinagtaasan pa ako ng kilay nong babaeng kasama ni Tyron

"Kase nababayaran po ang bawat Segundo niyo dito"  Ngumiti nalang ako sa kanila pero s kaloob looban ko nasabunutan ko na sila

"Can you please go? Naninira ka lang ng date ng ibang tao. Sino ka ba sa tingin mo? Kung wala kang date umalis ka dito!" Napatayo naman yung babaeng umaakbay sa Asawa ko. Aba ang tapang ng babaitang ito. Porke malusog ang dibdib!

"Ah itong babaeng --"

Napahinga ako ng sobrang lalim dahil tuloy-tuloy ang pagsasalita ko sa kanya. Hindi siya nakaimik. It felt good, Parang naibuhos ko sa kanya lahat ng inis ko kaya naulanan siya ng talak ko.

Nang tumayo si Rowin ay nagharumentado ang buong Sistema ko. Ayan na siya,! Nakakatakot. Tatalikod n asana ako para tumakbo pero ang bilis niya at nahatak niya kaagad ang kamay ko

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon