Chapter Thirty Five

207K 4K 42
                                    

Chapter Thirty Five
The Fatherly Love

Rowin

10 Years Ago

"T-Tulong" Kanina pa ako lakad ng lakad. Naliligaw na din yata ako. Wala akong makitang tao. Napakadilim ng paligid. Wala din akong makitang sasakyan.

Nasaan ba ako?

Kanina pa nanginginig ang mga paa at kamay ko. Nagsisimula na ding bumigay ang katawan ko.
Tuluyan akong bumagsak sa sahig. Habang papikit ang mga mata ko ay narinig ko ang tunog ng kotse ng mga pulis.

Palakas ito ng palakas. Mukhang papalapit na sila.

"Bata!" Narinig ko ang sigaw ng isang lalake. Iminulat ko kaagad ang mga mata ko. Para akong nabuhayan ng loob nang makita ko ang mamang pulis na umalalay sa akin sa pagtayo.

"Anong nangyari sayo?"

"Kasalanan ko. Kasalanan ko" Napahagulgol ako sa iyak.

Dahil sa kaduwagan ko, napahamak ang buhay ng karamihan. Ako lang ang nakatakas. Hindi ako nakabalik.

"Natakot ako, Hindi ako nakatawag ng tulong kaagad."

Dinala ako ng mamang pulis sa station nila. Inalok ako nito ng kape at damit na pwede kong suotin habang hinihintay sila Daddy.
Siguro nag aalala na din sila sa akin. Ilang araw na akong nawawala.

"Natatakot ka pa ba, Bata?" Tanong ng mamang pulis nang umupo ito sa tabi ko. Hindi ako nakasagot.

"Kung, kasing tapang niyo po ako, siguro nailigtas ko din sila...." Tumingala ako sa kanya. Maigi niya akong tinitigan sa mata at bigla siyang napangiti.

"Kayang kaya mong magligtas ng iba. Pakiramdam ko mas magiging matapang ka pa paglaki mo. "

**
Isang tao lang ang dinadalaw ko sa sementeryo. That was Mia, ngayon dalawang tao na ang magiging rason ng pagdalaw ko dito.

I thought that losing someone isn't a new thing to me. Since I lost the one I love the same way. Siguro naninigil na ang kalangitan sa akin, Ito na siguro ang kabayaran ng mga kasalanan ko.

"Chief was the one who encourage me to be an agent. He helped move on from my misery, 10 years ago. "

"The Arson case." I heard Gab's voice behind me. I knew he was standing there all along.

"I think you should stop investigating it. We should focus on Chief's case. Nakatakas si Abian. Maaring susi siya sa taong pumatay kay Chief. It was his last case."

"Do you think Magnus is connected to him?" Liningon ko si Gab at saglit akong natahimik.
By hearing his name, I could feel my rage immediately.

"Pagkatapos nabaril si Chief ay nakatakas si Abian. May isang van na umabang sa atin sa Airport. That sniper works for Magnus. Siguro alam ni Chief na konektado si Abian kay Magnus kaya hinuli niya ito. Hindi lang niya sinabi sa atin. " Napakuypom ang mga palad ko at mariing kong ipinikit ang mga mata ko.

"Well, If we want to catch him as soon as possible then we should go back to the Agency."

Napatingin kami sa lalakeng nakasandal sa isang puno. Kailan pa siya nakatayo diyan?

"Chief Ortega" bati ni Gab sa kanya habang papalapit ito.

"I still don't trust you" I said

"I don't have to gain your trust, Nieves." Ngumisi naman ito nang nakakapanloko.

I don't trust him because I've never seen him take his job seriously. Siya ang pumalit kay Chief. Siya na ang bagong in-charge sa team namin.

"Abian is a wanted criminal. Hindi siya mauubusan ng koneksyon hanggat may pera siya. The real reason why the enemy saved him. He was a financer." Ani naman nito.

"If we catch Abian then we catch Magnus" saad ko naman sa kanya

"Have you ever seen Magnus' face? No one has. Mahilig lang itong magpadala ng tao niya." Napailing iling si Cap

"When I was in the Army, he was a hot topic. He had soldiers with him. Hindi ko alam kung gaano kalawak ang sakop niyang tao. We have to act carefully"

"I won't limit your methods. You can use any method you want to find Abian. " tinapik niya ang braso ko bago ito naglakad palayo.

"I kinda like him" Gab nodded as he was staring at his back

"I don't like his smile." I said.

Nang makarating kami sa Agency ay naabutan namin sila Jernie at Luke na tumatakbo palabas.

"What?" Napakunot ang noo ni Captain at sinalubong niya silang dalawa.

"Abian is dead. He was found dead in his apartment. They said it was a suicide. But I doubt it" Natatarantang saad ni Jernie.

Nanlaki ang mga mata ko sa balitang sinabi niya. Just when we are about to start investigating him saka siya mamamatay.

"Pupunta kami sa crime scene." Ani naman ni Luke. Nakita ko ang pagsulyap ni Cap sa akin.

"Rowin you should go check it out"
I can sense, It was Magnus' doing. Hindi niya talaga pinipili ang taong pinapapatay niya. I thought they work together kaya itinakas niya ito mula kay chief. He's a monster.

Nang makarating kami sa crime scene ay naabutan ko doon si Venice. Halata ang marka sa leeg nito kung saan niya itinali ang lubid. It looked like a suicide indeed.

"Magaling ang pumatay sa kanya. Wala ni isang finger prints" ani naman ni Venice habang sinusuri ang bangkay niya na nasa stretcher na ngayon. I want to punch this corpse. Lucky he is that he is already dead.

"Ilang tao pa ba ang mamatay, Gab.. Bago natin mahuli si Magnus" Napatulala ako sa bangkay ni Abian. Napahinga ito ng malalim at napatingin siya sa akin.

No matter what I do, I can't have any progress in finding Magnus. I don't even know his face. I can't use the voice that I heard in finding him.
Lahat nalang ng maari kong lead ay tinutumba niya. Just how bad that person is? Maybe he is not a person anymore.

Paano ko ba kakalabanin ang ganitong demonyo? Do I even have the ability to?

"Abian was a potential witness to him. So he killed him. " Gab hissed.

"Ano ba ang itinatago mo, Magnus?" Sinundan ko ng tingin ang stretcher habang inilalabas nila ito papunta sa ambulansya

***

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon