Chapter Fourty Nine

219K 3.9K 115
                                    

Chapter Fourty Nine
The Last Chance

Rowin
Bagong araw ulit ang sumalubong sa akin. Napadungaw ako sa bintana nang may makita kaming katawan ng isa sa mga nadakip na ibinalot nila sa tela

"Namatay daw siya sa gutom" ang sabi naman ni Arturo "Gusto na daw niyang makatakas dito. Kaya hindi daw siya kumain ng kahit ano" Napailing iling pa ito.

I wished I could tell this to everyone outside there. That there is a real hell in this world. Pero mukhang malabong makakalabas pa ako dito.

"Di ka kumain bata?"

"I want steak and pasta." I said with a playful tone. I heard him chuckled

"Nagawa mo pang isipin ang yan' bilang na ang mga araw mo. Nauubos na tayo rito.." Tumingin siya sa mga kulungan. Siguro nakalahati narin nila kami.

Hindi ko mapigilang mawalan ng pag asa. It hurts me whenever I think the possibility that I could be next. maybe not today, not tomorrow but definitely I will be.

Punong puno ako ng pagsisi, Thinking I should have enjoyed my last months with her. Atleast nadagdagan man lang ang mga alaalang naiwan sakin na kasama siya. My memories with her were the ones that kept me from going on..
That was my greatest hope to get out here. I am holding on to those.

Napatingin ako mula sa Malaking pintuan nang bumukas ito at iniluwal ang mga Armadong lalake.

"Ikaw ba si Rowin Nieves?" Napatayo ako nang tumigil sila sa harapan ng selda kung nasaan ako.
"Oo Bakit." Linapitan ko ang lalake.

"Saan niyo siya dadalhin?" Galit na tanong ni Arturo

"Wala kang pakealam!" Sigaw ng isang gwardiya kay Arturo. Pinasok nila ang selda ko at sapilitan nila akong nilabas. Hindi ako nagpumiglas, Sumama ako sa kanila at sinensyasan ko si Arturo na tumigil na.

"Hoy! Bata! Wag kang mamamatay!" Narinig kong sigaw ni Arturo. Napapikit ako. This is the day that I am going to end everything that I started.

Dinala nila ako sa itaas. Nasa ground ang mga kulungan at mukhang nasa itaas si Magnus. Madilim ang dinadaanan namin at ramdam kong maraming armadong lalake ang nakasunod sa akin kaya kahit tangkahin kong tumakas. Mamatay rin ako.

Pinasok nila ako sa isang madilim na kwarto at may isang ilaw sa gitna na tanging liwanag ng silid.

Itinulak nila ako at bago ko pa man din sila mahabol ay isinarado na nila ang pintoan.
Bigla akong nakaamoy ng usok ng sigarilyo. Lumingon ako sa likoran ko. May nakita akong isang bulto ng isang lalake. Pero hindi ko makita ang mukha niya dahil madilim ang kinaroroonan niya.

"I was right. That we will see each other again" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ulit ang boses na iyon.

Inihagis niya ang hawak na yosi sa sahig at inapakan niya ito. Matapos non' ay humakbang ito papalapit sa akin.

"Mag...nus?" Halos hindi ko mabigkas ang pangalan niya. Dahil agad akong nakaramdam ng galit at hinagpis. Napakuyom ang mga palad ako. I should be attacking him now. Pero bakit parang hindi ako makagalaw?

His voice is intimidating. It was full of thrill.

"You are really persistent and very determined. I was waiting for you to come to me" Nakaramdam ako ng inis nang marinig ko ang mahina niyang pagtawa

"I was gonna let you go and your team. But you keep coming to me. Ginamit mo rin ang anak ko para huliin ako."

"I never used her. I have no Idea she was your daughter.." Lumingon ito sakin. Lumapit siya at lalo kong nakita ang mukha niya.
Sa unang tingin hindi mo mapagkakamalang kriminal dahil may maamo itong mukha kagaya ni Lianne.

"My daughter was living her life peacefully. Until you took her" Hindi ako nakapalag nang kwinelyuhan ako nito. His eyes were trembling. I know those eyes. I wasn't expecting to him like this. I expected more heartless and cruel Magnus.
"You are blaming me about Mia. Then Let me tell you the whole story.. " Nilubayan niya ako at may kinuhang envelop ito sa bulsa ng coat niya.

"Suicidal Letter ni Mia para sayo."
Nang iniabot niya sa akin ito ay napansin ko ang pagkaluma ng papel. Pero Suicidal? Ano ang pinapalabas niya? Nagsuicide si Mia?

"Stop this non-sense. We should fight until one of us die!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"I did not Kill her!" Sumigaw din siya. Galit na Galit itong bumaling sa akin.

"She killed herself. Dahil siya ang bumaliktad. Ibinuko niya ang plano niyo sa mga kasamahan ko. I am the leader Rowin But I don't have the rule! They are the one who's killing. You have no idea how scary she is.."

"Who is she?" Magnus looked away when I asked him. This isn't what I looked forward. I can't believe I am talking with him just like an ordinary person.

"Magnus, who is on the top!?" Napasigaw ako sa galit. Hindi ko na alam ang papaniwalaan ako. All these years I chased this person?

All these years I thought Mia died just like that. Napatingin ako sa sulat na hawak ko. It wasn't for me. It was for Rohan.

So, Mia's real choice wasn't me afterall.....

"I am only receiving orders. Isa rin akong Agent na kagaya mo dati. I served the army. I believed in her visions. She is the smartest person I have ever met. Pero huli na ang lahat nang malaman kong mali ang pinasukan ko."

"You killed people. There is no excuse to that. Isa ka paring criminal!"

Susunggaban ko na siya ng kamao ko pero kakaiba ang lakas niya at napigilan niya ang kamay ko. Tinulak ako nito.

"My explanation is until here. Hindi mo na dapat malaman ang ibang detalye."

Nang tumalikod ito at saglit na natahimik ay inilabas ko ang maliit na kutsilyong itinago ko sa likod ko. I was able to sneak this knife from the guards.

Itinutok ko ito sa bandang leeg niya. I have to end this war. This should end with me.

"Even if Mia commited suicide. You were also a part of it. You also took people from me. " Napaluha ako habang nagsasalita. Kahit nanginginig ang kamay kong may hawak ng kutsilyo ay itinutok ko parin ito sa kanya.

"Rowin"

Nang lumingon ito sa akin ay napatigil ako. Papatay ba talaga ako ng tao?

Napatingin ako sa kamay ko. Kapag itutuloy ko ito mawawala na ng tuluyan ang buhay ko. I will live like a criminal just like him..

"Sir!" Bumukas bigla ang pintoan at iniluwal ang ilang mga armadong lalake

"Russians" Nag tinginan kami ni Magnus at biglang bumaling ang tingin nito sa lalakeng may hawak na baril at itinutok ito sa akin

"No Don't Shoot him!" Sigaw nito. Pero huli na ang lahat at naramdaman ko ang pagbaon ng bala sa dibdib ko..

I wished my choices were different. I should have changed my path earlier....

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon