Chapter Fourty Two
The Promise under the MoonlightLianne
Nagpumilit si Rowin na umalis kami ngayong araw. Ilang araw din niyang tinutukan ang isang kasong inassign sa kanya. Puro nga daw siya reklamo sabi ni Gab. Usually he wouldn't mind staying in the office at kahit walang tulog. Pero aga aga daw niya nag o-out.
"Resort niyo to? O ano.." Wala sa sariling tanong ko kay Rowin habang palinga linga ang tingin ko sa paligid. May beach akong natanaw at isang malaking Hall sa tapat namin na parang bahay pero ang alam ko I've been here
"Yup. This is our property. May imemeet akong businessman dito. Kaibigan ko. " Napatigil ako sa paglalakad. Papasok na sana si Rowin pero napatigil siya nang makita akong palinga linga sapaligid. Nilapitan niya ako na nakangiti
"Nakapunta ka na dito. Dito nagbirthday si Mommy dati. Akala ko nakidnap ka non'. Hindi ka lang pala namukhaan nila Gab" Napailing iling ito nang bigla niyang naalala ang gabing iyon.
Sumunod ako kay Rowin papasok. Pumasok kami sa Restaurant ng Hall nasa 1st Floor lang din naman. Nakita ko ang nginitian ni Rowin na Lalakeng kahit sa kalayuan palang tanaw na tanaw na ang kagwapuhan
.
"Jared!" Bati ni Rowin nang makalapit kami sa Lalake at sa bata. Nakita ko ang batang kumakain sa tabi niya. Ang Ganda. Napangiti ako. May pagkakulot ang bata at may kaputian. Ang ganda ganda ng bata. Yung tipong matutuwa ka talaga kapag nakita mo siya"Kumusta Pare? Ang tagal kong walang balita sayo ah. Huling kita ko sayo nung ikasal ka. Ito na ba si Athena? Wow ang ganda ganda niya. " Kinurot ni Rowin sa pisngi ang bata. Nginitian naman siya ng bata. Habang ako nasa likoran lang nakamasid. Gwardya ako eh
Masaya ang kwentuhan habang kumain kami ng Tanghalian. Doon ko nakita ang ibang Rowin. Ang Rowin na masayang nakikipagkwentuhan sa Kaibigan ang paguusapan ang mga bagay na gagawin sa buhay tulad ng pamilya o asawa. Nakakatuwa lang dahil kahit papaano, Rowin is starting to live his life.
**
I was amzed by the light coming from the Full Moon. Umupo ako sa Buhangin at pinagmasdaan ang ulap Ang ganda ng liwanag mula sa buwan. Bilog na bilog pa mandin ito.. It was Dark Blue at kumukutikutitap ang mga bituin.
"Papaayos ko yung wallpaper mo sa kwarto. Gagwin kong Night sky with moons and stars na glow in the dark" Narinig ko ang boses ni Rowin mula sa likod ko. May dala itong banig at inilapag sa Buhangin.
"You should sit here."
Nang makaupo ako ay pumwesto siya sa likod ko. Isinandal niya ang likoran ko sa katawan niya. Then he wrapped his arms around me.
"Did you read the letter I gave you?"
"Hmm"
Tuwing naalala ko ang huling sulat ni Tatay Ruel ay natutuwa ako at naluluha. Hindi lahat ng Tatay ay perpekto. But they have one thing in common. It's the love for their children.
"Hanggang ngayon iniisip ko parin kung paano kita babayaran. Konti pa ang ipon ko. " Bigla siyang napabitaw sa pagkakahawak sa akin kaya nilingon ko siya at inalis ko ang pagkakasandal ko sa kanya
"I was hoping you will tell me about Ruel tapos yung utang talaga naalala mo" Naramdaman ko ang inis sa tono ng boses nito
.
"Bakit ba? Diba kaya mo nga ako kinuha dahil doon?""Baka pagtatawanan mo ako.." bigla siyang nagiwas ng titig sa akin.
"When Ruel died, I was worried. Kahit nagsinungaling siya sa akin at nasira ang plano ko. Naisip kong may mga anak pala siya. Knowing Ruel, Naisip ko kung may iniwan siyang pera o kung ano man. Vale found you."
Pinagmasdan ko si Rowin na nakatingin sa malayo. Parang ang lalim ng iniisip nito.
"Nagbabayad si Ruel sa akin noong buhay pa siya. I saved up all of that money. Ipinapadala ko sa mga kapatid mo. So you don't have to worry about them. "
Napaawang ang bibig ko sa narinig ko mula kay Rowin. Naalala ko ang sitwasyon naming noong namatay ang Tatay. Nahiwalay ako sa mga kapatid ko. Sumunod ako sa kagustuhan ni Rowin sa pagaakalang makakabayad ako sa utang na iniwan ng Tatay.
"It was selfish to take you. Nung pinakita ka sakin ni Vale, para akong batang nakakita ng laruan na gustong iyuwi. " Tumingin siya sa akin at hinaplos ang buhok ko.
"My life was so empty all these years. I realized I really don't have something that I want."
Napatigil ito at naaptitig sa dagat. Nararamdaman ko ang mabibigat ng paghinga ni Rowin.
"Yung ibang tao, Paggising nila babangon sila para magtrabaho. May rason sila kung bakit sila nabubuhay. Ako hindi ko na alam. Nakakalimutan ko na ang pinagkaiba ng patay sa buhay. Then I saw you. You smiled like everything will be fine. Then it lightened my heart.. and my entire life. "
Hinawakan ko siya sa mga pisngi niya at hinuli ang titig niya. "I love you, always and forever" I gasped. I saw him smiled. Hinawakan niya ang mga palad kong nakahawak sa pisngi niya
"I'll hold on to your Always and Forever" bahagyang lumawaka ng ngiti ni Rowin.
**
BINABASA MO ANG
Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOM
General FictionKung sa panahon ngayon ay napakahalaga ng pera. Maniniwala ka bang maaring kapalit ng milyong milyong piso ay ang buhay ng isang tao? But it's possible. Lianne was pledged as a payment by her step-father to his debt. Ngayon ay wala na ito, Lianne w...