Chapter Fourty Eight

204K 3.8K 64
                                    

Chapter Fourty Eight
The Salvation I needed

Lianne
Hindi ko inaakala na makikita ko si Tyron na lumabas mula sa kotseng itim na pumarada sa harapan. Nagtago kaagad sa likod ko si Noel nang maglakad ito papalapit.

"Tiyang, sa loob po muna kayo" pakiusap ko sa kanila habang nakatitig lamang ako kay Tyron.

"Buntis ka nga" agad nitong saad nang malapitan niya ako. Tinignan pa ako nito mula ulo hanggang paa

"Saan mo nalaman?" Ang tanong ko naman sa kanya

"Rian told me. Nakita ka raw niya sa hospital noon bago ka umalis ng Maynila. Pero ngayon niya lang sinabi sa amin. Pinakiusapan mo daw siya na huwag ipaalam sa amin. Mukhang nakonsensya ang malditang Doctor na iyon" Napailing iling si Tyron

Nanatili akong tahimik habang naghihintay sa mga iba pang sasabihin ni Tyron. I have this feeling that he didn't came here just to see me.
Sunod sunod ang mabibigat na paghinga ni Tyron habang tinitignan niya ako. Napansin ko ring sa tuwing titignan ko siya ay umiiwas kaagad siya sa akin. Parang mayroon siyang hindi masabi sa akin.

"Sira ulo ka talaga Rowin.. Napakatarantado mo" Mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko parin ito.

"Bakit ka nga ba nandito, Tyron?"
He just stared at me. Parang kahit hindi na siya magsalita may kutob ako kung ano ang gusto nitong sabihin.

"Rowin.. is" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pangalan na iyon.

It's been a 8 months since the last time that I heard somebody else say that name.

"Rowin pushed through the hunt for your Father. 5 months ago we had an encounter. Akala namin mahuhuli na namin si Magnus. We prepared for it.. Buong Agency. But there was a bomb explosion. Mabuti na lang at hindi gaano karami ang namatay"

Nangilid ang mga luha ko habang nakikinig sa mga sinasabi ni Tyron. Please don't. Don't tell the next words that are in my thoughts.

"Ang karamihan ay nadakip ng mga bata ni Magnus. Some of them were dead also. Ang iba sa kanila ay bumaliktad na para mabuhay. We think that Rowin was one of those agents who were caught. And I am so sorry to tell you, Hindi pa namin siya nahahanap"

Tuluyang tumulo ang mga luha ko kasabay ng paninikip ng dibdib ko. 8 months ago I left his life. I abandoned everything aside from my feelings. Tiniis ko ang buhay na wala si Rowin dahil ayaw ko na siyang mahirapan gumawa ng desisyon.

"Hindi namin ipinaalam sayo dahil alam namin hindi gugustohin ni Rowin malaman mo ito."

"May paraan pa ba para mahanap si Rowin?"

"Gab has been searching for him all these months.. Dito na rin nakatuon ang trabaho namin. Before your Father kill him we must find him. "

Napatakip ako sa bibig ko at tuluyan akong napaluha. This was my choice, To run away. Ngayon ko lang naiisip lahat ng mga bagay na hindi ko nagawa.

I was complaining about Rowin's love to Mia. Pero may ginawa ba ako? I just ran away and followed Rowin's choice. I could have done something to keep him.

Kung napapayag ko lang siya na huwag nang tumuloy sa kaso..

If I could have pursued him to stay with me.. Then maybe he wouldn't have gone this far..

"You are right to find me here" Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingala kay Tyron.

"Mag-eempake ako ng kaunting gamit. Sasama ako sayo pabalik ng maynila"

Napakunot ang noo ni Tyron. Tinalikuran ko siya at akmang mag lalakad pero hinawakan niya ang kamay ko

"Ano? Hindi ako nagpunta dito para dalhin kita sa maynila. I just came here to inform you about him. Hindi papayag si Gab na madamay ka dito. Lalo na't buntis ka pa"

Kumalas ako sa pagkakahawak ni Tyron sa akin at huminga ng malalim. I should stop being coward. Pagod na pagod na akong sumunod sa mga gusto ng kapalaran na mangyari sa buhay ko.

"May alam akong paraan para mahanap si Rowin. Gab should hear me first.."

"Fine. Dahil isa ka ring Nieves. Alam kong hindi ka makikinig sa akin. But before that.. Take this"
Iniabot ni Tyron sa akin ang isang papel. "It's Rowin's letter for you"

Kaagad kong kinuha ang papel at nagtungo sa loob. Kinuha ko ang ibang damit ko sa closet na dadalhin ko pabalik ng Maynila.

Umupo ako saglit sa kama habang tinititigan ang papel na ibinigay ni Tyron. Nang binuksan ko ito ay sulat kamay nga ni Rowin.

Lianne,

Alam kong hindi na dapat ako mangengealam sayo. Dahil ako ang nagdesisyong isuko ka. Pero hindi kita makalimutan.

I just want to tell you these things that I couldn't incase I can't tell it in person anymore. Hindi ko alam kung tama pa ba ang paninindigan ko. Lagi kong iniisip na dapat ang hustisya ay makamtan ng kahit na sino. So I started this crusade because I want justice. Hindi ko matanggap. Hindi ko kayang magpatawad. I felt so unfair. All these years I live with the anger in my heart. But as I go on this case I am losing the real reason why I became an agent. Naging Agent ako dahil gusto kong maging matapang at protektahan ang mga tao sa buhay ko. But I realize I am becoming more like your Father..

Pinakawalan kita dahil pakiramdam ko iyon ang tama. But why do I feel like I have made the biggest mistake in my life? I had the chance to live my life and then again I lost it.

I loved you like you are my home

I loved you like you are the cup of coffee to my mornings

I loved you like you are the moon and stars that lightens the whole sky.

So how can I live without a home I can call? How could I enjoy mornings without coffee? I lost my way once again because I also lost my light.

**

Slave Of The Mafia Boss (Mafias Series # 1) PUBLISHED UNDER PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon