-Two-

266 8 1
                                    

"YOW! Wazzup ma'men!" biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Ezekiel at pumasok sina Sean Veloso, Greg Bautista at Walter De Guzman. Mag-bestfriends kasi silang apat since college. Gaya niya, silang tatlo ay mga CEO din ng mga sarili nitong mga kompanya. The difference is the three of them are happilly married. Siya na lang ang nag-iisang single sa kanilang apat.

"Anong masamang hangin ang nagdala sa inyo dito?" binitawan niya muna ang papel na hawak niyang kailangan niyang pirmahan at hinarap ang tatlong nagu-guwapuhang mga lalaki. Pero syempre mas gwapo siya kesa sa kanila. "Nandito na naman ba kayo para guluhin ako? Sinasabi ko sa inyo, may shotgun akong nakatago sa ilalim ng lamesa ko. Baka gusto niyong makatikim ng bala?"

"Pare naman!" sigaw ni Greg. "Salamat na lang pero busog na kami, eh. Hindi na namin kailangang tumikim ng bala ng shotgun mo."

"Gusto mo ikaw ang unahin ko?"

"Joke lang naman. 'To talaga ayaw mabiro."

Umupo siya ng maayos at binasa ulit ang papel. "What do you want?"

"Ikaw." sagot ni Sean.

Tiningnan niya ang mga kaibigan niya. "Ako? Bakit anong kailangan niyo sa'kin?" takang tanong niya.

"Pare, kumain ka na ba?" tanong ni Walter.

"Bakit? Ililibre mo ako?"

"Ulol. Halos puno na nga ang bank account mo ng pera mo tapos magpapalibre ka pa. Ikaw dapat ang nanlilibre."

"Wala na kayong mga pera?"

"Wala na, eh. Pautang naman, pare." sabi ni Sean.

Tiningnan niya ang mga kaibigan niya saka siya napailing. Alam niya kung sa'n tutungo ang usapang 'to. They wanted him to take a break. Kaso ayaw niya talagang mag-break kasi mabo-bored lang siya kapag nag-break siya. Boredom kills him. Pero dahil sa kakulitan ng tatlong 'to, na dinaig pa ang kakulitan ng mama niya, hindi niya mapigilang tumanggi dahil kukulitin at kukulitin lang siya ng mga 'to hanggang sa pumayag siya.

"Fine. Saan niyo ba gustong kumain?" sabi niya.

Naghiyawan naman ang mga kaibigan niya.

"May alam akong coffee shop. Malapit lang 'yun dito sa building mo, Zeke." sabi ni Sean.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Coffee shop?"

"Yeah." tumango ito. "I went there yesterday. And man! Their coffees are the best! Talagang mawawala ang pagod mo kapag natikman mo ang kape nila don."

"Talaga, pare? Subukan kaya nating pumunta sa coffee shop na 'yan?" tanong ni Walter.

Coffee shop? Never heard of it. At bakit naisipan pa nilang sa isang coffee shop sila mag-break? They can just go to any restaurants or a five star hotel. Bakit sa coffee shop pa?

"Can we just go to a restaurant instead?" tanong niya sa mga kaibigan niya.

"Pare, sawa na kami sa mga restaurants. Let's try something new." sabi ni Greg.

"Fine. Kayo ang bahala."

--

PAGKATAPOS maghilamos ni Shane ay pinunasan niya ang mukha niya gamit ang panyo niya saka siya humarap sa salamin sa girl's comfort room.

Tinitigan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Ang haggard ng mukha niya. At 'yung eyebags mas lalong umitim. Nagmumukha na tuloy siyang zombie. Hindi siya pwedeng humarap sa mga costumers na ganyan ang itsura niya. Baka mawalan sila ng gana.

Halos umaga na kasi siya nakauwi kahapon dahil nag-overtime siya sa trabaho niya dun sa isang bookstore. Kaya kaunti lang ang naging tulog niya.

Kakapasok niya lang dito sa coffee shop at dumiretso siya sa girl's comfort room upang magpalit. Hindi na nga siya nakaligo, nakapag-toothbrush o nakakain man lang dahil sa pagmamadali niya. Buti na lang at alerto ang kambal dahil paggising na ay nakahanda na silang umalis upang pumasok ng paaralan. Ang mama niya ay nagpahinga sa ospital kasama si Edwardo o mas prefer niyang tawagin siyang Edna, ang bestfriend niyang bading nung college pa siya.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon