-Three-

219 8 0
                                    

GABI na nang makauwi si Shane mula sa kaniyang trabaho sa isang bookstore. Pagpasok niya sa loob naabutan niya ang kambal na nag-aaral sa kanilang sala. Naka-squat ito at nakapatong ang mga braso sa center table. May mga nakapalibot na libro at may hawak pa silang ballpen. Mukhang nakatulog ang mga 'to habang nag-aaral. Tiningnan niy ang relong pambisig. Its already 11:25 in the evening.

Lumapit siya sa kambal at mahinang tinapik ang balikat nito. "Shai, Jai. Gumising kayo."

"Hmm? Ate?" sa wakas ay nagising na din silang dalawa.

"Bakit dito kayo natutulog?"

"Hinihintay ka kasi namin." sagot ni Jaira habang kinukusot nito ang mga mata.

Hinaplos niya ang buhok ng kambal. "Hindi niyo na dapat ako hinintay pa. Sige na pumunta na kayo sa kwarto niyo at matulog."

Hinalikan niya sa noo ang kambal bago ito pumuntang kwarto. Naupo naman siya sa sofa at humiga. Isa lang kasi ang kwarto nila kaya pinaubaya na niya 'yun sa kambal at dito na lang siya sa sofa matutulog.

Pinikit niya ang kaniyang mga mata. Pagod na pagod siya and at the same time, gutom na gutom. Mula umaga hanggang gabi ay pandesal at tubig lang ang kinain niya. Ayaw niyang gastusin ang perang naipon niya. Dibale nang magutom siya, huwag lang ang pamilya niya. Idadaan niya lang ito sa tulog at mawawala na din ang matinding gutom na 'to.

Ilang minuto pa lang siya nakatulog nang biglang tumunog ang kaniyang cellphone. Hindi ito gaya ng ibang cellphone na pang-sosyal. Mumurahin lang ang binili niya. Bumili siya ng cellphone kung sakaling may emergency.

Hinalungkat niya ang kaniyang cellphone sa bag at nang makita na niya iyon ay sinagot agad niya ang tawag.

"Hello?" antok na sagot niya.

"Shane, anak..."

Awtomatikong nawala ang antok niya nang marinig niya ang boses ng kaniyang ina.

Napabalikwas siya ng bangon. "Ma..."

"Andiyan ka na ba sa bahay?"

"Opo."

"Mabuti naman. Akala ko nagpapagabi ka na naman sa trabaho mo."

Napakamot siya sa kaniyang ulo. "Actually, ma. Kararating ko lang dito sa bahay."

"Ano? Anak, pinapagod mo na naman ba ang sarili mo?"

"Ma, okay lang naman po ako. Huwag kayong mag-alala sa'kin."

"Pinapaalala ko lang sa'yo na huwag mong masyadong pagurin ang katawan mo. Kung napapagod ka na, magpahinga ka. Hindi naman masama kung magpahinga ka kahit isa o dalawang oras man lang."

"Okay, ma."

"Sina Shaira at Jaira tulog na ba?"

"Opo. Andun na po sila sa kwarto."

"Pasensiya ka na talaga, anak, kung nahihirapan ka na sa sitwasyon natin. Ako dapat ang nagtatrabaho at hindi ikaw."

Huminga siya ng malalim. "Ma, hindi mo naman kailangang humingi ng sorry. Ginagawa ko 'to lahat para sa pamilya natin."

"Kung hindi lang sana tayo iniwan ng ama mo hindi ka sana maghihirap ng ganiyan upang buhayin tayo."

Hindi agad siya nakapagsalita. Hanggang ngayon andun pa rin ang galit sa puso niya nang iwan sila ng kanilang ama.

"Ma, andiyan ba si Eduardo? Pwede ko ba siyang makausap?"

"Andito ako, girl!" sigaw ni Eduardo mula sa background. "Naka-loudspeaker kasi ang phone ko kaya dinig na dinig kita. At ilang beses ko bang sarabihin sa'yo na Edna ang pangalan ko. Nakakaloka ka talaga."

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon