-Thirty Five-

153 7 5
                                    

"Hoy!"

Napatalon ako ng biglang bingsak ni Hazel ang pagkakasarado ng locker.

Hinampas ko siya sa braso. "Anong problema mo?"

"Eh kanina ka pa kasi nakatitig dyan sa singsing na yan. Para kang timang. Alam kong bigay yan ni superman na boyfriend mo at alam kong hanggang ngayon ay kinikilig ka pa rin kasi hindi ka makaget-over pero please lang, let me remind you na kailangan na nating magtrabaho kundi wala tayong ipapakain sa pamilya natin kung hindi tayo kakayod. Okay? Kaya ikaw imbes na titigan mo yang singsing mo na hindi naman yan mawawala sa daliri mo, hala magtrabaho na tayo."

Napatulala ako sa litanya niya ng makalabas na siya ng staff room. Anong nakain ng babaeng yun at nagkaganun yun? Abno lang.

Sinarado ko ang locker ko at lumabas ng staff room. Pinusod ko ang buhok ko habang naglalakad papuntang counter.

"Wala pa bang order?" Tanong ko kay Mandy.

"Wala pa." Sagot niya.

Nakatayo lang ako sa counter habang pinagmamasdan ang mga tao sa loob ng coffee shop. Maya-maya ay biglang tumunog ang phone ko.

"Excuse me ha?" Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng uniform ko.

"Ayiiiee! Tumatawag si superman!" Kinikilig na sabi ni Hazel. Sinenyasan ko siya na tumahimik.

Since wala pa namang nag-order, nagpunta muna ako sa staff room.

"Hello?"

"Hello, Love. Are you busy?" Si Ezekiel nga, pero bakit parang ang tamlay ng boses niya?

"Hindi naman. Bakit?"

"Nothing. I just want to hear your voice."

"Okay ka lang? Bakit ang tamlay ng boses mo?" Nag-aalala ako sa kaniya.

"I'm fine." Fine daw pero narinig ko siyang umubo. Ako pa niloloko ng lalaking 'to.

"Ezekiel, okay ka lang ba talaga?"

Narinig ko siyang napabuntong-hininga. "Medyo masama lang ang pakiramdam ko, Love."

Kitams? Sabi ko na nga ba eh! Hindi pala siya fine. Psh.

"Uminom ka na ba ng gamot?"

"Yes. Kaninang umaga bago ako pumunta dito sa opisina."

Tumango ako. Tapos narinig ko ang boses ng secretary niya. Pinapapunta na daw siya sa meeting nila.

"I need to go, Love. Tatawagan na lang kita pagkatapos ng meeting ko." Sabi niya.

"Okay. Ingat ka dyan. Huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo."

"I won't. Bye. I love you."

Hindi ko mapigilang mapangiti. "I love you, too."

Pagkatapos ay binaba na niya ang tawag. Napatitig ako sa screen ng cellphone ko tapos napabuga na lang ako ng hangin. Magiging okay lang kaya siya?

Bumalik ako sa counter pagkatapos kong makipag-usap kay Ezekiel.

"Oh, anong sabi ni superman? Pupunta ba daw siya dito?" Tanong agad ni Hazel saken.

Umiling ako. "Masama ang pakiramdam niya."

"Oh no. May sakit si superman? Why oh why?" Arte ni Hazel sabay hawak sa pisngi niya. "Puntahan mo siya, Shane."

"Bakit naman?"

"Gaga!" Hinampas niya ako sa braso. "Girlfriend ka niya diba? Kailangan mo siyang alagaan."

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon