-Thirty Four-

115 4 0
                                    

Please VOTE, COMMENT AND SHARE this story. I really need your support guys.

Thankies! :)

--

"E-Ezekiel..." usal ko sa pangalan niya habang patuloy na umaagos ang luha ko.

Lumapit siya saken at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luha ko gamit ang hinlalaki niya. "Hey, it's your special night. Why are you crying?"

Dahil sa inis ko ay pinalo ko siya sa dibdib niya kaya napa-aray siya. "Kainis ka! Nakakainis ka! Nakakainis ka talaga!" Sigaw ko. "A-akala ko w-wala ka ng pakialam saken! A-akala ko h-hindi mo na ako kakausapin!"

"Love--ouch! Masakit yun ah."

"Masasaktan ka talaga saken, tukmol ka! Galit ako sayo! Alam mo ba yon! Ha?! Galit na galit ako sayo dahil hindi mo ako kinausap ng isang buwan! You hear me, Mr. Montefalcon! Isang buwan! Tapos ngayon magpapakita ka saken! Ang sama mo!"

"Love.. hey." Nahawakan niya ang magkabilang kamao ko.

Napayuko ako. "A-akala ko... h-hindi mo na ako mahal..."

"Pwede ba yon? Love, alam mong mahal na mahal kita."

"Kung mahal mo ako bakit hindi mo man lang ako kinausap?! Ni text o tawag wala akong natanggap mula sayo! Nagmukha akong tanga sa harap ng pamilya at mga kaibigan ko dahil para akong wala sa sarili kaiisip sayo! Pati trabaho ko naaapektuhan na din! Ang sama mo! Ang sama-sama mo!"

"I'm sorry..." niyakap niya ako.

"I'm sorry din." Niyakap ko siya ng mahigpit at binaon ang mukha ko sa dibdib niya. "I'm so so sorry. Please huwag ka ng magalit saken."

"Hindi na ako galit sayo."

"Pero nagtatampo ako sayo."

Natawa siya tapos hinalikan niya ang buhok ko. "Huwag ka ng magtampo. I love you.."

Hindi ko mapigilang mapangiti. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita saken?" Nakangusong tanong ko sa kaniya.

"Because..." pinulupot niya ang braso niya sa beywang ko. "I wanted to surprise you." Hinalikan niya ang ilong ko. Hindi ko mapigilang matawa.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Come. Hinihintay ka na nila."

Magtatanong sana ako ng bigla niya akong hinila sa kamay. Nagpunta kami sa likod nung hugis puso na ilaw.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko.

Tumingin siya saken tapos ngitian niya lang ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Hinayaan ko na lang siyang hilahin ang kamay ko.

Nakarating kami sa may gate ng likod nitong garden at doon ay may naghihintay na itim na kotse. Pinagbuksan niya ako ng pinto kaya pumasok ako sa loob. Nagpunta naman siya sa kabila tsaka pumasok pagkatapos ay umalis na kami.

Pinisil ko ang kamay niya.

"Nervous?" Tanong niya.

"Medyo. Hindi ko alam kung ano 'tong binabalak mo."

Natawa siya at hinalikan ang ulo ko. "You're going to love it."

Maya-maya ay huminto ang kotse. Titingin sana ako sa labas ng bigla akong pinigilan ni Ezekiel.

"Before you go outside, I have to put this on to you first." Tapos tinakpan niya ng tela ang mga mata ko.

"Bakit kailangan mo pang takpan ang mga mata ko?"

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon