"Yael, saan tayo pupunta? Hindi ito and daan papuntang coffee shop." Sabi ko kay Yael habang nagmamaneho ng motor niya.
Ang alam ko kasi pa-straight lang yung dinaanan namin eh. Bakit lumiko siya?
"Yael, ano ba. Saan mo ba ako dadalhin ha?"
"Basta. Kumapit ka lang."
"Ano?"
Tapos bigla niyang binilisan ang pagdrive ng motor niya. Halos malaglag nga ako dahil sa sobrang bilis buti na lang at nakahawak agad ako sa polo niya.
Dinala niya ako sa isang playground. Walang mga batang naglalaro dito. Kami lang.
"Bakit tayo nandito?" Tanong ko kay Yael. Tiningnan ko siya.
Nagkibit-balikat lang siya tapos umupo sa bakanteng swing. "Kapag malungkot ako o umiiyak pumupunta ako sa lugar na 'to." Sabi niya.
Lumapit ako sakanya at umupo sa bakanteng swing sa tabi niya. "Lagot tayo kay manager kapag nalaman niyang wala pa tayo don sa coffee shop."
"Alangan namang ibabalik kita don na ganyan ang mukha mo."
"Bakit? Anong meron sa mukha ko?" Tiningnan ko siya.
"Tingnan mo oh." Sabay turo sa mga mata ko. "Namamaga ang mga mata mo. Halatang umiiyak ka. Sigurado akong babatuhin ka ng tanong nina Mandy at Hazel kung bakit ka umiiyak."
"Halata ba?"
"Ay hindi. Joke ko lang yon."
Tiningnan ko siya ng masama. Nagpeace sign lang siya.
"Ewan ko sayo, Yael." Inirapan ko siya at tumingala na lang ako at pingmasdan ang asul na kalangitan.
"Mahal mo siya noh?"
Napatingin ako sakanya. "Ano?"
"Hindi ka naman iiyak kung hindi mo siya mahal. Ganyan naman talaga ang pag-ibig diba? Hindi mo maiwasang masaktan."
"Yael... a-ano bang sinasabi mo?"
"Hindi mo naintindihan ang mga sinasabi ko kasi hindi mo pa naranasang magmahal. Alam mo bang seryoso ako sa panliligaw ko sayo..." Tumingin siya saken. "Yung pang-aasar ko sayo. Ang pagbibigay ko sayo ng rosas. Lahat yon ginagawa ko para lang magustuhan mo din ako. Pero wala eh. Wa epek pa rin. Hanggang sa dumating sina Sir Tyler at Sir Ezekiel. Mas lalong wala akong pag-asa sayo. Mayaman sila eh. Maganda ang pangangatawan. Habulin ng mga babae. Eh ako? Anong panama ko sakanila? Itong kaguwapuhan ko? Eh mas gwapo pa nga ang kuko nila sa paa kesa sa mukha ko eh." Mapait siyang tumawa.
"Yael..."
"Okay lang ako, Shane. Okay lang talaga ako. Ganito naman talaga kapag nagmahal ka eh. Handa mong palayain ang taong mahal mo para sa ikaliligaya niya." Yumuko siya. Nakita ko ang butil ng luha na pumatak galing sa mata niya.
Hindi ako sumagot. Nasasaktan ako para kay Yael. Seryoso talaga siya sa nararamdaman niya para saken? Akala ko nagbibiro lang siya. Ang hirap talaga kapag wala kang alam sa mga jowa-jowa na yan.
"I'm sorry..." Mahinang sabi ko.
Inangat niya ang ulo niya at tiningnan ako. Ngumiti siya saken pero halata pa rin na nalulungkot siya. "Don't be. Kasalanan ko naman eh. Kasi pinilit ko ang sarili ko sayo kahit na alam kong sa huli ay mababalewala lang ako. Kaya huwag kang humingi ng tawad."
Tumayo ako at pumunta sa harap niya. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at niyakap siya.
"Hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo para saken, Yael..." bumitaw ako sa pagkakayakap sakanya at tiningnan siya na may ngiti sa aking labi. "Pero alam mo, sobrang nagpapasalamat ako sayo. Kasi nandyan ka sa mga panahong nalulungkot ako, napapasaya mo ako sa mga korning jokes mo. Nung nagkaproblema ako sa pamilya ko. Andyan kayo nina Mandy at Hazel. Kayong lahat sa coffee shop. Tinuturing ko na kayong pangalawang pamilya ko. At sobrang blessed ako dahil nakilala ko kayong lahat. Thank you very much." Hindi ko mapigilang maluha. "Isa ka sa mga espesyal kong kaibigan, Yael. At yun lang ang maibibigay ko sayo."
BINABASA MO ANG
Love You Like Crazy
RomanceUnang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa dalaga. Panay ang pagpapapansin at pagpapa-cute niya sa tuwing pupunta ito sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shane bilang isang waitres...