-One-

820 13 7
                                    

   "BOSS, may naghahanap po sa inyo sa phone." sabi ni Bochoy, isa sa mga bodyguards niya. Hawak nito ang phone niya.

   Umahon naman si Ezekiel mula sa kanyang mala-olympic size na swimming pool. He brush his wet hair using his fingers. Dumadaloy naman ang tubig sa kanyang mala-greek god na katawan.

   "Sino daw?" tanong niya. Inabutan naman siya ng robe ni Edu, isa rin sa mga bodyguards niya. Agad niya 'yung sinuot.

   "Si Señorita po."

   Napabuntong-hininga siya. Kinuha niya ang phone mula kay Bochoy. "Yes, mom?" umupo siya sa puting silyang malapit sa kanyang pool.

   "Son, how are you?" tanong ng kanyang inang si Elezia.

   "Hm, I'm okay. Still breathing and moving." biro niya. Dala ni Mando ang isang pineapple juice at nilapag sa lamesang nasa harap niya. "Thank you."

   "Son, nakakatampo ka na talaga. Hindi ka man lang tumawag sa'min. Kailan ka ba talaga susunod dito sa Paris?"

   Ngayon kasi ang Anniversary ng mga magulang niya at andun sila ngayon sa Paris. Kaso gustong-gusto ng mama niya na pati siya ay papuntahin sa Paris.

   Anniversary nga, diba? Bakit kailangan niya pang sumama? Magmumukha lang siyang chaperon don.

   "Mom, you already know the answer to your question. Sinadya ko talagang huwag sumama kasi gusto kong mag-enjoy kayong dalawa diyan."

   "Pero mas mag-e-enjoy ako kapag kasama ka namin."

   "Sorry, mom. Busy ako sa company, eh."

   "Oh, nonsense! Hindi naman babagsak ang isang business empire kapag iniwanan mo ng isa o dalawang linggo lang. Just leave it to your employees."

   "I can't. I'm the president so I can't leave the company. Pa'no kung magkaroon ng emergency tapos wala ako?" nilipat niya sa kabilang tenga ang phone. "So, kailangan ako ng mga employees ko."

   Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng mama niya. "Manang-mana ka talaga sa ama mo. Pareho kayo workaholic."

   Nagkibit-balikat siya. "Its in the genes, mom." natatawang sabi niya.

   "Fine. Hindi na kita pipilitin if that's what you want. Basta huwag mo masyadong pagurin ang sarili mo at huwag mo masyadong lunurin ang sarili mo sa trabaho. Do you understand, Shawn Ezekiel Montefalcon?"

   "Yes, mom. Copy that. Oh, by the way, where's dad? Hindi ko naririnig ang boses niya sa background."

   "He's here. Sleeping like a baby. Mukhang napagod yata sa pamamasyal namin kanina."

   "Mukha namang nag-enjoy kayo diyan kahit papaano."

   "Boss, may naghahanap po sa inyo." biglang sabi ni Edu.

   "Wait a sec, mom." nilayo niya muna ang kanyang phone at hinarap si Edu. "Who?"

   "Si Ms. Cassie po."

   Kumunot ang noo niya. Ano naman ang kailangan niya?

   "Hey, mom. I need to hang-up. Magpapahinga muna ako." sabi niya sa kanyang ina.

   "Okay. Mag-ingat ka diyan. I love you."

   "I love you too, mom." then he ended the call. Hinarap niya muli si Edu. "Andiyan ba siya sa labas?"

   "Opo. Papapasukin ko po ba?"

   "No. Tell her wala ako dito and--"

   "Honey!"

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon