-Five-

200 6 1
                                    

HINDI mapakali si Shane habang nakaupo at kaharap si Ezekiel. Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa orasan. Kailangan na talaga niyang umuwi. Nag-aalala siya sa mga kapatid niya. Sila lang dalawa ang naiwan sa bahay.

Sinulyapan niya si Ezekiel na umiinom ng cappuccino. Hindi pa ba siya tapos? Kailangan ko na talagang umuwi!

Nilapag ni Ezekiel ang tasa pagkatapos niyang uminom. He lick his lips. Hindi naman maiwasan ni Shane ang mapatitig nang gawin 'yun ng binata. He looks so sexy while doing that!

"Do you want to go home?" Tanong ni Ezekiel.

"Oo. Kanina pa." Pagtataray niya.

Imbes na magalit ay ngumiti si Ezekiel sa kanya. Ngayon lang niya napansin na may dimples pala ito sa magkabilang pisngi.

"Ihatid na kita." Tumayo si Ezekiel. Tumayo na din siya.

"Huwag na. Kaya kong umuwi mag-isa." At naglakad siya palabas ng coffee shop.

Ilang oras na siyang nakatayo sa may bus stop para pumara ng bus o di kaya ay taxi o kaya ay jeep. Pero sa tuwing may dadaan ay puno ito. Mapa-taxi man o jeep. Pati ang taxi ay wala ding patawad sa kanya.

Paano siya makakauwi sa kanila? Maglalakad na lang siya?

Umupo siya sa bench at hinilamos ang kanyang palad sa kanyang mukha.

Napansin niyang may anino ng kotse ang huminto sa tapat niya. Tumingala siya at nakita niya si Ezekiel na kakalabas lang ng kotse niya.

Hanep sa kotse, ah. Ang ganda.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng binata sa kanya.

"Kumakanta at nagra-rap. Tss." Sarcastic niyang sabi. Wala bang utak ang lalaking 'to?

"Sabay ka na lang sakin. Ihahatid na lang kita."

"Sabi ng---"

"Kaya mong umuwi mag-isa. I know." Putol ni Ezekiel. "Pero hayaan mo sana akong ihatid ka."

"Bakit mo ba 'to ginagawa ha?"

Bahagyang nagulat ang binata sa tanong ni Shane. "Because... A-ayoko lang na mapahamak ka. Ang dami pa namang mga manyak sa ganitong oras."

Ano? Tama ba 'yung narinig niya? O baka guni-guni niya lang 'yun?

"Anong sabi mo?"

"Ang sabi ko baka nag-aalala na sayo ang pamilya mo. Kaya sumabay ka na sakin."

Hindi naman 'yun ang sinabi niya, ah.

"May bayad ba kapag sumakay ako sa kotse mo?"

Ezekiel chuckled. "Of course no. Where did you get that kind of idea?"

"Naninigurado lang."

Pinagbuksan siya no Ezekiel ng pinto. Ang gentleman. Pumasok siya sa loob ay nagpunta naman si Ezekiel s kabila. Sa tanang buhay niya, ngayon lang siya nakasakay ng ganito ka-high class na kotse.

"Saan ka nga pala nakatira?" Ezekiel asked as he started the engine.

Sinabi niya ang address niya. Pagkatapos ay umalis na siya. Pagkarating niya sa bahay niya ay bumaba na siya ng kotse ni Ezekiel. Bago siya pumasok kinatok niya muna ang bintana ng kotse nito. Binaba ni Ezekiel ang salamin upa vng masilayan ang mukha ng dalaga.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon