-Twenty Two-

144 4 3
                                    

Hapon na rin kaming nakarating sa Ezperanza, Camotes. Napagod nga ako sa biyahe namen eh. Pero itong kambal parang hindi man lang nakaramdam ng pagod. Ang taas pa nga ng energy eh.

"Lolo! Lola!" Tumakbo agad ang kambal nang makita nila sina Lolo at Lola.

"Diyos ko, dalaga na man diay mong duha oy." Natutuwang sabi ni Lola nang yakapin siya ng kambal.

"Diyos ko. Dalaga na man diay mong duha." Natutuwang sabi ni Lola.

Lumapit ako sakanila. "Lola, Lolo." Nagmano ako sakanila.

"Ikaw na, Shane? Puryabuyag, kadako na ba nimo. Sauna gamay pa man ka katong naa pa mo diri sa imong Mama." Hinaplos ni Lola ang pisngi ko tsaka niya ako hinalikan sa noo.

Ngumiti ako kay Lola.

"Kaguwapa na nimo, Shane. Naliwat ka sa imong Mama." Sabi naman ni Lolo.

"Nay, Tay." Lumapit din sakanila si Mama at niyakap sila.

"Kumusta man ka sa Manila, Cecille?" Tanong ni Lola kay Mama.

"Okay lang."

"Maayo gani nakakita kana. Pila ka tuig kang naa didto sa Manila para magpa-opera sa imong mata?" Tanong ni Lolo.

"Siguro mga siyam na katuig, Tay."

Habang nagkukwentuhan kami ay napansin ni Lola si Ezekiel sa likod ko. Sinulyapan niya ito. "Kinsa man na? May kuyog kayo?" Tanong ni Lola.

"Ah, Lola. Siya si Ezekiel Monteverde. Kuwan, amigo nako." Sagot ko.

"Amigo nimo? Dili diya nimo nobyo?" Tanong naman ni Lolo na ikinagulat ko.

"Dili Lolo oy!"

"Ayaw ug paniwala ana ni Ate, Lolo. Nobyo man na niya. Denial lang gyud na siya." Singit ni Jai. Pipingutin ko sana siya sa tenga nang bigla siyang magtago sa likod ni Mama.

"Aba'y ipaila-ila sad na siya namo, Shane."

"Eh... o-oh sige."

Nilapitan ko si Ezekiel na nakasandal sa kotse niya. "Gusto ka raw makilala nina Lolo't Lola." Sabi ko pagkalapit ko sakanya.

Hindi siya nagsalita kaya sumunod siya saken. Pagkalapit niya kina Lolo at Lola, napanganga silang dalawa.

"Puryabuyag! Ka gwapo man diay nimong binata!" Sabi ni Lola tapos hinaplos-haplos ang mukha ni Ezekiel.

"May dugong Amerikano ka ba?" Sunod namang tanong ni Lolo.

"Uh, yes po. Akong Papa kay Amerikano tapos akong Mama kay Pilipino. Didto ko nagdako sa Amerika." Sabi ni Ezekiel na ikinabagsak ng panga ko. Did I hear it right?!

"Kabalo diay ka mag-binisaya, iho?" Namamanghang tanong ni Lolo kay Ezekiel.

"Gamay ra." Ngumiti si Ezekiel sakanila tapos nakipagtawanan pa siya.

"Oh sige na. Ali, sulod mo. Pasudla sad nang inyong bisita." Tukoy ni Lola kay Ezekiel.

Unang pumasok sa bahay sina Mama at ang kambal kasama sina Lolo at Lola.

Nilapitan ko si Ezekiel at kinalabit ko siya. "Marunong ka palang mag-bisaya?"

"Yup."

"Paano?" Kunot-noong tanong ko.

"I've face a lot of investors with a Cebuano accent." Kibit-balikat niyang sabi. Tumango lang ako.

"Tara pasok na tayo sa loob."

Ngumiti siya aken at pumasok na din kaming dalawa.

"Ibutang ninyo ang mga bag sa kwarto didto sa itaas. Shane, kahibalo man ka asa nga kwarto akong gipasabot diba?" Sabi saken ni Lola.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon