EZEKIEL
"SIR?" napakurap ako nang biglang magsalita ang secretary ko. "Okay lang po kayo, sir?" tanong ni Fred. Yes, lalaki ang secretry ko.
"What were you saying?" I asked him.
"May meeting po kayo in 30 minutes with Mr. Chua regarding about the meeting yesterday. Pupunta po ba kayo?"
I blink my eyes several times. "I'll go. Makikipag-meet ako kay Mr. Chua."
"Okay, sir." tiningnan niya ang kanyang iPod. "Nagpa-reserve na po ako ng restaurant kung saan kayo pwedeng mag-meet."
"Okay. Thank you, Fred. You can go back to your table."
Ngumiti siya saken at lumabas ng opisina ko. Napabuntong-hininga ako. Binuksan ko ang loptop ko at bumungad saken ang picture ni Shane na ginawa kong background. Napangiti ako habang tinitigan ko nakangiti niyang litrato. Kuha ito ng private investigator ko. Hindi alam ni Shane na pinasusundan ko siya ng mga tauhan ko.
Ginalaw ko ang mouse and open the file named 'SHANE KAZUMI NISHIDA-MONTEFALCON'.
And there, I saved her stolen pictures. Mga litrato na kuha sa iba't ibang anggulo. Litratong nakahikab siya, bored ang mukha, pokerface, nakangiwi, galit, and most especially, ang pinakapaborito kong litrato ay ang nakangiti siya.
Sa sobrang dami ng litrato niyang naka-save sa loptop ko mukhanf kulang pa yata ang isang folder lang. Mukhang kailangan kong magpagawa ng isa pang folder.
"Brad!" biglang bumukas ang pinto tsaka pumasok sina Sean, Greg at Walter.
Mabilis kong sinarado ang loptop ko. Baka makita ng tatlong 'to ang pictures ni Shane at tuksuhin pa nila ako.
Ang tatlong itlog, feel at home sa opisina ko. Si Sean umupo sa sofa habang nakataas ang paa sa may center table at kumuha ng magazine. Si Walter, umiinom ng tubig at si Greg naman kumuha ng apple mula sa basket tsaka kumagat.
"Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila.
"Yeah, good morning to you, too." the three eggs said in unison.
"Patambay dito sa office mo ah?" tiningnan ko si Sean ng masama.
"Get your feet off the table or else ihahagis kita sa labas ng bintana."
"Grabe siya. Malinis naman ang sapatos ko ah?" sabi ni Sean.
"Ibababa mo yang paa mo o ako mismo ang puputol dyan. You choose."
"Sabi ko nga ibababa ko na eh. Ito naman hindi makapaghintay." binaba niya ang mga paa niya.
"Ano ba talaga ang ginagawa niyo dito?" naiiritang tanong ko.
"Gusto ko lang ipaalam sayo na sa Sabado na ang birthday ni Wendy." sabi ni Walter. Wendy is his one and only daughter. Spoiled yon sa daddy niya.
"Really?"
"Oo. She wants you to be there. Her favorite ninong." umupo si Greg sa couch while habang ngumunguya.
"I also love that kid. Kahit na spoiled siya sa daddy niya." nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Walter.
Nagkibit-balikat siya. "What can I say? She's my one and only princess kaya natural lang na ibigay ko sakanya kung ano ang gusto niya. Palibhasa kasi sating apat, ikaw na lang ang wala pang asawa." sinundan niya ito ng tawa.
Kinuha ko ang fountain pen ko at binato sakanya pero nakailag siya.
"I'm not ready yet." sabi ko.
"Kailan ka naman magiging ready? Kapag matanda ka na at uugod-ugod?" tanong ni Greg. "Zeke, you're already 26. Ang daming babae ang nagkakandarapa sayo pero ni isa wala ka man lang napupusuan?"
BINABASA MO ANG
Love You Like Crazy
RomanceUnang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa dalaga. Panay ang pagpapapansin at pagpapa-cute niya sa tuwing pupunta ito sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shane bilang isang waitres...