-Sixteen-

134 5 2
                                    

Pupunta ba ako? Huwag na lang kaya? Nakakahiya eh. Tapos wala naman akong kakilala don sa party ng anak ng kaibigan ni Ezekiel. Magmumukha lang siguro akong tanga don. Hay...

Huminga ako ng malalim.

"Excuse me." Nagbalik ako sa realidad.

"Y-yes?" Tanong ko sa babaeng customer na kaharap ko.

"Gusto ko sana nitong choco cappuccino at strawberry shortcake."

"Okay, Mam." Sinulat ko sa maliit na notebook ang order niya. Pumunta akong counter at binigay ang order sa table number 9.

"Akala ko ba may lakad ka ngayon?" Tanong ni Hazel.

"Mamayang alas kwatro pa." Sagot ko. Nag-text kasi siya saken kagabi. "CR muna ako."

Nagpunta ako ng CR at naghugas ng kamay. Pagkatapos ay lumabas ako at bumalik sa trabaho.

"Shane, may naghahanap sayo. Tyler daw ang pangalan." Sabi ni Daphne saken.

Si Tyler hinahanap ako? Himala. Tatlong araw ko n siyang hindi nakikita at tatlong araw na din niya akong hindi kinukulit.

Nagpunta ako sa counter. Nakita ko si Tyler na nakaupo sa table number 2 malapit sa glass door. May hawak siyang menu at mukhang pumipili siya kung ano ang oorderin niya.

Lumapit ako sakanya. "Hinahanap mo daw ako?" Tanong ko.

Inangat niya ang ulo niya at ngitian ako. "Forever."

"Tatlong araw na kitang hindi nakikita dito sa coffee shop. Ngayon ka lang napadalaw ulit."

"Bakit? Na-miss mo ako?" He winked at me.

Inikutan ko siya ng mga mata. "Kapal ng mukha mo."

"Pasensya na kung hindi ako nakadalaw dito sa coffee shop. Marami kasi akong inasikaso sa opisina."

"So, bakit mo nga ako hinahanap?"

"Wala lang. Na-miss kita eh. Yung boses mo pati na din ang maganda mong mukha. Ikaw kasi ang stress reliever ko." Pinatong niya ang siko niya sa lamesa. "I so damn miss you, Forever."

Kikiligin na ba ako sa mga sinasabi niya?

"Kung wala kang balak umorder, baka pwedeng umalis ka na?"

"Tapos nakong mag-order. Kanina pa." Bigla siyang tumayo at hinila ang upuan sa harap niya. "Join me. Have a seat."

"Ha? Anong pinagsasabi mo?"

"Gusto kong kumain kasama ka. Let's have a date here in your coffee shop."

"May sira ka ba sa ulo? Ayoko. May trabaho pa ako, Tyler." Pero hindi niya ako pinansin. Hinawakan niya ang kamay ko at pinaupo ako sa upuang nasa tapat niya. "Tyler! Huwag ka ngang ma--"

"10 minutes, Forever. Pagbigyan mo na ako. Pagkatapos ng 10 minutes aalis na din naman ako kasi babalik ako ng opisina." Bumalik siya sa upuan niya. Sa harap ko.

"Bakit andito ka kung may trabaho ka pa pala?"

"I just want to see you. Bawal ba? Sabi ko naman sayo diba? Ikaw ang stress reliever ko. Kapag nakikita kasi kita nawawala agad ang pagod ko."

"Baliw ka talaga."

"Baliw na baliw sayo." Sabay kindat saken.

Dumating na yung order niyang dalawang caramel coffee at pancakes. "Enjoy kayo sa date niyo." Sabi pa ni Hazel.

"Hindi ito date." Sabi ko sakanya.

Hindi siya nagsalita pero ngitian niya lang ako pagkatapos ay umalis na siya. Napailing ako.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon