The number you have dialled is either unattended or out of coverage area. Please try your call later.
Binaba ko ang cellphone ko at napatitig sa screen nito. Napabuntong-hininga na lang ako tsaka binalik sa bulsa ang cellphone.
"Shane, pakidala naman ito sa table number three."
"Okay."
Kinuha ko ang tray na may nakapatong na order at nagpunta sa table three.
"Here's your order. Enjoy." Inisa-isa ko ang paglagay ng mga order nila. Tatalikod na sana ako ng bigla kong mabunggo si Dorothy dahilan upang malaglag ang dala niyang tray at lumikha ng ingay.
Napatingin sa gawi namin ang mga tao.
"I-I'm sorry." Yumuko kami ni Dorothy.
"Pasensya na kung nabunggo kita, Dorothy." Paumanhin ko.
"Okay lang." Kinuha niya ang tray. "Eh ikaw? Okay ka lang ba? Parang kanina ka pa wala sa sarili mo eh."
"Okay lang ako."
"Sigurado ka?"
Tumango ako at bumalik sa counter.
"Hindi pa rin kayo bati noh?" Tumingin ako sa likod at nakita ko si Hazel.
"Hindi. Ayaw niya kasing sagutin ang tawag ko."
"Baka naman busy lang yung tao."
"Busy? Saan naman?"
"Sa trabaho, malamang. Duh?"
Hindi na lang ako nagsalita pa.
"Joke lang! Hahaha. Kahit siguro busy si Superman I'm sure may oras naman yun para sayo."
"Oras? Isang linggo na nga niya akong hindi tinatawagan eh."
"Uuuuy. Nami-miss na niya si Ezekiel!"
"Heh! Magtigil ka diyan!"
Patuloy pa rin siya sa pang-aasar saken. Minsan talaga ang sarap ding sabunutan nitong si Hazel eh.
Nagpunta na lang ako sa staff room upang kunin ang panyo ko ng may marinig akong boses sa loob.
"Okay. Sige. Makakaasa ka. Bye." Boses yun ni Mandy ah.
Lumayo ako ng kaunti ng biglang bumukas ang pinto at lumabas si Mandy. Nagulat pa siya ng makita niya ako.
"S-Shane.. kanina ka pa diyan sa labas?" Tanong niya.
"Hindi naman. Bakit?" Takang tanong ko sa kaniya.
"W-wala. Sige punta muna ako sa counter." Tapos nagmadali siyang umalis.
Hindi ko mapigilang magtaka. Anong nangyari kay Mandy? Tsaka sino kaya ang kausap niya kanina?
Ng makuha ko na ang panyo ko bumalik ako ng counter.
"Oh my gosh! Andito ka nga!"
Nagulat ako ng makita ko si Trisha na kumakaway habang palapit saken.
"Trisha?"
Niyakap niya agad ako ng makalapit siya saken. "Oh my gosh! I can't believe na magkikita tayo dito!"
"Dito kasi ako nagtatrabaho."
"I did not expect this!"
"Ako nga din eh. Asan nga pala si Trace?"
"Nasa school siya ngayon. Anyway, have you already make up your mind about my proposal?"
"Proposal?" Anong proposal?
"About you joing my modelling agency?"
Ngumiti ako ng tipid. "I don't know, Trisha. I'm not really into modelling."
BINABASA MO ANG
Love You Like Crazy
RomanceUnang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa dalaga. Panay ang pagpapapansin at pagpapa-cute niya sa tuwing pupunta ito sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shane bilang isang waitres...