-Twenty Seven-

136 3 0
                                    

Shock was written on Cassy's face when she saw us. Galit na galit siyang nakatingin saken na kulang na lang ay itapos niya ako palabas ng building na to.

"What the fuck are you doing here, you waitress?!" Galit na tanong ni Cassy.

Nanatili akong kalmado habang nakatingin sakanya.

Binalingan nito si Ezekiel. "Honey, what is the meaning of this? What is that waitress doing here in your office?"

"Kumakain kami ng lunch. Obvious ba?" Ako na ang sumagot.

Masamang tingin ang pinukol niya saken. "Shut up, you bitch! Hindi ikaw ang kinakau--"

"Cassy, tama na!" Natigilan siya at the same time nagulat dahil sa sigaw ni Ezekiel. Pati ako nagulat din sa sigaw niya. "I won't let you call her a bitch because she's not."

"So now kinakampihan mo siya?! Ezekiel, how about me?"

Napabuntong-hininga si Ezekiel. "Just get out, Cassy."

Nagulat si Cassy sa sinabi ni Ezekiel. "W-what? Hindi ako ang dapat na pinapalabas mo kundi ang babaeng to!" Sabay turo saken. Tapos nagulat na lang ako sa sumunod na nangyari. Sinampal niya ako. Sa sobrang lakas ng pagkakasampal niya parang bumakat yung kamay niya sa pinsgi ko. "You bitch! Get the hell out of here, you hear me?! Get away from Ezekiel because he's mine! Remember that!"

Sasampalin niya ulit sana ako nang hawakan ni Ezekiel ang kamay nito. "Don't you dare hurt my girl." Bakas sa boses niya ang sobrang galit.

Nakaramdam ng takot si Cassy. Ngayon ko lang nakitang ganun kagalit si Ezekiel. Binitawan niya ang kamay ni Cassy at nilapitan ako. Hinawakan niya ang mukha ko at inangat yun upang magkapantay ang mga mukha namin.

"Are you okay?" Yung galit kanina napalitan ng pag-aalala.

"Parang bumakat yung kamay niya sa pisngi ko. Ang sakit niyang manampal." Sabi ko. Ang hapdi eh.

"Damn it." He cussed.

"Honey, why are you defending her?" Narinig kong tanong ni Cassy.

Dahan-dahang lumingon si Ezekiel sa dalaga. I can saw anger in his eyes.

"Palalampasin ko muna ang ginawa mo ngayon, Cassy. Pero sa oras na saktan mo ulit si Shane. Ako na mismo ang makakaharap mo."

"Honey, why are you mad at me? Galit ka ba dahil sinaktan ko ang babaeng yan? I thought you like me." Mangiyak-iyak na sabi ni Cassy.

"Yes. I admit I like you. I like you as my little sister only. Hanggang don lang."

Nakita ko ang pagyukom niya sa kanyang kamao. "At sino ang gusto mo?! Siya?!" Sabay turo saken. "Ang waitress na yan ang gusto mo?!"

Naging seryoso ang mukha ni Ezekiel. "Hindi lang siya basta waitress lang. Siya ang babaeng mahal ko." Hinawakan niya ang kamay ko at nilapit sakanya. "I love her, Cassy."

Napanganga si Cassy. "I can't believe this! I don't fucking believe this!" Hysterical niyang sigaw. Tapos tiningnan niya ako ng matalim. "You! You stole him away from me, you bitch!"

Susugurin niya sana ako upang sampalin ulit pero tumama ang palad niya sa matipunong dibdib ni Ezekiel na siyang humarang saken. "I told you, I won't let you hurt my girlfriend." Nakakapanindig-balahabo ang boses ni Ezekiel. "Leave, Cassy."

"But, honey..."

"Why can't you just accept na siya ang mahal ko at hindi ikaw?"

"Hindi ko matatanggap yan! Ako ang nauna sakanya! Ilang taon mo na akong kasama, Ezekiel! Kaya hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng yan! Akin ka lang, Ezekiel! Akin lang!"

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon