-Twenty Eight-

145 4 0
                                    

SHANE

Wala akong pasok ngayon sa trabaho kasi day-off ko kaya para hindi ako mabored dito sa bahay ay naisipan kong maglinis na lang.

Bigla ko tuloy naalala si Ezekiel nung panahon na nilinis namin ang bahay. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na walang kaartehan sa katawan ang boyfriend kong yun.

"Anak, tama na muna yan. Ako na lang dyan. Magpahinga ka na." Narinig kong sabi ni Mama.

"Okay lang po ako, Ma. Malapit na din po akong matapos dito. Isang banlaw na lang po at isasampay ko na tong mga damit." Sabi ko kay Mama.

Sa ngayon, naglalaba ako. Hindi ko naman hahayaan na ang Mama ko ang maglaba kahit na sabihin niyang kaya naman niya.

Pagkatapos kong isampay ang mga damit namin pumasok ako sa loob. Napansin kong umilaw ang cellphone ko na nakapatong sa may center table. Kinuha ko ito.

Incoming call...

Ezekiel<3

Sinagot ko ang tawag niya. "Hello, Ezekiel?"

"Hi, Love. Can you come here at my house?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Bakit?" Kunot-noong tanong ko sakanya. This is new. I've never been to his house before. Ano kaya ang itsura ng bahay niya?

"I need you here." Tapos may narinig akong sigaw. Parang boses ng isang bata. "Trace, get away from there!" Sigaw ni Ezekiel.

"Uh, Ezekiel? Okay ka lang ba dyan? Bakit may naririnig akong boses ng bata?"

"I'm not okay. I really need you here, Love. I need your help. Please?"

"O-okay. Pupunta ako dyan." Kahit nalilito ako kung bakit niya ako pinapunta sa bahay niya. "Pero hindi ko alam ang address ng bahay mo."

"Ipapasundo na lang kita dyan sa driver ko. He'll be there in ten minutes. Okay?"

"Okay."

"I love you---Trace! Give me back my phone!"

Mukhang may gulo yata sa bahay ni Ezekiel. Napailing  na lang ako.

"Si Ezekiel ba yung tumawag?" Lumabas si Mama galing kusina.

"Opo. Pinapapunta niya po ako sa bahay nila."

"Bakit daw?"

"Ewan. Basta pinapapunta niya lang po ako." Kibit-balikat kong sabi. "Magbibihis lang po ako, Ma."

Nagtungo ako ng kwarto at nagbihis. Simpleng white jeans at green shirt lang ang sinuot ko tapos sapatos and ready to go na. Bumaba ako. Pagkababa ko sakto din na may narinig akong busina sa labas ng bahay namin.

Binuksan ko ang pinto. Ganun na lang ang gulat ko nang makita ko ang driver ni Ezekiel sa tapat ng bahay namin. Bilis niya ah?

"Sino yan, anak?" Tanong ni Mama.

"Driver po ni Ezekiel. Pinapasundo niya po ako kasi hindi daw siya makakapunta dito." Hinarap ko si Mama at hinalikan siya sa pisngi. "Magiging okay lang po ba kayo dito, Ma?"

"Oo naman. Kaya puntahan mo na si Ezekiel. Sigurado akong hinahanap ka na niya." Sabi ni Mama. "Pakisabi na rin kay Ezekiel na dumalaw naman siya minsan dito sa bahay. Na-miss ko tuloy sng binatilyong yun."

"Opo." Lumabas ako ng bahay at nilapitan ang driver ni Ezekiel.

"Miss Nishida?" Tanong saken ng driver.

"Ako nga po."

Binuksan niya ang pinto sa likod ng kotse. "Sakay na po."

"Salamat po." Sumakay ako. Pagkatapos ay umalis na kami.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon