-Six-

163 6 2
                                    

Simula ngayon gagamit nako ng PoV. Hirap pala kapag Third Person's PoV ang lagi mong ginagamit. Hindi ako sanay. Hehe.

So anyways, happy reading! =)

***

SHANE

    NAKASAKAY ako ngayon sa kotse ni Tyler. Papunta kami sa mall at bibili ng pagkain para kay Mama. Ayaw ko sanang sumama kaso kapag si Mama na ang nagsabi hindi ako makakatanggi.

    Buti sana kung si Eduardo ang kasama niya eh.

    "Shane, okay ka lang ba?" Tanong niya.

    "Hindi." Sagot ko habang nakatingin ako sa labas ng bintana.

    "Haha. I knew you would say that."

    Huminto ang kotse niya sa tapat ng mall. Nauna siyang lumabas at lumabas na din ako at pumasok kami sa loob. Hindi ko alam na may bukas na mall pa pala aa mga oras na 'to.

    Kumuha siya ng basket. "Ano nga pala ang paboritong pagkain ng Mama mo?" Tinignan niya ako.

    Nagkibit-balikat lang ako. "Hindi naman pihikan si Mama sa pagkain. Kahit ano kakainin niya."

    "Hm.. Okay. Tara don tayo." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila.

    Konti lang ang mga taong nandito kasi nga gabi na. Kuha lang siya ng kuha pero hindi naman niya tinitingnan kung magkano ang price. Tss. Yabang lang ah.

    "Mahilig ba sa chocolates ang mga kapatid mo?" Tanong niya habang may hawak na tobleron.

    "Hindi ko alam.. Siguro?"

    Tumawa siya. Ano naman ang tinatawa-tawa niya? Napa-praning na yata ang lokong 'to. "You're so cute." Kumuha siya ng sampung tobleron ay lahat yon nilagay niya sa basket.

    "Pwede bang bitawan mo na ang kamay ko?" Pansin ko kasing kanina pa niya hawak ang kamay ko.

    "Ayoko. Baka kasi tumakas ka at iiwan mo ako."

    "As if gagawin ko yon." I rolled my eyes on him.

    Kanina pa kami namimili ng kung anu-ano. Halos puno na nga yung basket eh. Sana pala push cart na lang ang kinuha niya kung ganito din pala kadami ang bibilhin niya.

    "Mabigat ba? Gusto mo ako na magdala ng basket?" Tanong ko sa kanya. Nakapila na kasi kami ngayon sa counter.

    "Nah. It's not thay heavy. Kaya ko pa naman."

    Tiningnan ko siya. Pansin ko ang mga pawis niya sa noo niya kahit naka-aircon dito sa loob ng mall. Hayy, kawawa naman ang lalaking 'to. Siya na nga ang nagdala ng basket siya pa ang magbabayad. Wala naman yata akong naitulong dito eh. Para saan pa at dinala niya ako kung ang gagawin ko lang naman pala ay sumunod sa kanya.

    Kinapa ko yung pantalon ko at kinuha ang panyo ko. "Oh. Magpunas ka nga ng pawis mo." Sabay abot sa kanya ng panyo ko.

    "Don't worry. Gwapo pa din naman ako kahit pawisan diba?" Then he winked at me.

    I looked at him with a pokerface. Wala talagang pinipiling lugar ang kayabangan ng lalakong 'to. Tss.

    "Lapit ka nga muna." Sabi ko sa kanya.

    "Bakit?" Nilingon niya ako ng nagtataka.

    "Basta."

    Sumunod naman siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko. At since hawak niya ang isa kong kamay kaya itong isang kamay ko na lang ang ginamit ko para punasan ang pawis niya sa noo niya.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon