-Eight-

155 6 2
                                    

   BINIGYAN ko ng tubig si Dorothy. Andito kami nina Hazel, Mandy, ako at Tyler sa staff room. Oo, andito din si Tyler. Staff room nga diba? Para sa mga staff. Kelan pa siya naging staff dito?

   "Okay ka na, Dorothy?" Tanong ni Mandy kay Dorothy na nakaupo sa upuang gawa sa kahoy.

   Tumango si Dorothy.

   "Salbahe din ang babaeng 'yun! Sasabubutan ko siya eh!" Galit na sigaw ni Hazel.

   "Resbakan kaya natin, Hazel?" Tanong ni Mandy.

   "Tumigil na nga kayo." Saway ko sa kanila.

   "Salamat nga pala Shane ah." Mahinang sabi ni Dorothy.

   "Wala yun, ano ka ba."

   Tiningnan niya si Tyler. Tapos tingin ulit sakin. "Salamat din sa boyfriend mo, Shane."

   Nanlaki ang mga mata ko. "Hindi ko nga siya boyfriend."

   "Hindi pa. Pero malapit na niya akong sagutin." singit ni Tyler.

   Hinampas ko siya sa braso. "Kapal talaga ng pagmumukha mo! Sipain kita palabas eh!" tiningnan ko ulit si Dorothy. "Hindi ko talaga siya boyfriend."

   "Hweeh?" Tiningnan ako nina Mandy at Hazel at pinanlakihan nila ako ng nga mata. Hinamapas ko sila sa mga balikat nila. Mga baliw talaga.

   "Ano nga pala ang pangalan mo, kuya?" Tanong ni Dorothy.

   "Tyler De Vega." Pakilala ni tukmol.

   "Maraming salamat, Tyler." Tinanguan lang siya ni Tyler. "Shane."

   "Hm?"

   "Pano kapag nalaman 'to ni manager pagbalik niya?" Alalang tanong niya. "Sigurado ako magagalit siya kapag nalaman niya ang tungkol dito. Matatanggalan din ako ng trabaho."

   Hindi ako nakaimik. Ni isa samin walang nagsalita. Oo nga pala, umattend pala si manager sa isang meeting. Ano na lang kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang nangyari? Malamang, Shane magagalit yun.

   "Hindi ka mawawalan mg trabaho." Sabi ko.

   "Shane..."

   "Ako ng bahalang magpaliwanag kay manager tungkol dito. Basta magpahinga ka na lang muna, Dorothy." Tinapik ko ang balikat niya. Napatingin ako sa orasan. "Tapos na pala ang trabaho ko dito. Kailangan ko mg pumunta sa susunod kong trabaho."

   "Maraming salamat talaga, Shane." Muling pasasalamat ni Dorothy. Ngitian ko siya. Pagkatapos ay lumabas ako ng staff room. Ay hindi, kasama ko palang lumabas si Tyler.

   "Wala ka bang balak bumalik sa trabaho mo?" Tiningnan ko si Tyler. Nagkibit-balikat lang siya. "Kung ganyan ka din naman katamad sa trabaho mo ba't hindi ka na lang mag-resign?"

   "Sigurado ka bang ikaw na lang ang magpapaliwanag sa manager mo tungkol kanina?" Tanong niya.

   Tiningnan ko siya saglit. I sigh. "Oo. Hindi ko naman hahayaang mawalan ng trabaho si Dorothy. Wala na ang mama't papa niya at siya na lang ang bumubuhay sa apat niyang magkakapatid. At dahil hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral kaya ito lang ang trabaho na meron siya."

   "Paano ka? Paano kung mawalan ka din ng trabaho? May pamilya ka din naman na binubuhay diba?"

   I lick my dry lips. "Ewan ko. Kung sakaling matanggal, edi maghanap ng ibang trabaho. Ang dami-dami kaya dyan."

   "Shane, hindi ganun kadaling manghanap ng trabaho."

   "Alam ko. Bumalik ka na sa trabaho mo. Baka masesante ka pa dahil sakin."

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon