"Pag-ibig na kayaaa? Pareho ang nadarama ito ba ang simulaaa? Di na mapipigilan!"
Iyan ang naabutan ko pagpasok ko ng coffee shop. Nakita kong kumakanta si Hazel habang nagmo-mop ng sahig. With matching kembot pa ng pwet niya. Nakatalikod siya saken habang walang sawa siyang kumakanta pero wala naman sa tono yung pagkanta niya. Feel na feel talaga niya sng kanta eh noh? Lokaret talaga ang babaeng to eh.
"Pag-ibig nga itooo? Sana'y di matapos ang nadaramang itooo! Pag-ibig nga kaya itooo!" Pagharap niya nagulat pa siya nang makita niya ako. Ginawa pa talaga niyang mic ang hawakan ng mop eh. Napatakip ako mg bibig ko. "Kanina ka pa dyan?" Tanong niya.
"Kararating ko lang." Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. "Galing mong kumanta ah. Sintunado."
Napasimangot siya. "Ang sama mo! Ang ganda kaya ng boses ko!"
"Maganda nga. Makabasag pinggan yang boses mo."
Mas lalo siyang sumimangot. "Heh! Porket may lablayp ka na ginaganyan mo nako! I so hate you, Shane!" Tapos nag-walk out ang babae dala ang mop. Nagpunta siyang kusina.
Nagtaka ako sa kinikilos niya. Anyare don? Nagdrama bigla? Kanina lang feel na feel pa niya ang pagkanta niya.
Lumapit ako kay Mandy na kasalukuyang nagpupunas ng counter. Ay oo nga pala, close muna ngayon ang coffee shop kasi sinabihan kami ni manager na may general cleaning daw kami ngayong araw. May bibisita kasing mga foreigner dito bukas tapos iinspeksyunin nila ang coffee shop.
"Anong nangyari kay Hazel?" Tanong ko kay Mandy.
Nagkibit-balikat lang siya. "Ewan ko sa babaeng yun. May sira na naman ang utak. Pabago-bago ng mood eh." Tinukod niya ang isa niyang kamay sa counter. "Baka may dalaw?"
"Oh baka naman hiniwalayan?"
"Narinig ko yon!!"
Pareho kaming napalingon ni Mandy sa kusina nang marinig namin siyang sumigaw. "Hindi siya ang nakipaghiwalay saken! Ako! Kasi manloloko siya! Niloko niya ako! Napakasinungaling niya!" Nagmartsa siya palapit samen ni Mandy. "Ginawa ko naman lahat eh! Pero kulang pa rin! Narinig niyo?! Kulang pa rin! Saan ba ako nagkulang?! Ha?! Sagutin niyo ako saan ako nagkulang?!"
"Hoy!" Sinapak siya ni Mandy. "Babae ka. Huwag kang sumigaw hindi kami bingi!"
"Ang sakit nung sapak mo ah."
"Break na kayo ng boyfriend mo?" Tanong ko kay Hazel.
Tumango siya. Nagkatinginan kami ni Mandy. "Bakit?" Sabay naming tanong.
"Gago siya eh. Nakita ko siyang may kasama. Eh mukang hipon naman yung babae! Sarap nilang lampasuhin sa sementadong daan eh! Nanggigigil talaga ako sa kanilang dalawa!"
"Huuuy, kalma ka nga." Sabi ko haban hinahagod ang likod niya. Umuusok na ang ilong pati na rin ang tenga niya sa galit.
"Kaya pala narinig kitang umiiyak sa cr pagdating ko dito." Sabi ni Mandy.
"Umiiyak ang puso ko't sumisigaaaw!" Biglang dumating si Yael na lumabas galing sa kusina. May suot siyang headset tapos may dala pa siyang mop. Feel na feel din niya ang pagkanta eh. "Pati ang isip ko't damdamin ay humihiyaaaw!"
Napangiwi ako dahil wala sa tono yung pagkanta niya.
"Buhay kong ito ay walang halagaaa!"
Pinanood lang namin siya habang nagmo-mop siya ng sahig.
"Kung ang pagmamahal mo ay mawawala paaa haaa! Umiiyak--" nang mapansin niyang pinanood namin siya natigil siya sa pagkanta.
Si Hazel ang sama ng tingin niya kay Yael habang kaming dalawa ni Mandy naman naka-pokerface lang.
BINABASA MO ANG
Love You Like Crazy
RomansaUnang kita pa lang ni Shawn Ezekiel Montefalcon kay Shane Kazumi Nishida ay na-love at first sight siya sa dalaga. Panay ang pagpapapansin at pagpapa-cute niya sa tuwing pupunta ito sa coffee shop kung saan nagtatrabaho si Shane bilang isang waitres...