-Twenty Nine-

118 3 0
                                    

Andito kami sa may swimming pool sa liko ng bahay ni Ezekiel. Dito daw kasi gustong kumain ni Trace at the same time gusto din niyang mag-swimming.

Naka-indian sit ako habang pinapanood kong maglaro sina Trace at Ezekiel. Si Trace ay nakasakay sa hugis barko nitong salbabida hababng si Ezekiel naman ay nagpanggap na pating at kunwaring inaatake niya si Trace. Napangiti ako habang pinanood ko sila. Kanina lang magkaaway sila at pinag-agawan nila ako tapos heto silang dalawa at naglalaro. Kitang-kita ko na mahal ni Ezekiel si Trace.

"Tito Zeke, I'm hungry na po. Kain po muna ako." Sabi ni Trace kay Ezekiel.

Umahon silang dalawa mula sa pool. Lumapit ako sakanilang dalawa na may dalang tuwalya. "Magpunas ka." Binigay ko kay Ezekiel ang tuwalya. Ayoko siyang punasan noh. Baka magkasala ako ng wala sa oras eh. Lalo na't nakahubad siya at nakaharap saken ang napakaganda niyang katawan at to the point na basa pa siya na mas nakakadagdag ng pagiging hot niya.

Wooh! Bigla akong pinagpawisan. Kailangan ko ng tubig na may ice! Ang hot eh!

Habang pinupunasan ko si Trace hindi ko rin maiwasang mapatingin kay Ezekiel na kasalukuyang nagpupunas din. From his wet hair, down to his broad shoulders, down to his chest and of course his proud eight pack abs.

Nakaka-tempt ang katawan niya. Bwisit!

Bigla siyang lumingon kaya agad akong umiwas. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagpupunas kay Trace.

"Tito Zeke, kailan babalik sina Mommy at Daddy?" Tanong niya kay Ezekiel.

"Gabi pa sila makakauwi, Tray." Sagot ni Ezekiel habang may dalang plato na may spaghetti. "Why? Did you miss your Mommy and Daddy already?"

Ngumuso si Trace tsaka dahan-dahang tumango. "I miss them already." Malungkot na sabi nito.

Nakaramdam ako ng lungkot para kay Trace. Mahirap talagang mahiwalay sa mga magulang. Napagdaanan ko na yan. Ang kaibahan nga lang, hindi na kami babalikan ng ama namin.

"Lika nga dito." Binuhat ko siya at pinaupo sa kandungan ko. Ayoko siyang nakikitang malungkot. "Ang lungkot ng baby ko." Tapos hinalikan ko siya sa pisngi niya. "Gusto mo, pasyal tayo?"

Dahil sa sinabi ko nagliwanag ang mukha niya. "Opo! Gusto ko po yan! Pasyal po tayo!"

Napangiti ako. Bumalik na ulit ang sigla sa mukha niya. Binalingan ko si Ezekiel. "Mamamasyal tayo. Sama ka. Okay?"

"Like I have a choice." Lumapit siya saken at hinalikan ako sa pisngi. "Magbibihis lang kami ni little monster." Tapos kinuha niya saken si Trace. "Hintayin mo na lang kami sa living room."

--

"Ate Shane, let's go there!" Sigaw ni Trace sabay turo sa arcade.

Hindi pa nga ako sumagot nang bigla niya akong hinila papunta don. Leaving Ezekiel behind us. Bumili muna siya ng tokens tapos pumili na siya kung ano ang lalaruin niya.

Una niyang nilaro ay ang baril-barilan. May hawak siyang laruang baril habang nakatutok sa screen na may mga zombies. Nang magsawa na siya sa baril-barilan don naman siya sa bumpcars. Kaming dalawa ni Trace ay nakasakay sa kulay red na bumpcar tapos si Ezekiel naman sa kulay green. Tawa kami ng tawa habang nagmamaneho at binabangga ang mga bumpcars namin. Mukhang nag-enjoy naman si Trace sa paglalaro dito sa arcade.

Nang makaramdam siya ng gutom naisipan naming kumain sa Jollibee, utos ni Trace yan. Gusto sana ni Ezekiel don sa McDonalds pero ayaw naman ni Trace kasi daw pang-brokenhearted lang daw ang pwedeng pumasok don. Natawa ako sa sinabi niya. Pang-brokenhearted lang daw? Saan naman niya nakuha ang ideyang yan?

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon