-Twenty-

119 4 1
                                    

Nasa labas kami ng kwarto. Taimtim akong nagdasal para sa operasyon ni Mama. Nakaupo ako habang katabi ko ang mga kapatid ko. Pati sila ay nagdadasal din para sa kaligtasan at successful na operasyon.

Sinundo ni Ezekiel ang kambal sa paaralan nila at sinabi din niya na ngayon o-operahan si Mama.

Katabi ko si Ed habang nakasandal sakanya sina Jaira at Shaira. Ilang oras kaming naghintay hanggang sa makatulog ang kambal pari na rin si Ed.

Huminga ako ng malalim sabay hilamos ng mukha ko. Kinakabahan ako. Pano kung hindi magiging successful ang operasyon?

Biglang may nag-abot saken ng kape. Tumingala ako at nakita ko si Ezekiel.

"Take it." Sabi niya.

Tiningnan ko ang inabot niyang kape tsaka ko tinanggap. "S-salamat..."

Umupo siya sa tabi ko habang umiinom siya ng binili niyang kape. Uminom din ako. "Ayos ka lang?" Narining kong tanong niya.

"Sa totoo lang, kinakabahan ako..." tiningnan ko ang hawak kong kape. "Kinakabahan ako para kay Mama."

"Everything's going to be fine." Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's trust God. He'll know what to do. Hindi niya pababayaan ang Mama mo."

Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti. Kahit papaano, pinapagaan niya ang loob ko.

"Um... E-Ezekiel..."

"Hm?"

"S-salamat nga pala dahil binayaran mo ang bill namin dito sa ospital. Ang laki na ng utang ko sayo." Ngitian ko siya. "Huwag kang mag-alala, babayaran din kita balang araw."

"Nah. Don't bother. Besides, I partly own this hospital."

"Talaga?" Gulat na tanong ko. "Hindi si Dr. Gregorio?"

Umiling siya. "Nope. This is his hospital. But half of the hospital is my property."

"Kaya pala ganun na lang ang takot ni Dr. Gregorio nang makita ka niya. Para siyang isang tupa at kaharap niya ang isang mabangis na leon."

"I just can't stand seeing him shouting at you. The truth is I want to punch him in the face but when I saw how you stand up and show bravery in front of him, I was amazed. Really. You're one tough lady."

"Nakita mo?"

Tumango siya.

Aish! Nakakahiya kaya yun! Yumuko ako. "That was so embarassing."

"I like that part of you." Hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "I like everything about you."

Bumilis bigla ang tibok ng puso ko.

"Kahit na... mahirap lang kami? Kahit na hindi kami mayaman?"

"Money doesn't matter to me. All that matters is I love you and that's all." Tapos hinalikan niya ang likod ng kamay ko. Hindi ko mapigilang mamula.

"P-pwede bang tigilan mo yan?"

Tumaas ang dalawa niyang kilay. "Ang alin?"

"Y-yung... h-hinahalikan mo ang kamay ko."

"Why? You don't like it?"

"H-hindi sa hindi ko gusto... ano lang kasi... a-ang weird lang talaga sa tuwing hinahalikan mo ang kamay ko. Sa tuwing d-dumadampi ang labi mo sa likod ng kamay ko. H-hindi ko maintindihan kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko. Abnormal na yata ang heartbeat ko. O baka naman ganito lang talaga to mag-react sa tuwing malapit ka. O baka..." natigilan ako.

Teka, ano bang mga pinagsasabi ko?

"Shane.." ang husky ng boses niya.

Dahan-dahan akong lumingon sakanya. Nakita ko siyang nakangiti saken.

Love You Like CrazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon